Prince Stefan reacts to fellow StarStruck alumni Aljur Abrenica and Steven Silva’s issue with GMA

Prince Stefan says he has mended his wayward lifestyle: “Barka-barkada, inum-inom... Minsan napapariwara. Natuto na ako. I’m a grown man na, twenty-four na ako.”


Nasa ilalim na ngayon ng pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) ang StarStruck alumnusat dating GMA talent na si Prince Stefan.

May chance ba na muli siyang gumawa ng proyekto sa GMA?

Sagot ni Prince, “Okay lang, I love GMA!

"Dun ako galing, I have nothing against them, you know.

“But okay lang din ako kahit saan, hindi naman ako naka-sign to any network, e. I’m freelance.”

Sa Starstruck: The Next Level (fourth season), itinanghal si Prince na First Prince at si Aljur Abrenica ay nagwagi bilang Ultimate Hunk.

May masasabi ba siya tungkol sa naging isyu ni Aljur sa GMA nang nagtangka itong magpa-release ng kontrata sa Kapuso network?

Saad ni Prince, “I know, pareho kami!

"Lahat kami actually dumaan naman sa point na nadapa, napariwara, nagkamali.

“Kasi bata kami, e, like hatak dito, hatak dun.

“May mga… ang daming tao na akala namin mapagkakatiwalaan namin.

“But, you know what, because of that experience, natuto ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eto ngayon bumabangon ulit, all I can do is learn from it and move forward.”

Nasa GMA na muli si Aljur.

Pero recently ay si Steven Silva—na galing din sa Starstruck at Ultimate Male Survivor ng Season 5—naman ang nagkaroon ng hinaing tungkol sa kanyang career.

Wala na ngayon sa GMA Artist Center at sa Kapuso network si Steven.

Sabi ni Prince tungkol dito, “Oo, iyon nga, e. Minsan nalu-lose ng path, nalu-lose ng daan.

“Pero in a way, babalik at babalik din.”


GROWN MAN. Ano naman ang maipapayo ni Prince sa mga bagong kasali sa StarStruck, na muling ilulunsad ng GMA ngayong taong ito?

“Focus. Pag trabaho, pag career, career talaga.

“I’m not saying na sikat ako, hindi ako sikat.

“But pag nag-aarti-artista ka or nakikilala ka na nang konti, ang daming, ‘Uy, punta tayo sa ganito, punta tayo dun. Gimik tayo dito, gimik tayo dun.’

“Barka-barkada, inum-inom, whatever. Minsan napapariwara.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Prince na pinagdaanan niya iyon.

“Oo naman! Hindi ko naman... hindi naman ako magsisinungaling, at pinagsisihan ko yun.

“Ina-accept ko yung pagkakamaling yun, at ngayon natuto na ako.

"I’m a grown man na, twenty-four na ako, dati eighteen, sixteen, seventeen, di ba?”


FIRST INDIE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa World Premieres Film Festival Philippines opening night nitong Miyerkules ng gabi, June 24, sa One Esplanade, Mall of Asia complex.

Kabilang sa walong Filipino New Cinema entries sa festival ang gay-themed na I Love You, Thank You, na unang indie film ni Prince kung saan kasama niya sina Joross Gamboa at CJ Reyes.

Bukod sa kissing scene nila ni Joross, ano pa ang pinaka-daring na ginawa ni Prince sa pelikula?

“Topless, siyempre. May kissing, may sex scene, pero puro daya.”

May butt exposure?

“Meron, pero shade-shade siya, e. Maganda yung pagkakakuha.

“Kaya ako umoo dito kasi ang mga production dito, award-winning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is kinda like my comeback,” sabi ni Prince.

Bakit ngayon lang siya gumawa ng indie movie?

“Yeah, good question... Ewan ko, kasi pag indie noon, alam kaagad na hubad.

“At least ito, may kuwento, at least ito alam kong ay hugot, may lalim.”


INTRIGUE. Two years na raw single ngayon si Prince.

“Hopeless romantic!” tawa niya.

Hindi na kaya siya muling matsitsismis na may karelasyon siyang gay, na umabot pa sa balitang ikinasal siya sa kapwa niya lalaki sa Amerika?

“A, hindi na! Wala na yun… two years ago.”

Wala na? Dati ba ay meron?

“Wala, wala talaga ngayon. Like babae, lalaki, kung anuman iniisip nila, wala.”

Paano kapag natsismis na naman siya?

“A, wala, wala, I’m single and I’m really doing my best to work… I’m single for two years.”

Sa isang mayamang doktor siya na-link dati.

“A, hindi ko alam yun, walang doktor.”

Kaibigan lang ba niya iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka friend ko lang kung sinuman yun, basta ngayon I’m really happy being single.

“I’m loving it. I’m doing whatever I wanna do.”

Ano ang natutunan ni Prince sa mga pinagdaanan niya?

“Pag nagkamali, kayang bumangon, okay?

“Hindi dapat mag-stop lang dun if you really have the dream.

“And if you have the talent just go for it, never give up.”

Dream, believe, survive?

“Yes. StarStruck!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close