Ruffa Gutierrez finally reconciles with mom Annabelle Rama at Elvis-Alexa wedding

It was a happy ending for Annabelle Rama and daughter Ruffa Gutierrez at the wedding of Elvis Gutierrez and Alexa Uichico. The mother and daughter finally ended their rift, thanks to Elvis.


Naging daan ang kasal nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico kagabi, June 26, upang tuluyan nang magkabati ang mag-inang sina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

Tapos na ang programa sa reception, na ginanap sa The Blue Leaf Events Pavilio, nang maganap ang pagbabati ng mag-ina.

Sa posts sa social media nina Anna Pingol ng YES! at Allan Diones ng Abante Tonite, “Thanks to Elvis” ang pareho nilang sinabi nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nangyari ang pagbabati nina Annabelle at Ruffa.

Ibig sabihin, si Elvis ang naging tulay o nakiusap sa dalawa na tapusin na ang kanilang alitan.

Kaya naging masayang-masaya naman daw si Elvis sa pagkakaayos ng ina at kapatid.


REACHING OUT. Pero ilang oras bago ang pagbabati nila ng ina, nakausap ng PEP at 24 Oras si Ruffa sa Santuario de San Antonio, sa Forbes Park, Makati City, kung saan ginanap ang kasal nina Elvis at Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kumustahin namin kung okey na ba sila ng ina, nakangiting sagot ni Ruffa, “Hindi, wala, hindi kami nag-uusap.

“Pero ano lang, sinabi lang niya… nagpahiram naman siya ng mga alahas.

“It means, she really loves me.

“Kung wala akong alahas, ibig sabihin, galit pa rin siya sa akin.

“Nag-reach out siya. Thank you, at least, ‘di ba?”

Nagri-reach out din ba siya sa mommy niya?

Sagot ni Ruffa, “Oo naman, I always do naman and, I’m sure, lalambot din ang puso niya.

“It’s a happy celebration, di ba?”

Kapag magkasama at nasa iisang lugar sila, nag-uusap ba silang mag-ina?

“Hindi, sinigaw lang niya na, ‘Paano mo nalaman na nandiyan na si Manny Pacquiao sa simbahan?!’

“Sabi ko, ‘A, it’s in Instagram.’

“Yun lang, tapos dedma na naman siya sa akin.

“But, I think, lumalambot na ang puso niya.”

Sa isang banda, hindi kasama ni Ruffa ang boyfriend na si Jourdan Mouyal sa kasal ng kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman kaila sa marami na mahigpit na tinututulan ni Annabelle ang relasyon ni Ruffa kay Jordan, at siyang dahilan ng alitan ng mag-ina.

Sabi na lang ni Ruffa tungkol sa hindi pagdalo ng boyfriend, “Wala, it’s a family affair.”

PUNONG-ABALA. Katulad ng pahayag ng ibang miyembro ng pamilya Gutierrez, kabilang na ang groom na si Elvis, ang mommy rin niya ang itinuro ni Ruffa na naging punong-abala talaga sa naganap na kasalan.

“It was my mom.

“Until four in the morning, apparently, Alexa, doon natulog sa kuwarto ni Mommy.

“At talagang nagtitili siya [Annabelle] dahil inaayos pa niya ang seating arrangement.

“Sabi ko, ‘Ma, may wedding planner, that’s her job.’

“Pero naku, hands-on talaga siya!

“Hanggang kaninang madaling-araw, sabi ni Alexa, ‘Please, ilipat niyo na ako ng kuwarto. Si Tita Annabelle, nagtitili, yung mga bata nagtatakbuhan. Yung anak ko, nag-iiyak. I can’t write my wedding vow!” natawang kuwento ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pala halos nakatulog ang bride bago ang kasal nito?

“Hindi nakatulog ang bride!” pagkumpirma niya.

“Alam niyo ang ginawa niya, she slept in Elvis’s room.

“Di ba, bawal yun? Ginapang niya si Elvis ng two in the morning!

“Tapos sabi niya, ‘Ay, bakit it’s so weird, it’s so calm, nandoon si Elvis, nagba-bubble bath, nagwa-wine’

“Pero siya, sa room niya, stressed na stressed siya.”

NEXT GUTIERREZ WEDDING. Bilang isa sa maid of honor sa kasal, nakikita naman sa Instagram posts ni Ruffa ang excitement niya.

Saad niya, “Well, you know, I’m the Maid of Honor and, aside from that, after my wedding noong 2003, ito na talaga ang next big wedding in the family.

“So, hindi natin alam kung may susunod next year or two years from now.”

Posible kayang siya na ang sumunod muli kay Elvis?

“Ay, puwede bang iba naman ang mauna?

“Baka naman si Kuya Monching [Gutierrez] or si Janine [Gutierrez]! We’ll never know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako, hindi pa!” natawa niyang sabi.

Ano ang wish niya ngayong ikinasal na sina Elvis at Alexa?

“Ang wish ko, happiness, love, success, and hopefully they will always respect and love one another.”

Masaya raw si Ruffa na nauwi sa kasalan ang pagsasama nina Elvis at Alexa, na mayroon nang isang anak na babae—si Aria.

“They’ve been together for so long na, as in college pa lang yata si Alexa, si Elvis nag-aartista pa.

“Medyo nag-cool-off sila for a period at nakita ko naman na ang lungkot-lungkot nilang dalawa.

“I think, after nine years of being together, long-distance, together, ang dami na nilang pinagdaanan.

“This is the year, let’s give it to them.”

Dahil hindi naman itinatago ni Ruffa ang relasyon niya kay Jordan, sa kabila ng pagkadisgusto ng mommy niya, naiisip na rin ba niyang magpakasal ulit?

“Ay, hindi, hindi! Hindi pa ako nata-touch sa mga panahong ito. Let’s see later,” sagot ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close