Marian Rivera hints at gender of her baby: “Yun talaga ang gusto ni Dingdong.”

Walang intensyon si Marian Rivera na mag-birth control at gustong magkaroon ng maraming anak. “Pangarap ko ‘yan na maraming anak dahil solong anak ako,” sabi ni Marian.


Kahit kasalukuyang nagdadalantao ay blooming pa rin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang mag-guest siya sa Tonight With Arnold Clavio ng GMA News TV sa June 17 episode nito.

Nasa ikalimang buwan na ang ipinagbubuntis ni Marian sa una nilang anak ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

Kinumpirma ng aktres sa nasabing episode na alam na nila ang kasarian ng kanilang baby, pero hindi niya binanggit kung ito ba ay lalaki o babae.

“Alam na namin, pero sabi ko nga, hindi naman kami naging madamot sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa amin.

"Kaya siguro minsan, mapapansin nila na sa Instagram ko, hindi ako nagpu-post ng mga baby bump ko, kasi gusto kong namnamin yung pagkakataon na sa akin na lang 'yon.

“Siguro kung makikita man nila, yung asawa ko yung mahilig magpu-post sa mga picture ko talaga,” saad ni Marian.

Sa mga interesado kung ano ang kasarian ng anak ng royal showbiz couple, paniniyak ni Marian, “Ise-share naman namin ‘yan. Kami pa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng magagandang biyaya sa amin [ibinabahagi namin]."

Nagbigay naman ng clue si Marian tungkol sa gender ng kanilang anak.

“Yun talaga ang gusto ni Dong. Yun talaga ang gusto niya,” nakangiting pagbubunyag ni Marian.

May mga Instagram followers naman si Marian na nanghula kung babae ba o lalaki ang magiging anak nila ni Dingdong.

May isang follower ang nagbanggit na sinabi ni Dingdong sa isang nakaraang interview nito na gusto niya ng “Little Marian” bilang una nilang anak.


"THE MORE, THE MERRIER." Samantala, sa interview niya kay Arnold, sinabi rin ni Marian na ayaw niyang mag-family control sila ni Dingdong.

“Ayoko ng birth control, gusto ko nga basketball team kami, e!

"Gusto ko madami.

“Sabi nga ng asawa ko, ‘Pagkatapos mong manganak, pahinga ka muna, tapos tsaka uli tayo mag-baby.’

"Sabi ko, ‘Hindi. Kung bigyan tayo ng Panginoon uli, e, di why not?

"E, di sunud-sunod pa every year. Kaya [ko] naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangarap ko ‘yan na maraming anak dahil solong anak ako.

"Kaya gusto ko, mas marami, mas masaya," saad ni Marian.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close