Mich Liggayu to create new YouTube channel to end issue with Jam Sebastian’s family

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2015
Patuloy pa rin daw na nagmu-move on si Mich Liggayu mula nang pumanaw ang kanyang boyfriend na si Jam Sebastian. Aminado naman ang YouTube sensation na hindi na sila nag-uusap ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian.

“Tina-try ko pa ring maging positive hangga’t kaya.”

Ito ang bungad ng YouTube sensation na si Mich Liggayu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin tungkol sa kanyang kundisyon ngayon.

Hindi pa rin kasi nareresolba ang alitan nila ni Maricar Sebastian, ang ina ng namayapang nobyo ni Mich na si Jam Sebastian, na kahati niya noon sa tandem nilang JaMich.

Saad pa ni Mich, “Pero may times pa din po na siyempre, malungkot, ganun.

"Kasi hindi pa rin po ako sanay na mag-isa ngayon, e.

"Pero, trying to be okay naman po."

Sabi pa niya tungkol kay Maricar: “Parang move forward na lang po tayo.

"Parang i-avoid na lang or huwag na lang nating pansinin yung mga negative na comments ng mga tao."

Nakausap ng PEP si Mich sa ginanap na presscon ng YouTube Fanfest ngayong Biyernes ng hapon, June 26, sa grand ballroom ng Marriott Hotel, sa Pasay City.

Continue reading below ↓


THE JAMICH YOUTUBE CHANNEL. Isa sa mga hinaing ni Maricar kay Mich ay ang diumano’y mga kinikita ng kanilang YouTube Channel kung saan tila naitsapuwera na raw ang parte ng namayapang anak.

Pero ayon kay Mich, hindi na ito kumikita.

Sabi ng aspiring singer-actress, “Hindi na po, e, kasi wala na pong bago.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ngayon po kasi, gagawa na po ako ng bagong YouTube channel para wala na pong issue, ‘di ba?”

Bukod dito, tuloy raw ang kanyang out-of-town engagements katulad ng mall shows.

Kamakailan lamang ay nagbida na si Mich sa Wattpad Presents: How to Breakup with the Bad Boy ng TV5, kasama sina Vin Abrenica at Martin Escudero.

Read Next
Read More Stories About
Mich Liggayu, Jamich
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy pa rin daw na nagmu-move on si Mich Liggayu mula nang pumanaw ang kanyang boyfriend na si Jam Sebastian. Aminado naman ang YouTube sensation na hindi na sila nag-uusap ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results