Sheena Halili is done with showbiz relationships: "Ayoko na ng showbiz, dalang-dala na ako."

After 12 years in GMA, Sheena Halili is one of its most loyal artists, “Parang vice-versa... Naibibigay nila sa akin yung tingin nila na para sa akin. At ginagawa ko naman para sa kanila yung tingin ko na dapat kong ibalik dahil inaalagaan nila ako.”


Ayaw magbigay ni Sheena Halili ng detalye tungkol sa kanyang lovelife, basta masaya raw siya ngayon.

Sa pagitan ng isang taga-showbiz at hindi taga-showbiz, mas gusto raw ni Sheena na hindi artista ang kanyang karelasyon.

“Kasi ayoko na ng showbiz, dalang-dala na ako. Charot!" tawa ng Kapuso actress.

Dagdag niya, “Ang hirap… basta iba kasi pag parehas kayong showbiz."

"Nagkakaintindihan kayo, of course.

“Pero iba din kasi pagka non-showbiz, parang mas feeling mo maaalagaan ka talaga, mas love ka, ganun.”

Pero magkaiba sila ng mundo.

“Masarap din kasi yung paglabas mo sa showbiz may ibang mundo kang ginagalawan.

“And siya, ang sarap din nung feeling na parang proud siya na madaming nag-a-admire say, o, maraming nakakakilala sa ‘yo.”

Ang huling nakarelasyon ni Sheena na taga-showbiz ay si Rocco Nacino.


ALJUR IN MAGPAKAILANMAN. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena sa taping ng Magpakailanman episode na “Ang Bunga Ng Nakaraan: The Nestor Jasm Boller Story,” noong June 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama ni Sheena rito ang kapwa niya StarStruck graduate na si Aljur.

Masaya raw si Sheena na bahagi siya ng programa na maituturing na comeback ni Aljur sa drama matapos magpahinga ang aktor ng halos isang taon sa GMA Network.

Sa direksiyon ni Albert Langitan, ipalalabas na ito ngayong gabi, Sabado, June 27.

Sabi ni Sheena, “Masaya po ako, siyempre masaya rin po ako para kay Aljur.

“First time naming maging mag-partner sa isang show.

“Kasama ko siya sa Indio pero hindi kami mag-partner.

“Nakakatuwa kasi nakikita ko sa kanya na mas minahal niya talaga yung trabaho niya ngayon.

“For me, ha, iyon ang nakikita ko, e.

“Gumaling, ang galing umiyak! Sobrang ang ganda ng episode namin.

“Kaya masaya ako for him na binigyan siya ng chance na mag-Magpakailanman

“Ang soap kasi iba, e, madami kayo dun, every day napapanood.

“Iba yung once a week makikita ka nilang mag-drama, and madalas buong family yung nanonood ng Magpakailanman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya happy ako for Aljur na maipapakita niya yung drama na matagal na niyang itinatago.”

Sa parte naman ni Sheena, wala raw siya matinding crying scenes sa naturang episode.

“Very light lang po ako dito, moment talaga ito ni Aljur.”

Maituturing na “suki” na si Sheena ng Magpakailanman.

“Madami-dami na rin, kasi hindi ako nagkakaroon ng sariling episode sa Magpakailanman, madalas asawa ako ng lead.”

Kung maisipan ng GMA na isalin sa Magpakailanman ang buhay ni Sheena?

“Walang masyadong drama ang life ko, e, kaya baka hindi bumenta!” tawa niya.


BEST FRIEND. Bukod sa Magpakailanman, regular na napapanood si Sheena sa primetime series na The Rich Man’s Daughter, bilang si Sally Apolinario na best friend ni Jade Tanchingco na karakter ni Rhian Ramos.

Dahil iyon madalas ang role ni Sheena, ang bansag nga sa kanya ay “Pambansang Best Friend.”

Natatawang reaksiyon niya, “Okay! Kasi ang hirap humanap ng best friend ngayon, sa totoong buhay, ha? Literal!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa mga shows, hindi rin madali na mag-click kayo ng lahat ng mga artistang ibini-best friend sa 'yo, e.

“So, happy ako na lahat ng artista… parang loveteam ‘yan, e.

“Na lahat ng pina-partner sa akin na maging best friend, e, okay yung chemistry ko naman sa kanila.”

Ang matalik naman niyang kaibigan sa tunay na buhay na si Marian Rivera ay buntis na, at masaya si Sheena para dito.

“Bago niya aminin, sinabi ko, ‘Kailan ka magbe-baby? Akala ko pag kinasal ka,’ ginaganun ko siya.

"Gusto niya na kasi talagang magka-baby, di ba?

“Iyan yung tao na talagang mas uunahin niya talaga yung family, inuuna niya lola niya, nanay niya.

“Sobrang mapagmahal siyang apo at anak, mapagmahal na asawa.”

Ngumingiti lang daw si Marian noong tinanong niya bago pa ito umamin na buntis na nga.

“So, happy naman ako kaya lang malungkot kami, ‘di ba , awala siya sa The Rich Man’s Daughter?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mas happy naman kami kasi mas malaking blessing yung dumating sa kanya. Baby nga.”

Sabi pa ni Sheena, kung mayroon man na gusto niyang maging best friend sa isang teleserye, iyon ay ang ka-batch niya sa StarStruck na si Jennylyn Mercado.

Alam daw niyang magki-click sila sa kulitan ni Jennylyn.

“Kasi pag lumalabas kami niyan, tinginan lang kami niyan, natatawa na kami, e.

“So, feeling ko, click kami ni Jen, gusto ko ‘yan. In fairness, ha?"


ADVICE. Bilang StarStruck Avenger, tinanong din ng PEP si Sheena kung ano ang maipapayo niya sa mga kasali sa naturang artista-search ngayong taong ito.

Sabi niya, “Maging totoo sila sa sarili nila, huwag silang magpanggap, kumbaga, huwag silang manggaya.

“Gusto nilang maging next na ganito, next Jennylyn, next Mark, huwag ganun.

"Kailangan i-achieve nila yung maging sila yung first kung sino man yung pangalan nila.”

Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang Ultimate Female and Male Survivor sa first batch ng StarStruck, kung saan kasama si Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Ako, hindi naman ako siguro madi-discover… dati kasi ang feeling ko, pag artista ka, kailangan merong ka-loveteam.

“Kailangan dramatic ka, kailangan yung pa-sweet ka, yung ganun.

“E, nakilala ako sa comedy, di ba? So, iyon yung totoong ako, yung talagang bubbly.

“Iyon. Siguro ipakita nila kung sino talaga sila… kung mas mataray sila or kontrabida.

“Para pag kailangan ng kontrabida ng GMA, kumbaga iyon ang ipakita nila.

“Kasi dun sila mas magtatagal, e, kung sino talaga sila.”


LOYAL. Twelve years na si Sheena sa GMA.

Sabi niya, “Talagang masaya lang talaga rin ako.

"Baka masaya rin sila sa akin... ginagawa ko yung trabaho ko.

"And hindi naman nila ako binibigyan ng trabaho na alam nilang hindi rin makakaganda para sa talent nila.


“Parang vice versa, alam mo yun? Naibibigay nila sa akin yung tingin nila na para sa akin.

“At ginagawa ko naman para sa kanila yung tingin ko na dapat kong ibalik dahil inaalagaan nila ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close