Megan Young and Tom Rodriguez star in Marimar remake; expect comparison with Marian Rivera and Dingdong Dantes

Megan Young and Tom Rodriguez have been chosen by GMA Network to reprise the iconic roles of Marimar and Sergio, respectively, in the new version of Marimar.


Mas lamang ang excitement kaysa kaba na nararamdaman nina Megan Young at Tom Rodriguez sa pagbibida nila sa remake ng Marimar.

Ginanap ang story conference ng Marimar sa 17th floor ng GMA Network Center noong Lunes, June 22, at dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa.

Ayon kay Megan, “Mas excited siguro ako kesa sa kinakabahan.

“Kasi, first project ko after I signed with GMA, and isa pang napakagandang project na ibinigay sa akin, na Marimar.

“So, excited po ako.”

Sabi naman ni Tom, “Parang mixture of feelings na nilagay ako sa bottle na inalog-alog.

"Pero pag pinagsama mo lahat yun, masarap ang pakiramdam."

Inihalintulad din ni Megan ang pagkakapili sa kanya bilang bida sa Marimar nung sumali siya at nanalo sa Miss World noong 2013.

“Actually, parang kinu-compare ko siya nung time na nag-Miss World ako.

“Kasi nung time na yun, malaki din ang expectations nila.

“So, sabi ko na lang, I’ll do it in my own way, na hindi ako susunod sa ginawa ng iba,” pahayag niya.

DONGYAN. Ang Marimar ay hango sa hit Mexican drama series noong 1994 at pinagbidahan ng Mexican singer-actress na si Thalia.

Noong 2007 ay gumawa ang GMA Network ng Philippine version nito na siyang naging launching vehicle ni Marian Rivera.

Sa MariMar din unang nakatambal ni Marian si Dingdong Dantes, na gumanap bilang Sergio Santibañez, at kinalaunan nga ay nagpakasal ang dalawa sa totoong buhay.

Inaasahan na raw ni Megan na ikukumpara siya kay Marian, kaya gusto sana niyang makausap ang GMA Primetime Queen upang makahingi siya ng payo rito.

“Sana mabigyan ako ng chance na makahingi ng advice kay Marian.

“Kasi siyempre, nung siya yung gumawa, talagang big hit, and she really made a trademark sa industry at siyempre sa GMA.

“So, malaking tulong sa akin kung makahingi ako ng advice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully soon,” nakangiting pahayag ni Megan.

Ganito rin daw ang nararamdaman ni Tom, na gaganap bilang bagong Sergio Santibañez.

Kung magkakaroon daw ng pagkakataon na magkita sila ni Dingdong Dantes sa Sunday All Stars, kakausapin din niya ang GMA Primetime King.

Pero aware daw siya na ikukumpara pa rin siya kay Dingdong.

Pahayag ni Tom, “Hindi naman maiwasan yun.

“Sa akin naman, it’s expected. It doesn’t take away or add anything to what I’m doing.

“I have to focus, or else I wouldn’t be ano… giving respect to those who came before if I don’t focus and do my best.”

FROM REEL TO REAL. Tinanong din ang bagong loveteam ng Kapuso network, na kahit committed na sila sa iba, posible kayang matuloy sa magandang pagtitinginan ang samahan nila, gaya ng kina Dingdong at Marian na nauwi sa kasalan?

Si Megan ay nauugnay ngayon kay Mikael Daez, habang si Tom naman ay aminadong may magandang pagtitinginan kay Carla Abellana.

Sagot ni Megan, “Ako naman kasi, pagdating sa work, work lang talaga.

“Tom is a friend of mine. For us, talagang okay, let’s do it na work lang talaga.”

Pero gusto naman daw nilang ipakita sa kanilang programa ang closeness na makatotohanan ang kanilang relasyon bilang si Marimar at Sergio.

Sabi pa ni Megan, “Even before pa, magkasama na kami dati, e.

“Sana dito sa bonding namin, maging close kami na mapakita namin yung mga eksena namin na real, hindi yung reel lang.”

Pahayag naman ni Tom, “Hindi ko naman ma-control kung ano ang ini-expect ng mga tao, e.

“All I can say is, hindi naman yun basis ng ganung pangyayari.

“Siguro nagkataon lang na they [Marian and Dingdong] were together in the show and something developed.

“Hindi naman yung ganun lagi ang mangyayari, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posibleng mapagselosan kaya ito ni Carla?

“I don’t think there’s any need for that,” seryosong sagot ni Tom.

MISS WORLD. Pagkatapos ng story conference ay lumipad si Megan patungong Barcelona, Spain.

Bahagi ito ng obligasyon niya sa Miss World Organization dahil iniimbitahan pa rin daw siya sa ilang events kahit tapos na ang kanyang reign.

Natutuwa naman daw siya sa organizers ng Miss World dahil suportado pa rin ng mga ito ang kanyang showbiz career.

“Lagi naman sila all-out support sa mga winners nila kahit anong gawin after their reign.

“Gusto ko talaga gawin ang project na ‘to. I think it’s a very good opportunity.

“Malaking bagay ito para sa akin,” sabi ni Megan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN