Maris Racal welcomes tandem with Diego Loyzaga; misses loveteam with Manolo Pedrosa

Maris Racal has overcome the pressure of working with big stars mainly because newcomers like her are treated well on the set, like her experience with Piolo Pascual and Sarah Geronimo, “Sobrang humble po nila... Ang saya po nilang kasama, tumatawa palagi.”


Aminado si Maris Racal na nabawasan na rin ang pressure at pakiramdam na nai-intimidate siya kapag malalaking artista ang kasama niya sa isang project.

Tulad nga ngayon sa pelikulang The Break-Up Playlist kunsaan ang kasama niya ay sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

“Nakakatatlong movie na rin po yata ako na kasama ang mga big stars kaya medyo less na po ang pressure,” sabi nga ni Maris sa presscon ng pelikula nila noong June 23 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN.

Lahad pa niya, “Siguro po noon, nai-intimidate pa ‘ko kasi baguhan pa lang.

“Siguro po ngayon, nasanay na rin ako, like si Piolo Pascual po, nakatrabaho ko na rin sa Hawak-Kamay.

“Si Papa P, nakaka-starstruck, siguro yung starstruck ko sa kanya, forever.

“May forever!” natawang sabi niya.

Masaya rin daw siya Maris na kahit mga big stars talaga sa industriya sina Sarah at Piolo, humble pa rin daw ang mga itong kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa po kasi, sobrang humble po nila.

“Kahit na Sarah G at Piolo Pascual ‘yan, sobrang humble."

Kung meron siyang hindi makakalimutan sa dalawa, ano yun?

“Siguro po yung fun sa off-cam. Ang saya po nilang kasama, tumatawa palagi.”

Para nga raw “dream come true" kay Maris ang pelikula dahil kahit daw noon, kapag tinatanong siya kung sino sa mga artista ang hinahangaan at gusto niyang makasama, dalawa palagi ang sinasagot niya.

Sina Kathryn Bernardo at Sarah nga.

Mas lalo ba siyang humanga kay Sarah nang makasama niya?

“Opo, nakikita ko lang kasi sa kanya si Sarah, the performer, there’s more than that po.

“Yung totoong Sarah talaga, simple lang, humble.”

MARNOLO. Artista rin daw ang ginagampanan niyang karakter sa pelikula.

“Para po kaming KathNiel sa movie ni Diego Loyzaga, sikat.

“Siguro po yung story po namin, isa kami sa way kung bakit sila magkakabalikan.

“Yun po siguro ang connect namin sa story na the same kami ng story na heartbroken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nagkakatrabaho, kami rin po ni Diego.”

Ito ang unang tandem nina Maris at Diego. Kaya lang, nasanay na rin ang tao na sila ni Manolo Pedrosa ang palaging magkapareha.

Aminado naman si Maris na mas sanay siyang talaga kay Manolo.

“Siguro po kasi, magkasama na kami sa Bahay ni Kuya.

“Pero may kanya-kanya po silang charm, si Manolo, sobrang charming, sobrang cute.

“Si Diego po, para siyang ano, parang malakas po ang dating niya.”

Tuloy pa rin daw ba ang loveteam nila ni Manolo pagkatapos ng launching movie nila na Stars Versus Me?

“Siguro po, nakakapit pa,” natawang sagot niya, “kasi po may kani-kanya na kaming trabaho.

“Pero meron pa rin naman pong mga fans na nagho-hold on sa MarNolo.”

Gusto pa rin daw ni Maris na magtuloy-tuloy ang loveteam nila ni Manolo maski masaya siya na nagkakaroon ng pagkakataong makapareha ang ibang actor.

MOVING ON. Nang pumasok si Maris noong isang taon sa Pinoy Big Brother, inamin nitong kaka-break lang niya sa naging unang boyfriend niya sa edad niya na 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seventeen na ngayon si Maris at sabi niya, naging masakit din daw ang naranasang breakup. Paano niya yun na-handle?

“Siguro po nakatulong yung mga challenges ni Kuya.

“Kasi I was on the stage of moving-on habang nasa loob po ako noon.

“So parang hindi naman masyadong masakit, kasi parang na-divert ang mind ko.”

Bilang sila ang huling batch ng PBB bago nagbukas muli ang bahay ni Kuya ngayon, ano ang pakiramdam niya na may mga bagong housemates na naman na makikilala ngayon.

Ayon kay Maris, “At first po, noong malaman ko na yun nga po, merong bago, may papalit na sa amin, medyo nalungkot.

“Pero na-realize ko na everyone has their own time, parang time naman nila.

“Ako, magpe-face na ako sa mga challenges ko, may panibagong challenges na naman sa labas.”

Sa September pa ang ika-isang taon sa showbiz ni Maris kaya para sa kanya, nagpapasalamat daw talaga siya sa lahat ng mga naibigay at nagawa na niya sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabilis po siya, ang daming nangyari, ang daming blessing.

“Ang dami kong na-experience na bago, way different from my life before.”

Hindi pa raw ba siya nagbabago base sa sinasabi ng mga nakakakilala sa kanya kahit noon pa?

“Siyempre naman, hindi,” ang nakangiti niyang sagot.

“Parang yun pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong artista. Ini-stay ko pa rin ang pagiging humble.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close