BB Gandanghari explains stand on sex change: “You don’t have to go under surgery to feel transgender.”

BB Gandanghari says she doesn’t feel the urgency of resorting to sex change to validate her transgender status: “Hindi ko pinag-iisipan. It’s not really a concern and I guess all transgender people feel the same. You don’t have to go under surgery to feel transgender.”


Aminadong mas kumportable ngayon si BB Gandanghari sa kanyang sekswalidad kumpara raw nitong mga nagdaang taon.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay BB sa nakaraang The PEP List awards isang linggo na ang nakakaraan, sinabi nitong mas malaya na niyang nai-express ang sarili ngayon.

Saad niya, “Mas maayos ako sa loob ngayon, mas settled, mas kumportable. Alam mo, I think it comes with time, with all transformation and transition..”

“Now I’m very comfortable.

“Maybe I can say this time... well, I’m still progressing I think, but parang I can say I’m more comfortable now with my own skin.”



FAMIY'S ACCEPTANCE. Ipinapalagay ng marami na ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid, lalo na ni Robin Padilla, ang rason sa pagiging matiwasay at malaya na ngayon ni BB para sa sarili.

Tanong ng PEP kay BB, kailan ba naging masasabing okey na ang lahat sa kanila pagdating sa kanyang bagong katauhan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, it’s a process. It’s a slow process.

“Siyempre, inasmuch as I’m a transgender, I’ve done transgender transition but the physical transition is very slow.

“So noon ang mga damit laging makapal. Itinatago ang mga masel-masel.

“Pero ngayon because of time, even the physical transition medyo nakikita mo na parang doon nanggaling yung, 'Ah, mas kumportable na ngayon.'”

Kapag nagkikita sila ni Robin ngayon, wala naman bang violent reaction mula dito kapag nakasuot si BB ng sexy outfit?

“Ay, oo. Nagsu-shorts na nga ako, e.”

May kuwento kasi noon si BB na sa isang family gathering nila, umalis si Robin nang makita siyang naka-Hawaiian sexy dress kunsaan litaw ang pusod niya.

Nakangiting kuwento ni BB sa pagbabago ng tingin sa kanya ng mga kapatid, “Actually, ngayon, kahit naka-shorts ako, deadma na lang.

“Dati kasi may nerbyos na kasama. Kunwari, 'etong outfit na ito [ang suot niyang see-through gown] kung noon ito, may nerbyos na kasama. Kapag makikita nila ako, ‘Oh, no! Okey kaya sa kanila ito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon I’m sure, it’s ok. Wala nang gano'n. Wala nang nerbyos.”



ON CAITLYN JENNER. Bagamat si BB ang unang showbiz actor na nag-come out at naging transgender, ginulat pa rin ni Bruce Jenner (member ng sikat na reality TV show sa US na The Kardashians) ang mga Pinoy sa paglabas niya bilang isang transgender na may bagong pangalan bilang si Caitlyn Jenner.

Ano ang naramdaman ni BB tungkol dito?

“Wala. Ang feeling ko I came out first. Before Caitlyn, there’s BB.

“Pero it’s surreal…Yung nakikita kong comments sa kanya basically yung mga comments sa akin before na, ‘Is it real?, ginagawa ba 'yan because of this?'

“Parang jaded ang mga tao. Pero after six years, nakita ko si Caitlyn. Naku, mahaba pa ang pagdadaanan niya. Mahaba pa 'yan.

“Ako, going seven years na, e. So matagal pa yang pagdadaanan ni Caitlyn.

“Ako kasi, 2009 when I came out. Nagdadamit babae na ako. Remember no'ng pumunta ako sa airport and declared that Rustom [Padilla, '90s matinee idol/heartthrob] was dead, that was it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung PBB kasi was 2006. Coming out as a gay man. And then no'ng 2009, I came out as a transgender woman,” pagbabalik-tanaw niya.

Watch related video: BB Gandanghari relates how a trans woman tried to pick her up in a New York club



SLOW PROCESS OF PHYSICAL CHANGE. Kung tutuusin, halos pareho ang mga statements ni BB at Caitlyn na sigurado sa pakiramdam nila na sila'y mga babae na nakulong sa katawan nang isang lalake.

Paliwanag niya, “It really is. Ganun naman talaga ang mga transgender. But it’s a slow process na pagtanggap kasi mahirap nga iyon.

“I think ang mas parallelism namin ni Caitlyn is the fact, I think, na among the transgender people na nasa limelight, kami ni Caitlyn...well, nauna ako sa kanya... na may former cells.

“Yung merong former persona na nakita yung pinanggalingan.

“I think doon kami puwedeng i-compare.”

Si Caitlyn nagpalagay ng boobs bilang unti-unting transition sa pagiging ganap na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kailan kaya mananatili si BB sa kasalukuyang physical appearance ng isa pa ring lalake?

“Well, hindi naman puwedeng hanggang ganito na lang ito, 'no?” hirit niya.

Dahil sinabi niyang tanggap na naman siya ng kanyang pamilya, bakit pa niya maiisip na sumailalim sa sex change kung sakali, para lang masabi niyang isa na siyang ganap na babae?

Paliwanag ni BB, “Well, it’s not about doing the surgery. Kasi ako I’m more undergoing physical transition in a very slow process.

“Case in point, parang wala man akong undersurgery, my waistline before as a man was 32 [inches].

Now, I’m 25 [inches]. Without surgery.

“As a male I am large male. I’m now size 2 female. So, mannequin size..

“So what else?

“Ako, okey pa naman ako that way.”

Ibig sabihin hindi na siya magpapalagay ng boobs?

“I’m not saying no. But I’m taking my time. Para lang akong dalaga... hindi puwedeng nine years old ka may boobs ka agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinabayaan ko lang siya na maramdaman yung adolescence ng isang babae na hindi naman agad may boobs. Parang ayoko namang ma-shock na may foreign body agad.

“It’s really part of the process,” diin niya.



ENJOYING HER “ADOLESCENCE.” Palaisipan ang pagkakaroon pa rin umano ng male genetalia ni BB kahit itsurang babae na ito ngayon.

May mga nagdududang nagpaopera na nga ang dating aktor at nagpalagay na ito ng female part.

Pero sa tugon ni BB tila kinumpirma niyang nagtataglay pa rin siya ng male part.

Pahayag niya, “Hindi ko pinag-iisipan. It’s not really a concern and I guess all transgender people feel the same. You don’t have to go under the surgery to feel transgender.

“As I’ve said, it’s really more... yun na nga, what more can I ask? Okey na ako at this point, e. As I’ve said I’m very progressive.

“Who knows two or three years after? Who knows one year after?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But as of now, feel ko na thirteen years old ang katawan ko.”

Paano na ang needs mo or sexual needs mo?

“No. Sabi ko nga sa iyo adolescence. Wala, e. Adolescence [ang pakiramdam niya], 'di ba?” sabay tawa niya.

Isang pelikula ang pinaghahandaan ngayon ni BB na uumpisahan daw niyang i-shoot ngayong August.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close