Judy Ann Santos on Piolo Pascual’s wish for a reunion project: “Wala namang imposible, di ba?”

“Wala namang imposible, di ba?” This is Judy Ann Santos’ reaction to the possibility of reuniting with former leading man Piolo Pascual for an acting project.


Nag-react si Judy Ann Santos tungkol sa Instagram post ng dati niyang leading man na si Piolo Pascual, na umaasang magkatrabaho silang muli.

Nag-post sa kanyang Instagram account si Piolo ng picture nila ni Judy Ann noong nakaraang Linggo, June 21, na kinunan sa backstage ng ASAP 20.

Nabuhayan naman ng dugo ang mga tagasuporta ng dalawa, na naging malakas ang loveteam noong early 2000.

Sa caption, nagbigay-pugay si Piolo kay Juday na siyang naging daan daw upang mabigyan siya ng malaking break sa showbiz.

Idinagdag pa ng aktor ang pagnanais niyang muli silang magkatrabaho.

Read: Piolo Pascual to Judy Ann Santos: “Sana maka-work kita ulit.”

Ito naman ang tugon ni Judy Ann sa hiling ni Piolo: “Palagi ko namang sinasagot ‘yan.

"Pag it happens, it happens… at the right time and the right project.

“Wala namang imposible, hindi ba?”

Natuwa raw si Juday sa post ni Piolo pero, “It’s nothing new to us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkikita naman kami ni PJ [palayaw ni Piolo], hindi lang nakikita ng mga tao. We see each other,” paliwanag ni Juday sa interview na lumabas sa Bandila kagabi, June 24.

“There was a time we were in Cebu, nag-Ironman sila ni Ryan [Agoncillo, asawa ni Juday],” kuwento pa ng aktres, pagtukoy sa Ironman 70.3 Philippines na ginanap sa Cebu noong August 2014.

“Nagtsikahan na naman kami. Hindi lang siya napo-post, hindi lang siya natsi-tsika, pero we’re friends.

“Nagkataon lang na 'yon lang ang publicly na nakita sa ABS-CBN or sa kung saan dun sa hallway, or dahil nasa ASAP kami pareho, but it’s nothing new to us.”

Samantala, time out muna sa showbiz si Judy Ann, na 10-weeks pregnant ngayon, at abala sa pagpu-promote ng kanyang cookbook, ang Judy Ann’s Kitchen.


Nagbabalak din daw siyang bumalik sa culinary school.

Sabi ni Judy Ann sa plano niyang pag-aaral muli, “May mga few units pa akong natitira and gusto ko talagang gumradweyt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa lang na matatapos ko na siya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close