Vice Ganda says Valkyrie incident can help the LGBT community: "Mabibigyan sila ng pagkakataon na makapagsalita."

Despite not being active in LGBT advocacies, Vice Ganda says his showbiz exposure makes him an active representative of the community.


Nilinaw ni Vice Ganda na sinuspinde lamang at hindi tinanggal sa trabaho ang staff ng Valkyrie Nightclub na hindi nagpapasok sa fashion designer na si Veejay Floresca dahil sa pagiging transwoman diumano nito.

Isa si Vice sa stockholder ng nasabing restobar sa Bonifacio Global City, Taguig.

Lahad niya, “Kinausap nila yung involved na staff.

"Inalam kung sino yung bouncer or yung staff na na-encounter noong mga involved.

“Kinausap, ni-reprimand. If I’m not mistaken, nasuspinde.”

Sa tingin niya, tama ba na masusupinde ang staff nila dahil sa nangyaring insidente?

Tugon ng Kapamilya star, “Okey lang naman 'yon, kung merong pagkakamali, kailangan talaga kinu-correct… at kinu-correct naman.

“Pero hindi ako pabor sa mawalan ng trabaho, kasi gusto natin maresolba nang maayos ang lahat.

“Walang may gusto na may mawalan ng trabaho, ang dami nang walang trabaho.”

Na-shock ba silang mga may-ari ng Valkyrie sa kontrobersiyang kinasangkutan ng restobar?

Ayon kay Vice, “Actually, sabi ko nga, this is an opportunity, maganda ‘tong opportunity to improve everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ma-improve ang relasyon ninyo sa mga tao, ma-improve ang services ninyo.

“Ma-voice out din ng LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender] kung ano ang gusto nilang sabihin.

“This is an opportunity at hindi natin dapat ‘to i-consider na tragedy, na isang pangit na pangyayari sa establisimyento.

“May learning, e, saka hindi dapat ‘to ginagawang dahilan para mag-away-away ang mga tao.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa studio ng It's Showtime noong Martes, June 23.


LGBT. Ano sa tingin niya ang magiging epekto ng nangyari sa Valkyrie as far as business is concerned?

Tugon niya, “I am not really sure, hindi naman kasi ako ano... wala akong alam sa statistics at sa mga ano.

“Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito.

“Pero ang alam ko lang, may effect ‘to sa LGBT community.

“Doon lang muna ako sa LGBT community na maganda ang effect nito.

"Kasi mabibigyan sila ng pagkakataon na makapagsalita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na kaya ang maging simula ng pagiging aktibo niya sa mga adhikain ng LGBT community?

Paglilinaw ni Vice, “Active naman ako ever since.

"Yung presence lang mismo sa telebisyon, isang malaking pagpapakilala at pagre-represent ng LGBT community, di ba?

“Yung mga opinyon ko, every now and then, naririnig ninyo naman.

“Hindi ako papayag na... ano bang klaseng active?

“Yung salitang active, paano mo nage-gauge yun? Kailangan ba magra-rally ka?” pag-uusisa niya.

Yung magkaroon siya ng direct involvement sa isang organization ng LGBT community, gaya ng Ladlad kung saan isa sa mga main supporter nila ay ang King of Talk na si Boy Abunda.

Gusto ba niyang makibahagi sa mga ganitong organisasyon?

Ayon kay Vice, “Actually, they never reached out to me but I reached out to them yesterday.

“Kaya nga nagtataka ako sa kanila, sinasabi nila bakit hindi raw ako active.

“No one invited me... there were a few who invited me, pero yung mga grupo, they did not reach out to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung lumabas ang isyu na ‘to, wala namang nagsabi sa akin, e.

“Walang nagpaalam sa akin, walang humingi ng tulong.

"Well, in fact, I can be of help.

“‘Tsaka, kumbaga, meron akong ano, e... sa social media lang, hello, ang dami kong followers!

"Kung kailangan ninyo ang tulong ko, puwede kayong lumapit sa akin.

“Walang lumapit. Ako ang lumapit sa kanila.”


SUPPORT. Gusto rin ba niyang maging active sa LGBT community, gaya ng ginagawa ni Boy?

“Not yet, pero meron kaming mga common friends na active sa LGBT na nakakausap namin.

“Yung Ladlad, nakausap namin.”

Sino ang nag-initiate ng meeting niiya with the LGBT community?

“Sa akin, oo,” pag-amin niya.

“Sabi ko nga, noong una, kaswal na tsikahan lang.

“Na gusto ninyo usap-usap tayo kung ano ang puwede kong maitulong.

“Anong problema ang nae-encounter ninyo, kung anong puwede kong i-share.

“Marami ang gustong sumama kaya natuwa naman ako doon.

“At least, makikilala mo yung mga iba’t ibang grupo at saka may magkakaaway kasi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang gusto kong i-mediate, yung magkakaaway na grupo.

“Kayo-kayo na lang, nag-aaway-away pa kayo, paano kayo mauunawaan ng mga tao?

“Pero para magkaroon ako ng title or position, no, hindi.

“Puwede akong maging miyembro, puwede akong tumulong, pero ayaw kong magdunung-dunungan at mag-lead.

“Kasi kung hindi ko kayang panindigan yun, bakit ko kukunin?

“For a title? No, I will not do that. Marami na akong titles.

"I can be of help, I will support, pero ayoko nang magdunung-dunungan at maglider-lideran,” sabi niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close