Dingdong Dantes and Marian Rivera will have a ’little Marian’

Katulad ng hula ng marami, babae ang magiging unang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kinumpirma ito ni Dingdong sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong araw, June 27.


It's a baby girl!

Sa wakas ay inanunsiyo na ni Dingdong Dantes ang kasarian ng una nilang anak ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (dongdantes) ngayong araw, June 27, ay sinabi ni Dingdong na babae ang ipinagbubuntis ni Marian.

Ang unang post ni Dingdong ay dalawang larawan ng bib, na kulay pink, at may nakasulat na "Daddy's lil' lady" "Pretty like Mommy."

Caption ng aktor dito: "Pretty soon, we will have to make a decision on what she should wear first."

Pretty soon, we will have to make a decision on what she should wear first 😉

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) onJun 27, 2015 at 4:26am PDT


Ilang minuto pagkatapos ng unang IG post ni Dingdong, nag-post naman siya ng collage photo kung saan kasama nila ni Marian ang kanilang mga kaibigan at si Father Tito Caluag.

Sa caption ni Dingdong, nagpahiwatig itong muli na babae nga ang una nilang anak ni Marian.

Sabi ni Dingdong, "thank you father @titocaluag for blessing my girls after tonight's community Mass. Maraming salamat din, Carlo Katigbak and family for hosting this gathering."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala pa halos tatlumpung minuto mula nang mag-post si Dingdong, umabot na ng ilang libo ang likes nito at bumuhos din ang pagbati sa kanilang dalawa ni Marian.

At dahil girl nga ang kanilang magiging anak, may naisip na raw ipangalan sina Dingdong at Marian sa supling nila.

Pero ang naibabahagi pa lang nila ay may "Maria" sa pangalan nito.

Nasa ika-limang buwan na ang dinadala ni Marian at inaasahang sa Nobyembre siya magsisilang.

Tama ang hula ng mga nagsabing sa palagay nila ay babae ang magiging panganay nina Dingdong at Marian.

Kapansin-pansin daw kasi na lalong gumanda at positibo ng aura ni Marian, na isang senyales daw na babae ang ipinagbubuntis nito.

Nagbigay na rin naman ng clue si Marian ng kasarian ng anak nila ni Dingdong nang mag-guest siya sa Tonight with Arnold Clavio.

Sinabi ng Kapuso Primetime Queen na "nasunod ang gusto ni Dingdong."

Pero sa tuwing tatanungin sina Dingdong at Marian, pareho sila ng sagot na kahit mapa-babae o lalaki man, okey sa kanila basta maging normal at healthy ang magiging anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ilan sa DongYan fans ang nakakaalala nang minsang ma-interview si Dingdong sa dating talk show ng GMA-7 na Showbiz Central, noong 2010, nabanggit nitong babae ang gusto niyang maging unang anak.

Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa renewal of contract niya para sa Hana Shampoo, nabanggit nitong gusto ni Dingdong na ito ang mag-aannounce ng gender ng baby nila.

Dapat nga raw ay noong Father's Day, pero dahil ayaw namang magpakuha ni Marian ng picture kay Dingdong at madalas ay stolen shot lang, wala raw mahanap ang aktor na larawan ng aktres na kita ang baby bump niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close