Glee star Heather Morris visits the Philippines for the second time

Heather Morris first visited the Philippines as a main back-up dancer at Beyonce’s concert in 2007. Nine years later, she returned as a star in her own right after appearing in the hit TV series Glee.


Na-enjoy nang husto ng Hollywood actress-dancer-singer na si Heather Morris, na sumikat sa pagganap bilang si Brittany S. Pierce sa American TV musical na Glee, ang pangalawang pagkakataon na makapunta siya rito sa Pilipinas.

Naimbitahan kasi si Heather para maging special guest sa grand launch ng PLDT Home and Smart’s Entertainment Everywhere featuring iFlix, na ginanap noong Hunyo 24 sa Green Sun Hotel sa Makati City.

Bukod sa local celebrities at beauty queens—gaya nina Iza Calzado, Solenn Heussaff, Pia Wurtzbach, at MJ Lastimosa—dumalo rin sa naturang event ang mga executive ng PLDT at Smart sa pangunguna ni Chairman Manny V. Pangilinan kasama rin sina Chaye Cabal-Revilla, Ariel Fermin, at Gary Dujali.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na ma-interview sandali si Heather sa event.

Kaagad ngang tinanong ng PEP: How’s your experience in the Philippines so far?

“It’s good. It’s my second time here,” sambit ni Heather.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When was your first?

“I was guesting for Beyonce. We’re on tour. We were here.”

Ang binabanggit ni Heather ay ang concert at world tour ng international singer na si Beyonce, ang The Beyonce Experience Tour: Beyonce Live in Manila, na ginanap sa The Fort Bonifacio Open Field sa Taguig noong November 7, 2007.

Isa si Heather sa naging main back-up dancers ni Beyonce sa buong world tour.

Dancer pa lang siya noong una siyang makapunta sa Pilipinas, pero ano ang pakiramdam ngayong nakabalik siya sa bansa na isa nang ganap sa celebrity bilang Glee star?

“It’s a very different experience coming here!” sabay tawa ni Heather.

Nagpapasalamat nga siya sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanya.

“I’m just so grateful. Thank you guys, I really appreciate it.”

PERSONAL TWEETS. Ilang araw bago tumungong Pilipinas si Heather ay nag-post na siya ng personal tweet tungkol sa pagbisita niya rito sa kanyang official Twitter account na @HeatherMorrisTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

June 21 nang mag-tweet siya ng: “..bags are packed...waking up and headed to Manila, phillipines!! Can't wait!! #PLDTSMARTiflix #EntertainmentEverywhere #HereICome

Dumating siya sa Pilipinas noong hapon ng June 23 at ang tweet niya: “made it, manila :) so excited :) see you tomorrow!! #BritannyinManila #PLDTSMARTiflix #EntertainmentEverywhere

Nag-tweet din siya habang nasa event noong June 24: “The party was awesome! Can't wait to try IFLIX mahself! #BritannyinManila #PLDTSMARTiflix #EntertainmentEverywhere

PINOY FANS. Bago ang PLDT Home at Smart event, nagkaroon ng meet-and-greet si Heather sa ilan niyang Filipino fans.

Tanong nga ng PEP: There are so many fans of Glee here in the Philippines, what would you like to say to them, especially your fans?

Sagot niya, “I think they’re so wonderful.

“I mean, they’re really like… they’re just so enthusiastic, they warm my heart.

“They’re the funniest fans I’ve ever had.

“You know, their comments are just great. They made me laugh, they’re great.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GLEE-INSPIRED NUMBER. Sa event ay ilang mga kabataang Pinoy ang nag-perform ng ilang musical scenes sa Glee.

Kaya hiningan ng press ng reaksiyon si Heather sa napanood niyang Glee-inspired number.

“It was so wonderful. I loved it.

“It’s so hard to do that live on stage in front of all these people, so I commend them.”

There are a lot of pepole that look up to you, do you have a message to all aspiring singers or performers out there?

Saad ni Heather, “I think find what’s important to you.

“Stick with that but also try to be as different as possible.

“Whatever makes you feel comfortable, even if it’s not what everybody else is doing, you know, it’s feels good for you.

“So, that’s kind of what I’ve learned in the entertainment industry I guess for the last ten years.”

CHARICE. Sa isang season ng Glee ay nakatrabaho ni Heather ang Pinoy international singing sensation na si Charice Pempengco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What can you say about Charice?

“She is a very, very cute, funny woman.

“She is so talented, like naturally talented. She’s a joy to watch.

“Everybody really, really enjoyed her.”

Hindi man daw siya naging close kay Charice dahil sandali lang naging guest ang Pinoy singer sa Glee, ikatutuwa niya raw kung makikita niya ulit ito.

“I didn’t personally get close with her. You know, we only met in the show like one time.

“But if I saw her, it would be nice, you know,” sabi ni Heather.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close