Janno Gibbs hard-pressed to explain he and wife Bing Loyzaga are still together

Janno Gibbs says his marriage has survived the rough patches because he and Bing Loyzaga are a perfect fit. "Maganda yung pairing, we’re good together... maganda yung samahan namin, so doon kami kumapit."


Hindi makapaniwala si Janno Gibbs na hanggang ngayon ay may mga hindi pa rin kumbinsidong maayos na ang pagsasama nila ng asawa niyang si Bing Loyzaga.

Matatandaang nagkaroon ng marital problem sina Janno at Bing na halos humantong sa hiwalayan.

Kahit nagsasama sa iisang bubong ang dalawa, nabalitang magkahiwalay naman sila ng kuwartong tinutulugan.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment) kay Janno sa The PEP List Year 2 awards night noong June 18, inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol dito.

“Nagugulat pa rin yung tao sa picture kami ni Bing na magkasama, sweet.

“Alam mo kung bakit sila nagugulat? Hindi naman kasi kami PDA [public display of affection] ni Bing.

"Hindi kami vocal… nako-kornihan kami sa ganun, so nagugulat sila.

"Sa amin, okey lang yun."

Kahit daw sa Instagram account niya, may mga hindi pa rin raw naniniwalang nagkabalikan sila ni Bing.

“Oo nga e. May mga comment, ‘Ay, nagkabalikan ba kayo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natatawa na lang ako kasi hindi naman talaga kami naghiwalay, siyempre nagkakaproblema.

“Lahat naman ng marriage, nagkakaproblema, pero hindi naman kami naghiwalay.”

Kailan talaga sila nagkaayos ni Bing?

“Matagal na… yung walang problema, more than two years na.

“Baka mga three or four na nga, pero never naman kaming naghiwalay, nagkakaproblema lang.”


PERFECT PAIR. Parang si Janno lang ang puwedeng umayos ng problema nilang mag-asawa, paano niya naayos ang pagsasama nila ni Bing?

Paglilinaw niya, “Hindi naman, both ways ‘yan, ano lang talaga kami, kailangan lang na committed ka sa buong family.

“Committed kami pareho sa family, never sumagi sa isip namin na mag-give up sa family.

“Pangalawa, sa totoo lang, sa reality, hindi kayang ayusin ‘yan for the sake ng… hindi puwede, e.

“Nagkataon lang na maganda yung pairing, we’re good together.

"Maganda yung samahan namin ni Bing, so doon kami kumapit.”

Good thing naman at hindi bumitiw si Bing sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti nang makahulugan si Janno at sinabing, "Salamat na lang at 'di siya bumitiw sa akin… ”


NETIZEN. Kahit si Ogie Alcasid ay nagugulat sa pagiging active ni Janno sa social media.

Nagpu-post na ito ng mga kaganapan sa pamilya niya, lalo na sa mga out-of-town escapades nila ng mga anak nila ni Bing.

Sabi ni Janno, “Admittedly, hindi naman ako outgoing na person, bahay-bahay lang, mahilig ako sa ganun lang.

“Ang bonding namin, movie lang, restaurant… every year naman meron kaming out of town ng family.

“This year, Cebu. Last year, Palawan, Bohol.”

Bakit bigla siyang nag-decide na i-post yung mga family bonding nila?

“Hindi, dati kasi, wala pang mga Instagram or Facebook, ngayon lang nagkaka-chance.”


DEPRESSION. Anong pagbabagong nangyayari sa kanya nitong nakaraang dalawang taon nang maging okey o maayos na ang lahat?

Nag-isip muna si Janno bago nagsalita, “Sa buhay, hindi ko naman ikinahihiya, lumabas ako na dumaan ako sa depression.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lumabas ako sa Jessica Soho.

"Unang-una, yung weight problem ko, lumaki ako dati, e, so I had to get over that.

“Naging balakid sa akin 'yan, kasi nung malaki ako, hindi ko gusto yung napapanood ko sa TV, sa screen.

"Wala akong ganang magtrabaho, parang nahihiya ako sa sarili ko, so I had to work on that."

Malaki na nga ang ipinayat ni Janno na bumagay naman sa kanya.

Sambit niya, “Ngayon puwede na, not bad, yun lang naman.

“Hindi naman kami teen star na kailangan macho… basta presentable lang.”


BLESSINGS. Paano niya naman nababalanse ang buhay niya ngayon?

Ayon kay Janno, “Nung naging serious ako sa trabaho, parang lahat na nag-fall into place.

“Yun nga, nung na-depress ako, kasama lahat, family, trabaho.

“So, nung naayos ko yung sarili ko, lahat nag-fall into place. Sa trabaho, personal life, sarili ko.”

Bumalik na ang mga blessings?

“Oo naman, lalo na ngayon nag-TV na ako, maganda yung nangyayari ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ako sa paglipat ko sa TV5...

"I have nothing against GMA-7 kasi mahal ko ang network na 'yan.

“Pero sa tagal ko sa showbiz, parang kailangan ko ng bagong challenge.

“Kailangang i-challenge ko ang sarili ko, yung hindi ako masyadong kampante.”

Habang inaayos pa ang susunod pang mga projects ni Janno sa TV5, regular siyang lumalabas sa Happy Truck ng Bayan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close