Kim Chiu on entertaining suitors other than Xian Lim: "Wala. Siya din wala, e!"

Kim Chiu says her bond with Xian Liam is stronger after four years of being paired with each other.


Hindi man malinaw ang tunay na estado ng relasyon ngayon nina Kim Chiu at Xian Lim, inihayag ng Kapamilya actress na wala siyang ibang ini-entertain na manliligaw.

Maging si Xian ay wala umanong ibang sinusuyo sa ngayon.

Pambubuking ni Kim: “Wala [akong ibang suitors]. Siya din wala, e! Ako talaga nagsabi? Alam ko wala siya, e!”

Birong hirit naman ni Xian: “Sa akin, maraming nanliligaw, hindi ko pinapansin!”

Natatawang komento ni Kim: “Ang hangin! Biglang nag-brownout dito sa PEP!”

Nakapanayam sina Kim at Xian ng entertainment reporters sa The PEP List Year 2, ang award-giving body ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ginanap sa Solaire Resort & Casino noong Huwebes, June 18.

Dito ay diretsahang tinanong sina Kim, 25, at Xian, 25, kung higit na sa pagkakaibigan ang kanilang ugnayan.

Hirit ni Xian kay Kim: “Naku 'eto na… Malapit na ba [maging tayo]?”

Ngunit ngumiti lang si Kim at sinabi sa entertainment media na masaya siya sa tuwing magkasama sila ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta masaya kami. We’re really happy. I enjoy Xian’s company all the time.”

Pakiramdam ba ni Kim ay makakaapekto sa magandang samahan nila ni Xian kung sakaling magkaroon sila ng relasyon?

Maiksing sagot ng aktres, “Ah, wala naman [fear]. Ang tagal na naming magkasama. Four years na.”

Kung anuman ang mayroon sila ngayon, tiniyak ni Kim na mas tumatag ang samahan nila ni Xian ngayon.

“Yeah, parang mas tumatag yung foundation—foundation sa mukha pala!” pabirong saad ni Kim.

Dugtong pa niya, “Naging solid yung foundation naming dalawa.

“So, sobra akong happy na nandiyan siya.”

Sa parte ni Xian, iginiit niyang hindi kailangang madaliin ang usaping pag-ibig.

“Opo naman. Kumbaga, there’s no time limit. Basta masaya ako pag nandiyan si Kim.”


CELEBRITY PAIR OF THE YEAR. Sa kabilang banda, taus-pusong nagpasalamat ang magkapareha sa matinding suportang nakuha nila mula sa kanilang fans.

Lalo pa’t muli silang humakot ng awards sa ikalawang taon ng The PEP List, kabilang na ang PEPsters' Choice Celebrity Pair of the Year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kim, “We have the best fans!

“As in sobrang hindi sila napapagod bumoto kahit kailan, kahit saan, kahit ano pang ginagawa nila, basta manalo lang kami.

“Sobra kaming happy sa efforts nila.”

Dugtong pa ni Xian, “Now it’s our second year na nandito [sa PEP List].

“Thank you rin talaga sa sumusuporta, sa walang sawang pindot ng pindot para lang manalo kami.

“We owe it all to them.”

Ilan pa sa nakamit na awards ni Kim ay PEPsters' Choice Female Movie Star of the Year at Female FAB Star of the Year.

Si Xian ay itinanghal din bilang PEPsters' Choice Male FAB Star of the Year.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close