Sarah Geronimo reveals how she got over a past heartbreak; talks about current relationship with Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo on previous heartbreak: “O, basta yun. May music, nakalimutan ko na yung music, basta heartbreak song siya. Nilakasan namin yung tugtog. Kumakanta kami [ni Ate Juday], umiiyak ako, ganyan… Kasi part ng healing process ‘yan, e. Yung alagaan mo yung sakit until mawala.”


Hindi maiwasan ni Sarah Geronimo na alalahanin ang personal niyang pinagdaanan nang mabigo siya sa pag-ibig.

Ito ay matapos usisain ng entertainment press ang kanyang saloobin tungkol sa pelikula nila ni Piolo Pascual, ang The Breakup Playlist.

Ginanap ang presscon para sa naturang pelikula sa ABS-CBN Dolphy Theater, Martes ng tanghali, June 23.


HOW TO HEAL A BROKEN HEART. Ayon kay Sarah, naging daan ang musika para mailabas ang sakit na naramdaman niya noong 2010.

“Naalala ko po nung ako ay nasasaktan, magkasama kami ni Ate Juday [Judy Ann Santos] sa Hating Kapatid [2010], gumagawa kami ng pelikula,” bungad na pahayag ni Sarah.

Sa puntong ito ay tinanong ng entertainment columnist na si Allan Diones kung kanino brokenhearted ang Popstar Princess noong panahong iyon.

Hindi na pinangalanan ng 26-year-old singer-actress ang lalaking tinutukoy niya.

Ngunit hindi kaila sa publiko ang tungkol sa hiwalayan nila ni Rayver Cruz, 25, matapos ng isang taong lihim na pag-iibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: YES! EXCLUSIVE: Sarah Geronimo opens up about her failed romance with Rayver Cruz in YES!

Patuloy na lahad ni Sarah, matapos iwasan ang tanong kung sino ang lalaking tinutukoy niya: “O, basta yun. May music, nakalimutan ko na yung music, basta heartbreak song siya.

“Nilakasan namin yung tugtog. Kumakanta kami [ni Ate Juday], umiiyak ako, ganyan…

“Kasi part ng healing process ‘yan, e. Yung alagaan mo yung sakit until mawala.”

Kuwento pa ni Sarah, ang pakikinig sa mga kantang naglalarawan ng sakit na pinagdadaanan ng isang taong brokenhearted ay sadyang normal na proseso.

“Yung kasi, Breakup Playlist, yung pag-aalaga mo sa emotions mo, e.

"Na bawat emosyon, kailangan mo pagdaanan, or else, mababaliw ka.

“Ano ka robot? Ano ‘to?” natatawang saad ni Sarah, sabay hirit na pag-usapan na lang muli ang pelikula kaysa mapunta pa sa masyadong personal na usapan.


HAPPY WITH MATTEO. Sa kabilang banda, hindi rin kaila sa publiko kung gaano kasaya si Sarah sa piling ng kanyang current boyfriend na si Matteo Guidicelli, 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo pa’t bukas ang magkasintahan sa pagsasabing umaasa silang magtuluy-tuloy ang magandang pundasyon ng kanilang relasyon.

Kung anu’t ano pa man, idinadaan na lang ni Sarah sa dasal na manatiling positibo ang samahan nila ni Matteo.

Sagot ni Sarah nang kumustahin ang kanyang “happy heart”: “E, sana po.

“Siyempre wala naman hong ano, e... bawat sitwasyon, wala namang perpektong sitwasyon.

“Kailangan mo lang ipagdasal na kung ano yung kalooban ng Diyos, yun ang mangyayari sa bawat relasyon na pinapasukan mo.”

Sa kabila ng pagiging istrikto ng mga magulang ni Sarah, hindi lingid sa kaalaman ng publiko kung paano naglakas-loob si Matteo na manligaw sa Popster Princess hanggang sa naging sila.

Pormal na isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon noong June 2014.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close