Jean Garcia to Angelica Panganiban on reprising her role as Madam Claudia: “Just be yourself and passionate about your character.”

Dahil nasa GMA na si Jean Garcia, nirerespeto daw niya ang kanyang kinabibilangang istasyon kaya hindi siya masyado nagpa-interview tungkol sa remake ng Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN. Dagdag pa niya, “Pero ako, I wish them well. Siyempre show din namin ‘yan (dati) ‘di ba?”


Sa unang pagkakataon ay naghayag ng kanyang saloobin at obserbasyon ang actress-TV host na si Jean Garcia tungkol sa remake ng Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN.

Si Jean ang isa cast ng original series na Pangako Sa 'Yo, na ipinalabas noong 2000 at tumagal hanggang 2002.

Ginampanan niya ang papel ng iconic character na Madam Claudia Buenavista, na ginagampanan ngayon ni Angelica Panganiban.

Ang mahigpit niyang kalaban noon ay ang character ni Eula Valdes bilang Amor Powers, na ginagampanan ngayon ni Jodi Sta. Maria.

Ang naturang teleserye ang nagpasikat sa tambalan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales bilang Yna at Angelo.

Sa 2015 remake, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga bida.

Pasintabi ni Jean, bahagi na kasi siya ng GMA Network ngayon kaya hindi siya nagpapa-interview tungkol dito o kaya ay nagbigay ng anumang pahayag nitong mga nakaraang linggo tungkol sa teleserye ng Kapamilya network.

“In respect to GMA, I think pangit naman siguro na magsasalita pa ako na hindi ko naman show, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya hindi rin ako masyado nagsasalita.

"Pero ako, I wish them well.

"Siyempre show din namin ‘yan [dati] ‘di ba? Successful ‘yan.

“I want them also to be successful, walang halong kaplastikan ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jean sa presscon ng Fully Loaded Afternoon, ang daytime public service programming block ng GMA News and Public Affairs, ngayong Miyerkules ng tanghali, June 24.

Si Jean ang host ng Love Hotline, isa sa limang bigating shows na mapapanood sa GMA, ganap na 4:50 ng hapon araw-araw, simula ngayong buwan ng Hunyo.

Maliban sa Love Hotline, na napapanood tuwing Biyernes, ang ilan pa sa mga public service program na kabilang sa Fully Loaded Afternoon block ay ang Alisto (with Arnold Clavio, Lunes), Tunay Na Buhay (with Rhea Santos, Martes), Powerhouse (with Kara David, Miyerkules), at Reporter’s Notebook (with Maki Pulido and Jiggy Manicad, Huwebes).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Love Hotline, kasama rin si Jean sa afternoon series na The Half Sisters.


THE NEW CLAUDIA. Marami ang nagtatanong kung ano ang masasabi ng original “Madam Claudia” sa bagong gumaganap dito na si Angelica Panganiban.

Pero pag-amin ni Jean, dahil sa dami ng kanyang ginagawa, hindi pa siya nakakapanood kahit isang episode ng bagong Pangako Sa 'Yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming mga feedbacks na naikuwento sa akin, na sabi niya [Angelica], 'Naku naman, sana i-endorse niya ako.'

“Ang sa akin lang ang masasabi ko, si Angelica Panganiban is a good actress.

“Di ba, she is good naman?

"So, I guess, kailangan lang natin siyang bigyan ng pagkakataon.

"Yung Madam Claudia kasi namin ni Eula noon is fast, ‘yan yung original ng Pangako, so nag-decide ang ABS-CBN na i-remake siya.

“Kinuha nila ang mga artistang ito—si Jodi, si Angelica, at si Ian Veneracion—plus the two bagets, si Daniel at si Kathryn.

“So, ang ABS-CBN, nagawa nga nila yung Pangako na very successful before so, I guess, magiging okay din ito.

"Hindi naman nila ibibigay 'yan kay Jodi 'tsaka kay Angelica kung wala, ‘di ba?

“Hindi nga lang natin masasabi kung anong mangyayari, kung magiging successful talaga o hindi.

“Pero, I guess, magaling naman ang ABS, magaling ang GMA, kaya sila tumatagal nang ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, at least, alam nila yung ginagawa nila."


“BE PASSIONATE ABOUT YOUR CHARACTER…” Sa guesting ni Angelica sa isang TV show, pabirong binanggit nito na sana ay iendorso siya ni Jean o makapagkomento man lang ito tungkol sa kanyang character sa show.

Sa Instagram naman, sinabi ni Angelica na wish niyang makita si Jean at makapagpa-picture man lang matapos niyang makapagpalitrato kay Eula sa nakaraang Gawad Urian.

Sabi ni Angelica sa caption: “Got a picture with the original Amor Powers 😍😍😍 sana maka salubong ko somewhere si Ms. Jean sa susunod 😃”

Kaya minarapat ng PEP na hingan ng video message si Jean para kay Angelica.

Seryosong mensahe ng Kapuso actress para sa Kapamilya actress: “Angelica, just be yourself, magaling kang artista.

“Mahalin mo ang ginagawa mo. [Be] passionate about your character.

“Enjoy-in mo lang siya and everything will be good.

"Good things happened, e. So, sana maging maayos."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close