Shaina Magdayao longing for that "one day" to finally meeting the one

On her Instagram account, Shaina Magdayao posts about waiting for the Universe to answer her prayer for the day to finally meet the right one.


Sentimental ang Instagram post ni Shaina Magdayao nitong Martes, June 23, tungkol sa pagiging single.

Ibinahagi ng bida ng ABS-CBN primetime teleseryeng Nathaniel sa kanyang social media account ang isang tulang pinamagatang “A Postcard” mula sa international author na si Lang Leav.

Ang tula ay mensahe ng isang tao sa pinapangarap niyang lalaki na hindi pa dumarating, pero umaasang makikita at makikilala niya balang-araw.

Sa caption ni Shaina, ipinahayag niya ang pagpapadala sa “Universe” ng kanyang dasal para sa tamang tao, pero wala pang kasagutan.

Gayunpaman, positibo siyang darating ang araw na mabibigyan ng kasagutan ang kanyang panalangin.

Bahagi ng caption ni Shaina sa nasabing post: “SENT - to the Universe w all my [heart] and RECEIVED - Unknown still.

“One day. That one day, the day I will learn your name. Let’s wait and see.”

Ilan sa mga hashtags ni Shaina na kabilang sa kanyang caption: #inHISperfectTime,
#whathappenswhenIsleeptooearlyandwakeuptooearly, #pagbigyan, #oneofthosedays
#mayTIMEmagIG

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa kanyang hashtags, may indikasyon na nagkaroon si Shaina ng panahon na makapagmuni-muni, at kabilang na rito ang tungkol sa kanyang “future.”

Sumagot naman sa comment section ang aktres na si Sandy Andolong at nagbigay ng positibong mensahe kay Shaina na sasagutin ng Diyos ang kanyang panalangin.

Si John Lloyd Cruz ang huling naging boyfriend ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas ang tungkol sa kanilang paghihiwalay dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2011, kung saan nasangkot si Ruffa Gutierrez na dati nang na-link kay John Lloyd.

Read: (UPDATED) FIRST READ ON PEP: John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao split up

Gayunpaman, naayos at nagkabalikan sina Shaina at John Lloyd, pero nagkahiwalay rin.

Kinumpirma ng aktres ang tungkol sa breakup nila noong May 2012.

Read: Shaina Magdayao confirms breakup with John Lloyd Cruz; says reason is "purely between John Lloyd and myself"


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close