Gabbi Garcia admits deeper appreciation for caring ways of Ruru Madrid, "Mas naramdaman ko ngayon.

Gabbi Garcia and Ruru Madrid do not hide their attachment to each other, and now their lives seem intertwined. Each has bought a new car almost at the same time for both their use. She relates, "May kailangang asikasuhin yung daddy niya, sasabay si Ruru sa akin. Pag may kailangang asikasuhin ang daddy ko, ako naman ang sasabay kay Ruru."


Isang bagong kotse ang maituturing na latest investment ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia mula sa mga kinikita niya sa pag-aartista.

Halos sabay nga raw silang bumili ng bagong sasakyan ng ka-loveteam niyang si Ruru Madrid.

“Parehas ng color, parehong SUV!” natatawang sabi ni Ruru bilang pagtukoy sa black Nissan X-Trail na binili niya.

Trailblazer na Chevrolet naman ang sasakyan ni Ruru.

Hindi pa raw nagmamaneho si Gabbi at nakasakay na raw si Ruru sa sasakyan niya na ang nagmamaneho ay ang ama ng young actress.

Kuwento ni Gabbi, “For example po sa taping, may kailangang asikasuhin yung daddy niya, sasabay si Ruru sa akin.

“Pag may kailangang asikasuhin ang daddy ko, ako naman ang sasabay kay Ruru.

“Kumbaga, nagtutulungan din yung mga parents namin.”


GETTING DEEPER. Bago pa man sila maging opisyal na loveteam ay magkaibigan na sina Gabbi at Ruru, at ngayon daw ay mas lalong tumibay ang pagkakaibigan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gabbi, “Ever since naman po simula My Destiny, magka-close na kami.

“Kumbaga, hindi pa kami official loveteam nung My Destiny days, off-cam, talagang friends kami.

“Yung mabilis kaming nag-click as friends, parang nag-aasaran na rin kami, ganyan-ganyan.

“Nag-Seasons of Love kami, dun ko napansin na, ‘Ay, maalagain din pala si Ruru!’

“Hindi lang pala siya puro asar, hanggang nag-Let the Love Begin kami.

“Dito ko talaga naramdaman yung pagiging gentleman niya, yung pagiging caring.

“Yung tipong may kukunin lang ako sa kotse, sasamahan niya pa ako.

“Before, ganun na rin siya, consistent siyang ganun, pero mas naramdaman ko ngayon.

“Kasi halos every day... hindi halos, as in every day na kaming magkasama.

“So, mas naramdaman ko ngayon.”

ON THE SET. Latest addition sa InstaDAD ang karakter ni Ruru, na nagsimula bilang guest hanggang sa humaba na nang humaba ang exposure nito.

Nais sana ni Gabbi na hanggang katapusan ng kuwento ay naroroon na si Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa InstaDAD, ang kasama nilang si Ash Ortega bilang si Mayumi ay nabuntis ni Dwight, na karakter naman sa show ni Juancho Triviño.

Kung sakaling kay Gabbi, bilang si Marikit, ibinigay ang twist ng istorya na mabubuntis ni Zig, played by Ruru, papayag ba siya?

“Why not po?” tugon niya.

Magkasing-edad sina Gabbi at Ash, pareho silang sixteen years old.

“Challenging din po yung role na yun so masarap rin siyang i-try.”

Sa Let The Love Begin ay gumaganap na tatay ni Gabbi as Pia si Gardo Versoza bilang si Tony, at sa InstaDAD naman ay tatay niya si Ken na ginagampanan naman ni Gabby Eigenmann.

Ano ang pagkakaiba working with the two actors?

“Actually si Kuya Gab ‘tsaka si Kuya Gardo, di ba, magkasama sila dati sa Dading, so nakakatawa.

“Bago pa ako mag-taping ng Let The Love Begin, nung nalaman ko na si Kuya Gardo yung tatay, sinabi ko na agad kay Kuya Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos usap-usap na. Si Kuya Gab naman pag nasa set, actually silang dalawa, very approachable sila.

“Mapagbiro silang dalawa, parang ang saya nilang katrabaho.

“Kasi pag oras ng trabaho, trabaho, pero kapag time na ng puwedeng magkulitan, talagang aasarin ka nila, hindi ka nila titigilan.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close