Elvis Gutierrez on his wedding’s successful turnout: “Ang saya, sobra!”

Elvis Gutierrez (left, with sister Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama) feels ecstatic and overwhelmed with the fruition of his wedding to longtime girlfriend Alexa Uichico: “Ang dami naming napagdaanan sa relationship namin, nine years yun, so ito na yung parang talagang—dati na naming plano since before. Kaya sobrang happy ako na natuloy lahat ng plano namin.”


Bago pa man lumakad papuntang altar, nakausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang groom na si Elvis Gutierrez. Hindi itinago ni Elvis na kinakabahan daw siya at sobrang masaya noong Biyernes ng gabi, June 26. sa Santuario de San Antonio, Forbes Park kunsaan ginanap ang kasal nila ni Alexa Uichico.

Nakadagdag pa raw sa nararamdaman niyang kaligayahan ang makita ang maraming kaibigan at pamilya nila na kasama nila sa espesyal na gabing yun.

Ayon nga kay Elvis, “Masyadong overwhelming dahil lahat ng loved ones namin nandito, yung friends namin ni Alexa nandito. Hindi pa nag-i-start, pero sobrang overwhelming na ng feeling, ang saya.”

Sa lahat daw pala, ang pagsusulat daw pala ang “wedding vow” ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng kasal.

Nakangiting sabi ni Elvis, “May mga reflecting palang kailangang gawin. Nagawa ko naman.”

Nagkatotoo naman ang sinabi ni Elvis na panigurado raw, maiiyak siya dahil lumalakad pa lamang si Alexa, kitang-kita na ng lahat ang pagluha niya. Halos lahat nararamdaman kung gaano kamahal ni Elvis ang ngayo’y asawa na at ina ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OVERWHELMED. Siyam na taon din daw ang itinagal ng relasyon nila ni Alexa hanggang sa magkaroon na nga sila ng anak, si Baby Aria noong nakaraang taon. Kaya masasabi raw talaga ni Elvis na ang naging kasal nila ang katuparan ng lahat.

“Ang dami naming napagdaanan sa relationship namin, nine years yun, so ito na yung parang talagang—dati na naming plano since before. Kaya sobrang happy ako na natuloy lahat ng plano namin,” saad niya.

Masaya rin daw siya na ang baby nila na si Aria ay kasama na sa entourage bilang flower girl. Nakasakay ito sa walker habang hinahatak naman ng dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice.

“Iba yung feeling na kasama si Aria sa entourage at saka sa ceremony, so iba yung feeling. Ang saya, sobra,” nakangiti niyang sabi.

BIG NAMES IN SHOWBIZ AND POLITICS. Ilang malalaki at kilalang pangalan sa showbiz, at lalo na sa pulitika, ang mga tumayong ninong at ninang nila ni Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan nga sa mga dumating sa church ceremony ay sina Ms. Susan Roces, Senator Tito Sotto, Congressman Manny Pacquiao, Vice Governor Jinkee Pacquiao, Senator Bongbong Marcos, Manila Mayor Joseph Estrada, Governor Chavit Singson, Justice Consuelo Santiago, at marami pang iba.

Dalawampu't pito ang napili nilang pares ng mga ninong at ninang.

“Wow, as in wow talaga. Nakakatuwa kasi, traffic ngayon, Friday. They took their time to go here and spend this special evening with us. I’m very thankful,” lahad niya.

MOM ANNABELLE AS WEDDING PLANNER. Natawa naman si Elvis nang tanungin namin kung naging abala rin ba siya sa paghahanda sa kasal at may mga ideya rin siya.

Hindi naman kasi lihim na ang mommy niyang si Annabelle Rama ang naging excited at punong-abala talaga sa lahat ng preparasyon sa naging kasal nila. Lalo pa nga’t sinasabi mismo ni Annabelle na sa mga anak niya, si Elvis daw daw ang pinaka-paborito niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga inputs naman ako, pero ang talagang nagplano nitong lahat, Alexa and my mom and my sister. Sila yung talagang busy every day, planning. Minsan nag-aaway na, pero worth it naman,” pahayag niya.

Kumusta namang “wedding planner” ang mommy niya?

“Medyo istrikto,” natawa niyang sabi.

“Ganoon naman kasi kapag mom ka, you only want the best. Yun lang din naman ang gusto ni Mommy.”

DAD'S ADVICE. Ang daddy niya na si Eddie Gutierrez ay nagbahagi ng husay nito sa pagpe-perform sa wedding reception na ginanap sa The Blue Leaf, McKinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig.

Pero bilang ama, may mga naging payo o bilin din ba ito sa kanya bago ang kasal nila ni Alexa?

Ayon kay Elvis, “Well, yung advice naman ni Dad, by example.

“Kumbaga, hindi siya vocal masyado but he leads by example.

“Kumbaga, ipinapakita niya sa amin how to raise us. Kung gaano kaimportante ang family, yung values, yung bond. Yun ang nakikita ko sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOM'S ADVICE. Kumusta naman ang mommy niya, ano naman ang mga payo sa kanya?

“Ah, yun si Mom, medyo vocal yun,” natawa niyang sabi.

“Siyempre, sinasabi niyang always pray. Palagi kayong mag-pray para sa relationship niyo and take care of Alexa. Yung mga away namin huwag masyadong palakihin.

“Mga simple stuff lang about relationships and family.”

WILL RICHARD FOLLOW SUIT? Naitanong din ng PEP kay Elvis kung sila ng kapatid na si Richard Gutierrez ay napag-uusapan din na ngayong ikinasal na nga siya, posible kayang ito naman at ang girlfriend na si Sarah Lahbati ang sumunod.

Sabi niya, “Well, palagi naman silang tinutukso ng mga tao na, 'Kayo na ang next. Kayo na ang next.' So hindi ko na dinadagdagan.”

Napag-uusapan din nila ni Richard?

“Hindi, hindi ko siya masyadong pini-pressure or tinatanong about it.

“Kung magpapakasal man sila, dapat yung sarili nilang desisyon, in their time kumbaga. No pressure on the outside,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HONEYMOON. Sa honeymoon naman daw nila ni Alexa, plano nilang sa Palawan ito gawin para raw “local” pa rin.

Aniya, “Beach people rin kami, so we keep it simple, local.”

Kung si Elvis nga raw ang masusunod, kahit na baby pa rin ang anak nila ni Alexa, gusto na raw niya itong sundan.

Nakangiti niyang sabi, “Ako kasi, gusto ko talaga more babies.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close