Gladys Reyes admits why she feels more challenged portraying non-kontrabida roles: “Kasi nga medyo mataray yung features ko.”

Gladys Reyes admits why it’s more of a challenge for her to portray non-villain roles: “Minsan kahit naman hindi lang ako magsalita at nakatanga lang akong ganyan… mukha pa rin akong nagsusungit, e. Parang mas challenge sa akin yung paano pababaitin yung mukha ko. Yun lang ang medyo challenge sa akin.”


Aminado si Gladys Reyes na inasahan niya na siya ang manalong Best Supporting Actress sa Gawad Urian kamakailan. Ito ay para sa pelikulang Magkakabaung kung saan nagwagi ring Best Actor si Allen Dizon.

“Oo naman. Hindi na ako magpapakaplastik,” sabay tawa ngang sabi ni Gladys sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“'Di ba kapag naman na-nominate ka, siyempre unang-una… para mag-hope ka na manalo ka? Dapat unang-una, ma-nominate ka,” tawa ulit niya.

Ang Magkakabaung at ang Barber’s Tales ang unang dalawang indie film na ginawa ni Gladys. First time din niyang gumanap sa dalawang pelikula na mabait ang character niya at nanalo pa nga siya ng acting award.

“Kaya nga sobrang nagpapasalamat ako sa ibinigay sa akin na pagkakataon na bukod sa pananakit at pang-aapi ko sa bida ay meron pa pala akong ibang puwedeng ipakita!

“Kaya sabi ko nga… sobrang ipinagmamalaki ko ang Barber’s Tales at Magkakabaung. Dahil pinagkatiwalaan ako dito ng role na hindi kontrabida,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kanyang pagkapanalo ng acting award, nangangahulugan ba itong mas mamimili na siya sa kanyang mga roles ngayon?

“Hindi naman. Ako, I always love portraying villain roles.

“Pero if given a chance na mag-portray ng iba naman, 'di ba? Siyempre challenge iyon para sa akin.

“Oo naman. Siyempre yung mabigyan ka ng pagkakataon na mag-portray ng role na hindi mo naman dating ginagampanan, ang laking bagay na ‘yon.

“What more kung medyo talagang markado, 'di ba?” pahayag din niya.

CHALLENGED WITH NON-VILLAIN ROLES. Kapag mabait ang role niya, paano at saan niya ito hinuhugot?

“I guess kapag mabait ang role, iyon na ang ako!” sabay tawa ni Gladys.

“Oo. Hindi ko kailangang humugot kasi parang innate na iyon yata. Ang yabang, ‘no?” tawa ulit niya.

“Pero… hindi. Parang mas challenge sa akin yung paano pababaitin yung mukha ko.

“Kasi, 'di ba? 'Eto na, e… natural na ‘yon.

“Minsan kahit naman hindi lang ako magsalita at nakatanga lang akong ganyan… mukha pa rin akong nagsusungit, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga medyo mataray yung features ko. Yun lang ang medyo challenge sa akin.”

IDOLS. Sinong kontrabida ang talagang hinahangaan niya?

Ayon kay Gladys, “Marami, e. Si Tita Celia Rodriguez… si Ate Amy [Austria] kapag nagkukontrabida, swak na swak din.

“Siyempre naman, ha… si Cherie Gil. Hindi siya talaga mawawala pagdating sa usapan ng pagkukontrabida.

“Also, siyempre the late Tita Bella Flores. Kasi boses pa lang niya…

“Alam mo kapag inihihilera mo sila, para sa akin may kanya-kanya silang katangian kaya sila tumatak bilang kontrabida talaga ng pelikulang Pilipino, e.

“Like si Tita Bella, boses. Si Tita Celia naman, yung class.

“Of course same with Cherie. Yung class at bitaw ng mga dialogues, yung talagang mga iconic ang mga ginagampanan.”

E siya, ano ang gusto niyang maging tatak bilang kontrabida?

“Naku, ang hirap naman na ako ang magsabi sa sarili ko!” tawa niya ulit.

“Basta ang gusto ko lang yung ano… yung maramdaman nila kapag nagsabi ako sa kanila halimbawa ng linyang, 'Tumigil ka na, napipikon na ako sa ‘yo!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag gumano’n na ako, yung talagang maramdaman nila na napipikon na talaga ako. Yung gano’n.”

