Barbie Forteza on real score with loveteam partner Andre Paras: “Magkaibigan lang po kami.”

Barbie Forteza on loveteam partner Andre Paras: “In fairness naman sa amin ni Andre, since lagi na rin namang kami ang magkakasama araw-araw, kami na rin yung nagkakakuwentuhan kahit yung tungkol sa mga personal na buhay, ganyan. Or mga problema, mga teenage problems. Gano’n.”


Kahit si Gladys Reyes ang nanalo bilang Best Supporting Actress para sa Magkakabaung sa katatapos na Gawad Urian, masaya at thankful na rin daw si Barbie Forteza para sa nomination na nakuha niya.

Ito ay para sa kanyang mahusay na pagganap din sa indie film na Mariquina kung saan itinanghal naman siyang Best Supporting Actress sa Cinemalaya New Breed Category noong 2014.

How does it feel na nabibigyang recognition na ngayon ang kanyang kakayahan sa pag-arte?

“Alam ko naman po na bata pa ako. At marami pa akong kakaining bigas sa industriyang ito,” sabi ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Pero willing po akong magtrabaho at willing po akong mag-work hard para talagang matuto as an actress.”

Ano ang naging effect sa kanya nang manalo siya ng award sa Cinemalaya?

“Siguro ano… mas na-inspire ako na gawin yung best ko. Sa lahat ng projects, sa lahat ng eksena. Kasi na-realize ko na marami palang nakaka-recognize at nakakapansin sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kailangang mas i-push ko pa yung sarili ko na hindi lang paulit-ulit yung ginagawa ko.

“Kailangan may variations din, gano’n,” saad niya.

NO SUITORS YET? Malapit nang mag-eighteen si Barbie. Kumusta na yung mga guys na nagpaparamdam na gusto siyang ligawan?

“Wala naman pong nagpaparamdam!” natatawa niyang paglinaw.

“Magdidisiotso na ako, wala pa ring nagpaparamdan.”

Baka nai-intimdate?

“Nakit naman sila mai-intimidate?” tawa niya ulit.

Baka dahil lagi niyang kasama ang mommy niya at iniisip ng mga gustong manligaw sa kanya na binabantayan siya nito?

Paliwanag niya, “Hindi. Sobrang open naman ang parents ko sa mga bagay na ‘yan, sa pagkakaroon ng inspirasyon… ganyan.”

GOOD FRIENDS WITH ANDRE. O baka naman may mga nag-aakala na sila na ni Andre Paras, ang leading man niya sa afternoon series ng GMA-7 na The Half Sisters?

“Hindi. Magkaibigan lang po kami!” tawa na naman ng young actress.

“Magkaibigan lang kami ni Andre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And in fairness naman sa amin ni Andre since lagi na rin namang kami ang magkakasama araw-araw, kami na rin yung nagkakakuwentuhan kahit yung tungkol sa mga personal na buhay, ganyan.

“Or mga problema, mga teenage problems. Gano’n.

“Kaya masaya kasi nagkaroon ako ng bagong kaibigan; na komportable ako kahit lalaki.”

Nag-o-open up din ba si Andre sa kanya ng tungkol sa mga hinanakit nito sa kanyang ina si Jackie Forster?

Paglinaw niya, “Hindi namin napag-uusapan. Wala iyon sa circle of topics namin.”

THANKFUL TO DERBIE FANS. Ang inila-loveteam din dati sa kanya na si Derrick Monasterio, may nasabing nanghihinayang daw na nawala at pinatay na ang character nito sa The Half Sisters.

Pagsang-ayon ni Barbie, “E, kasi nag-U.S. siya, e. Oo, e.”

Pero nandiyan pa rin at hindi nawawala ang kanilang DerBie fans?

“Oo nga. Nakakatuwa kasi yung mga DerBie fans nandiyan pa rin para suportahan kami ni Derrick individually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kahit hindi kami lumalabas sa TV bilang loveteam, nandiyan pa rin sila para sumuporta sa amin.

“Kaya nakakatuwa,” lahad niya.

Sa ngayon, bukod sa The Half Sisters, ano pa ang ibang projects na aabangan sa kanya?

“May gagawin po akong indie film with Direk Louie Ignacio. Ito yung Mga Isda Sa Tuyong Dagat.

“Hindi pa po ako nasasabihan kung sino ang mga artistang makakasama ko. At hindi ko pa rin po nakukuha ang script kaya hindi ko pa rin alam ang role ko,

“Yung story nito, paarang tungkol sa mga sea gypsies po. Mga tao na nasa laot,” kuwento niya

For sure, may mga scenes siya rito na lumalangoy?

“Oo nga raw po. Pero handa naman po ako sa mga gano’n,” pagmamalaki niya.

LEARNING EXPERIENCE. Mukhang mapapadalas na ang paggawa niya ng indie films. Dahil ba nanalo nga siya ng Best Supporting Actress award sa Mariquina sa Cinemalaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po gano’n ang iniisip ko. Pero gusto ko rin po kasi na i-expose ang sarili ko hindi lang sa mainstream kundi lalo na sa indie films.

“Kasi bilang aktor, do’n ako mas matuto pagdating sa pag-arte. Kasi kapag indie film, adventurous sila, e… sa mga stories at sa roles, ganyan.

“Kaya gusto kong i-expose ang sarili ko sa indie films,” banggit niya.

DREAM ROLES. Sinasabi rin nga na ang indie films ang medium ng mga artista para mag-experiment pagdating sa mga roles. Handa na ba siya na i-try na rin ang medyo mature nang mga papel?

“Hindi naman po sa gano’ng bagay!” tawa na naman ni Barbie.

“Marami namang mga roles na puwede kong gawin na hindi kailangan ng gano’ng side. Kaya… 'ayun!

“Yung roles na medyo daring, baka po matagal na matagal pa.”

“Yung role halimbawa bilang isang teenage mom?

“Baka po sakali?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Character bilang isang prostitute?

Aniya, “Uhm… baka po ano, medyo matagal pa yung bagay na ‘yon.”

Ano naman yung dream role niya?

Sambit niya, “Ano siguro… serial killer or tomboy, gano’n.”

Role ng tomboy na may kissing scene sa kapwa niya girl?

“A… meron naman pong tomboy na nasa teenage stage pa lang, 'di ba?” balik-tanong niya.

Ano bang nakikita niyang challenging sa role bilang isang tomboy?

“Kasi edgy po yung role na iyon, e. Kaya challenging and sobrang iba para sa akin.

“Kasi pilya po ako bilang babae. Gusto kong i-try ang gano'ng role,” saad niya.

What about isang character na sobrang kontrabida?

Pagsang-ayon ni Barbie, “Puwede rin po. Actually, open naman po ako sa lahat ng roles as long as alam kong kaya ko.

“Kumbaga, ayoko namang i-commit ang sarili ko sa isang project na hindi ko kayang gawin. Kasi nakakahiya din 'yon, 'di ba?

“Yung expectations ng tao hindi mo naman kayang sagutin kung kung hindi mo kaya. So… ayon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta kaya ko kahit ano. Kaya… sige!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close