PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Neumann and Shaira Mae still thankful despite not winning at The PEP List

Mark and Shaira Mae honored to be TV5 reps in production number with other networks' loveteams.
by Glen Sibonga
Published Jun 22, 2015
Mark Neumann on his loveteam with Shaira Mae being compared to loveteams from other networks: “Actually, hindi naman po namin ikinukumpara yung sarili namin sa iba. We look up to them bilang inspirasyon para if ever we can improve and we can learn from them.”

Hindi man nanalo, malaking karangalan na raw para sa TV5 Kilig Prince and Princess na sina Mark Neumann at Shaira Mae na ma-nominate sa The PEP List Year 2.

Nominado si Mark sa dalawang kategorya—Editors’ Choice Breakout Star of the Year (na pinagwagian ni James Reid), at PEPsters’ Choice Male Teen Star of the Year (na pinanalunan ni Darren Espanto).

Si Shaira naman ay nominado sa PEPsters’ Choice Female Teen Star of the Year (na nakuha ni Kathryn Bernardo).

Sabi nga ni Mark, “Of course, sobrang masaya ako, nagpapasalamat ako sa PEP na ni-nominate nila ako.

“I’m not expecting naman anything dahil masaya naman ako kahit na nominee lang.

“Kasi, parang it’s a prestige na napansin nila ako, di ba?

“Congratulations na lang sa mga nanalo.”

Ayon naman kay Shaira, “Siyempre super happy ako.

“Same as Mark, hindi ako nag-expect ng kahit ano.

“Iyong mapasama lang sa nominees, isang magandang sukli na iyon sa lahat ng hard works na ginawa ko para mapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya thankful din ako sa PEP na pinagkatiwalaan nila ako sa spot na iyon.

“Ang dami-daming puwede pero napasama ako doon sa nominees.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Mark at Shaira sa The PEP List Year 2 awards night na ginanap sa Solaire Resort and Casino noong Hunyo 18.

PERFORMING WITH OTHER NETWORKS' LOVETEAMS. Big honor din para kina Mark at Shaira na sila ang nag-represent sa TV5 sa dance production number sa awards night, kung saan nakasama nila ang dalawa pang loveteams mula sa ibang networks—sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ng GMA-7, at sina Jairus Aquino at Sharlene San Pedro ng ABS-CBN.

Sabi ni Shaira, “Ang saya kasi magandang experience ito at magandang exposure para mas makilala pa kami ng ibang tao.

“So, thankful kami sa PEP kasi kami ang napili nila, and of course sa TV5.”

Dagdag pa ni Mark, “It’s great to share the stage with other loveteams from the other networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya kami ni Shaira kasi kami ang representative ng TV5.”

Ano ang pakiramdam na naikukumpara sila sa ibang loveteams?

Sagot ni Mark, “Actually, hindi naman po namin ikinukumpara yung sarili namin sa iba.

“We look up to them bilang inspirasyon para if ever we can improve and we can learn from them.”

BAKER KING. Blessing din para kina Mark at Shaira na maganda ang ratings na nakukuha ng pinagbibidahan nilang primetime teleserye sa TV5, ang Baker King.

Ani Mark, “Siyempre po nakakatuwa dahil sa magandang ratings.

“First of all, thank you sa production and of course kay Direk Mac [Alejandre], na matiyaga po siya sa amin and he really gives his best sa bawat taping.

“Siyempre masaya rin kami para sa iba pang kasama namin sa cast.”

Mas inspirado nga raw silang magtrabaho ngayon.

Sabi ni Shaira, “Yes, siyempre na alam namin maganda ang ratings mas gagalingan pa namin.

“Ang goal namin, mas mataasan pa yung ratings namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Thankful lang kami sa TV5 sa patuloy na pagtitiwala sa amin ni Mark.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Neumann on his loveteam with Shaira Mae being compared to loveteams from other networks: “Actually, hindi naman po namin ikinukumpara yung sarili namin sa iba. We look up to them bilang inspirasyon para if ever we can improve and we can learn from them.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results