Piolo Pascual says working with Sarah Geronimo is "dream come true"

Piolo Pascual on Sarah Geronimo: "She’s very simple, napakabait na bata, napakabait na kasama sa trabaho. She loves what she does. She has respect for the craft and marami pa siyang puwedeng maibigay kasi nakikita ko naman talaga."


Magkasama man sila ng maraming taon bilang dalawa sa main hosts ng ASAP, ang Sunday musical variety show ng ABS-CBN, hindi raw inakala ni Piolo Pascual na makakatrabaho niya si Sarah Geronimo sa isang pelikula.

Bumilib nga raw ang bagong tanghal na Box-Office King sa kanyang leading lady sa pinagbibidahan nilang The Breakup Playlist, under Star Cinema, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa July 1.

Saad ni Piolo, “Magkasama kami ni Sarah sa ASAP for about ten years already, so first time ko siyang makasama ng almost every day.

“So, she has my respect and admiration because mahal niya yung trabaho niya, mahal niya yung ginagawa niya.

“So, ang sarap lang po pag may katrabaho ka na alam mo na you are on the same phase on how you want to make everything work, especially on this movie.

“Mahirap po talaga siya, pero we’re both very excited, kasi first time namin parehong ginawa yung ganitong klaseng kahirap na gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, I guess, the most important thing there was we were up for the challenge and, yun nga, it’s also a dream come true for me to be able to work with Sarah.

“Kasi alam kong isa talaga siya sa mga hindi lang pinakamagaling, kumbaga, masasabi nating she’s always on top of her game.

“Kaya ang sarap niyang kaeksena at enjoy siyang katrabaho.

“Marami pa actually siyang puwedeng ibigay kaya, yun, it’s a privilege na nabigyan ako ng chance to work with her.”

Ito ang naging pahayag ni Piolo sa harap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na dumalo sa presscon ng The Breakup Playlist nitong Martes ng tanghali, Hunyo 23, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

MORE DISCOVERIES ABOUT SARAH. Ano pa ang mga na-discover ni Piolo kay Sarah sa pagtatrabaho nila sa shooting ng kanilang pelikula?

Ayon sa Kapamilya actor, “Unang-una, ang napansin ko kay Sarah nung gumagawa kami ng pelikula, mahilig siyang kumanta, kaya ang tawag ko sa kanya is ‘Jukebox.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang ginagawa niya while waiting for a scene.

“And alam naman nating lahat na mabungisngis siya, mahilig siyang tumawa.

“But what I can say about Sarah is she’s very simple, napakabait na bata, napakabait na kasama sa trabaho.

“She loves what she does.

“She has respect for the craft and marami pa siyang puwedeng maibigay kasi nakikita ko naman talaga.

“But I didn’t realize na aabot kami sa puntong magkakatrabaho kami.

“It was a great experience working with her kasi ngayon ko lang siya nakatrabaho as co-actor.

“At saka nakikita ko how she transforms on stage once nakita mo na mag-perform na siya, as in talagang ibang klase.

“And dito sa pelikula, you can see a more mature Sarah.

“I admire her so much that she gave justice to the role, yun talagang makikita at makaka-relate lahat ng mga babae, especially yung mga musicians na dumadaan sa ganung pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap kasi ng role niya, pero talaga namang nandoon siya 100 percent.

"So, masaya ako doon sa nagawa namin.”

DREAMS TO BE A ROCKSTAR. Bukod sa natupad ang pangarap niya na makasama sa pelikula si Sarah, dream come true rin daw kay Piolo ang pagganap niya bilang bokalista ng isang banda.

“Sa pelikula, I’m so happy because pangarap kong maging rockstar, e. At least dito sa pelikula nagawa ko, di ba?” sabay tawa ni Piolo.

Nag-enjoy nga raw siya sa pagganap ng rockstar.

“More than the challenge, it’s the enjoyment to portray somebody na nakahikaw, naka-tattoo, tapos naggigitara, papoging rockstar.

“Sa pelikula man lang, magawa ko.

"So, sobrang akong happy and na-fulfill ko yung pangarap kong iyon.”

Thankful nga si Piolo sa kanyang guitar teacher pati na sa kanilang direktor na si Dan Villegas dahil sa malaking tulong ng mga ito sa kanya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close