Nadine Lustre on loveteam with James Reid: "We don’t complicate things... yung love hindi pinipilit."

Nadine Lustre is noticeably glowing these days, "I guess it’s my aura. Masaya ako, I’m very positive," she says, "It’s really the aura talaga and the energy that you give-off. Saka no stress po sa work talaga... Lahat ng blessings ini-enjoy ko, no negativity at all.”


Hindi maiwasang matanong sina Nadine Lustre at James Reid kung hindi pa rin ba sila nadi-develop sa isa't isa dahil sa madalas nilang pagsasama bilang magka-loveteam.

Pero ilang beses na ring sinasabi ng dalawa na wala talagang romantic relationship na namamagitan sa kanila.

Paliwanag ni Nadine, “Well, me and James kasi, we’re enjoying what we have right now.

"We don’t complicate things, I guess.

“Ang concept ko ng love, hindi mo siya pipilitin, e, dapat effortless ‘yan…

"Kung darating ‘yan, darating ‘yan.

“Malalaman nila yun kung may something, especially mga fans, they would know kung meron man.

“If ever na meron, we would tell them kasi mas matutuwa sila, alam mo yung excited silang lahat."

Dagdag ng 21-year-old actress, “Kasi kami ni James, talagang enjoy lang kami kung ano meron.

“Ayaw lang naming maging complicated yung mga bagay.

“Kasi friends kami, wala naman kaming something.

“Hindi naman kami MU [mutual understanding], so parang may times naman na nagkakausap kami nang matagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkakatawanan kami, nagbibiruan, nakikinig kami sa music.

“Kasi ako po, hindi ako natatakot na mag-isa.

“May mga times na hindi ako nagsasalita, yun pong alone moment, sarili ko pong space.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa The PEP List Year 2 awards night, noong June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.


CASUAL. Para raw mas magkaroon ng kilig factor ang isang loveteam, dapat ay magkaroon sila ng relasyon sa tunay na buhay.

Hindi ba napi-pressure dito si Nadine?

Tugon ng Viva artist, “Hindi naman po kami napi-pressure.

“Kami ni James kasi, we’re just being ourselves.

“Ayaw naming pilitin, 'ika nga, yung love hindi pinipilit. Kung mangyayari, mangyayari.

“I agree naman na hindi masamang mangarap for the fans, nakakakilig din naman.

“Pero yun lang talaga kami ni James, casual lang talaga.”

Umaayaw ba siya kay James o naghihintay lang siya ng move mula sa binata?

Sabi ni Nadine, “Hindi naman umaayaw, hindi rin naman naghihintay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GLOWING. Samantala, marami ang nakakapansin sa pagbabago ni Nadine ngayon.

Lalo raw siyang gumaganda, at makikita ito sa mga magazine covers at endorsements niya.

Ayon kay Nadine, nais niyang maiba palagi ang kanyang look para may aabangan palagi sa kanya ang fans.

“Physically, emotionally, spiritually… sa loob din.

“Physically, gusto kong mag-improve, e, yung nakikita ako ng tao na nag-iiba-iba ako, hindi yung isang look lang.

“Spiritually, I’m more connected with God now than before.

"Kasi dati, medyo may mga konting doubts ako.

“Dati, I’m doubting yung mga ibinibigay Niya sa akin, before pa, nung hindi pa dumarating yung Diary ng Panget.

“Sabi ko, 'Bakit ganun?' Ang dami kong tanong, dami kong hinihingi sa Kanya.

“Emotionally, I guess because I’m very, very blessed po, so masaya ako.”

Nagpapasalamat din si Nadine sa mga pumupuri ng paggu-glow niya ngayon.

“Kasi po, it comes naturally, e.

"Pag naramdaman mo yung career mo gumaganda... parang bigla na lang siyang nagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero parang typical lang naman yung hitsura ko, I feel nothing special or anything sa looks ko.

“I don’t know... I guess it’s my aura. Masaya ako, I’m very positive.

“That’s why many people are saying, 'Uy, gumaganda ka, glowing ka!'

“It’s really the aura talaga and the energy that you give off.

“Saka no stress po sa work talaga, I’m really enjoying.

“Lahat ng blessings ini-enjoy ko, no negativity at all.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close