Did Gretchen Barretto and Dawn Zulueta snub each other at Preview Ball?

Gretchen Barretto (left) and Dawn Zulueta at the Preview 20th anniversary ball last Friday night, June 26.


Hindi nakaligtas sa PEP.ph (Philippine Entertainment portal) at ilang reporters ang dedmahan at ilang eksenang naganap sa ball ng Preview magazine, na nagdiwang ng kanilang 20th anniversary, Biyernes ng gabi, June 26, sa Green Sun Hotel.

GRETCHEN & DAWN. Sa red carpet pa lang, kung saan isa sa unang dumating ay si Gretchen Barretto kasama ang partner niyang si Tonyboy Cojuangco, namataan naming napansin ng aktres ang pagdating ni Dawn Zulueta kasama naman ang asawa nitong si Congressman Anton Lagdameo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaagad niyaya ni Gretchen si Tonyboy na pumasok na sila sa loob.

Hanggang sa loob ng party, kapansin-pansin din ang hindi pagpansinan nina Gretchen at Dawn.

JULIA BARRETTO. Nang dumating naman si Julia Barretto, dumaan ito sa kinauupuan ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumaway lang ang young actress at hindi ito lumapit sa kanyang tita.

“Yes. I said ‘hi’ na,” matipid na sagot ni Julia nang tanungin namin kung nagkabati na ba sila ng Tita Gretchen niya.

Ilang sandali lang, dumating din si Dominique Cojuangco at lumapit ito kay Julia at sandali silang nagkakuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses na pinaalala sa amin ni Julia na tungkol lang sa Preview party ang pag-usapan at wala nang ibang isyu.

Pero natanong pa rin ng PEP ang tungkol sa kanyang ama na si Dennis Padilla.

Aniya, “Well, I greeted him on Father’s Day, and I greeted him on Instagram, and personally siyempre.

“Kailangan may personal message, so ‘yan ang importante, na-greet ko siya.”

KYLIE & LOUISE. Nasa isang table naman ang halos lahat ng Kapuso stars, kung saan magkakaharap doon sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Louise delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang sandali ay dumating naman si Kylie Padilla, pero biglang nawala na si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris, iniwan na raw siya ni Aljur.

Si Aljur ay dating boyfriend ni Kylie; samantalang naugnay naman si Louise sa aktor.

Sabi ni Kylie, nagkita na sila ni Aljur sa baba at nagkabati na. Ganun din daw sina Louise at Aljur.

“Maliit lang ang mundo. It’s fine,” sabi ni Louise.

Ang nagkatsikahan doon ay sina Kylie at Louise.

Nilinaw ng dalawa na matagal na silang okay dahil nagkausap sila nang maayos at tapos na ang isyu nilang dalawa over Aljur.

Sabi ni Kylie, “After ng everything, nauna pa rin ang friendship. So, importante yun.

Saad naman ni Louise, “Hindi na rin naman kami bata para mag-linger sa anything.”

Nabalik daw ang nawala nilang friendship at open na ang communication nila sa isa’t isa.

“Umaakyat kami ng bundok na magkasama,” masayang sabi ni Kylie.

Pagkatapos ng breakup ni Kylie kay Matt Henares, si Louise naman ay masayang ibinahagi sa PEP na lumalabas siya with someone special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw na niyang magdetalye tungkol dito.

“Basta I’m happy. Yun lang muna, I’m happy,” nakangiting sabi ni Louise.

ALDEN & JULIE ANNE. Muli namang nabuhay ang isyu nina Alden Richards at Julie Anne San Jose nang magkakasunod silang dumating sa Preview party kagabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nila itinangging hindi pa sila nagkakausap, pero sabi ni Julie Anne, nagkatrabaho naman daw sila at okay lang sa kanyang magkasama sila uli sa isang programa.

Pero hindi pa rin nagpansinan sina Alden at Julie Anne doon sa party.

Hindi lumalapit si Alden sa table na kinauupuan nina Julie Anne kaya sinabihan naming nandun lang si Julie Anne kasama ang ibang Kapuso stars.

“Hindi ko pa po siya nakikita. Baka puntahan ko po mamaya,” sagot ni Alden.

Ilang sandali lang, umalis na rin si Julie Anne.

Halatang nag-iiwasan sila, pero sabi ni Alden, darating ang araw na magiging okay sila at maaayos ang mga pinagdaanang isyu.

Saad ng Kapuso actor, “Ako po kasi, on my part, okay naman po kami.

“Past issue na yun, tapos na siya and it’s been awhile, kaya for me po, we’re okay.

“Reason behind na lang, dun po, I chose to keep na lang to myself, and I’m sure ganun din siya, so parang itabi na lang namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, move on.”

Dagdag pa niya, “Basta ako, naka-move na.

“I’m sure naman po she’s doing very well sa career niya ngayon.

“Meron siyang new record coming out, saka si Julie Anne talaga malayong mararating, magaling na performer.

“Sa akin po, walang problema. Siguro timing lang.”

Hindi naman daw isyu kay Julie Anne kung sakaling magkasalubong at magkabati sila ni Alden.

Open naman daw siya sa ideyang magkatrabaho sila uli.

Sabi ng Kapuso singer-actress, “Okay. I don’t mind kung magkasalubong kami.

“There would be no problem with that, I’m totally fine.

“I’m good. I’m good.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close