Dahil identified siya bilang kontrabida, nagkaroon ba ng pagkakataon na may nang-aaway na sa kanya kapag nasa public place siya?

“Wala. Takot sila sa akin, e,” tawa na naman ni Gladys.

“Pero siyempre yung mga lola diyan at mga nanay-nanay… iyon ang mas affected, e. Merong mga simpleng kurot na ganyan na… 'Ang sungit mo talaga!'

“Kasi lately ang inaaway ko naman ay si Ai-Ai [de las Alas] sa Let The Love Begin. 'Di ba?

“Pero siyempre nag-i-enjoy ako ngayon. Kasi 'di ba, may halong comedy yung role ko bilang kontrabida do’n.

“So sabihin mo nang halos kontrabida lahat ng nagampanan ko, pero iba-ibang atake as much as possible ang ginagawa ko,” dagdag din niya.

TALK SHOW. Bukod sa Let The Love Begin, ano pa ang mga current projects na ginagawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, I am co-producing Moments [isang celebrity talk show] sa NET 25, 7:00 to 8:00 pm every Saturday.

“Do’n ang aking hosting about parenting at lumilibot na kami sa iba’t ibang bansa para makahanap ng iba’t ibang parenting style ng mga kababayan natin do’n.

“At saka siyempre showcasing din yung mga bonding moments ng mga moms and kids. Pati yung sarili kong bonding moments with my family, sini-share ko rin,” kuwento rin niya.

HAPPY FOR JUDAY'S PREGNANCY. Close friends sila ni Judy Ann Santos dahil matagal silang nagkasama noon sa seryeng Mara Clara sa ABS-CBN. Ano ang unang naging reaksyon niya nang mabalitaang buntis ito?

“Nagkita kami. May nai-post nga ako lately sa Instagram.

“Nagkita kami recently. Nag-lunch kami together sa isang organic restaurant.

“And then, nakakatawa kami kasi yung mga anak namin, lalo ako tatlo na ang anak ko.

“Siyempre kumakain kami, hindi mo matuluy-tuloy ang pagkain mo kasi hinihila ka ng isa sa kaliwa, sa kanan, sa likod… ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So pareho kami ni Juday. Si Juday naman kakausapin ni Lucho, kakausapin ni Yohan 'tapos ako naman yung anak kong isa.

“Pero ang maganda do’n, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapagkuwentuhan dahil yung mga bata nagpunta muna sa Time Zone after eating.

“Tuwang-tuwa ako for my friend Juday. Dahil almost magti-three months na siya na pregnant.”

BABY NUMBER FOUR? Sila ng mister niyang si Christopher Roxas, wala pa bang plano na magka-baby ulit?

“Diyos ko, parang sarado na ang tindahan!” biro ni Gladys.

“Oo. Limited supplies na!

“Naku… ngayon ko lang na-realize, ang mahal magpaaral! Kung gusto mong bigyan ng quality education at quality life ang iyong pamilya, parang kailangan talaga nagpaplano.

“At… kasi I’m not getting any younger na rin. So parang iniisip ko pa lang na magbi-breastfeed na naman ako, yung mag-uumpisa na naman ako sa square one… parang ang hirap.

“'Di ba? Siyempre gusto mo namang ma-enjoy rin yung mga anak mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hanggang tatlong anak na lang talaga sila?

“Naku, ayoko namang magsalita nang tapos! Baka after this the next day e buntis pala ako. Hahaha!

“Pero kung ako, okey na ako sa tatlo. Kasi lahat may special na place.”

SECRET TO LASTING RELATIONSHIP. Hindi lahat ng mag-asawang artista ay nagiging matatag at tumatagal ang pagsasama. Ano ang key ng maayos at masayang marriage life nila ni Christopher?

“Ay, naku, malaking factor po yung faith namin. Na… siyempre yung pananampalataay sa Diyos at saka pareho kaming family-oriented.

“At huwag nang patagalin kung medyo may sama ka ng loob sa partner mo o sa husband mo. Dapat pinag-uusapan, hindi puwedeng dini-deadma.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close