Aljur Abrenica admits he’s single but dating: “Wala munang serious na ligawan.”

Aljur Abrenica admits he’s single but dating: “Mga non-showbiz girls ang minsang dine-date ko. Mas gusto ko munang asikasuhin ang lahat ng trabaho ko. Single muna tayo ngayon.”


Clueless daw si Aljur Abrenica sa gagawin nilang teleserye ng kanyang dating ka-loveteam na si Kris Bernal.

Ayon sa aktor, wala pa raw sinasabi sa kanya tungkol sa muling pagtatambal nila ni Kris sa isang teleserye. Pero masaya raw siya kung matutuloy nga iyon.

“Wala akong mai-comment pa kasi hindi ko alam na may project pala kaming gagawin.

“Mabuti pa kayo alam na ninyo, ako hindi ko pa alam. Wala pa naman silang sinasabi sa akin, e.

“Kapag confirmed na sa akin, doon lang ako makakapag-comment. Pero excited na ako kung matuloy nga ang teleserye,” ngiti pa ni Aljur nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last June 27 sa GMA Annex Building kaugnay ng isang specialized acting workshop na pinamumunuan ng award-winning actress/film director na si Ms. Laurice Guillen.

Matatandaang huling nagtambal sinla Aljur at Kris noong 2013 sa teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Lahat naman ng mga napagsamahan ng AlKris loveteam ay naging top-rater ng Kapuso network tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin? (2009); All My Life (2009); The Last Prince (2010) at Coffee Prince (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-miss ko rin katrabaho si Kris. Kami namang dalawa, kahit na matagal kaming hindi nagkasama sa isang show, we are always there for each other.

“Tulad dito sa acting workshop with Direk Laurice, nagkakuwentuhan kami ulit kasi matagal kaming hindi nakapag-usap.

“Ganun pa rin naman ang friendship namin. Yun ang maganda kay Kris kasi hindi siya nagbabago sa akin.

“Kung matuloy nga ang teleserye namin, masaya iyon kasi magkakatrabaho na ulit kami,” diin pa ni Aljur.

STILL THANKFUL TO GMA. Nang tanungin namin ang estado ni Aljur sa GMA-7 dahil next month ay mag-iisang taon na siyang walang regular na trabaho dahil sa pagsampa niya ng kaso sa kanyang mother studio, minabuti na lang niyang 'wag nang magsalita tungkol sa sensitibong sitwasyon.

Pakiusap niya, “Let’s leave it to them na lang po.

“Ayoko pong magsalita pa tungkol sa nangyari.

“Thankful lang po ako na nandito pa rin ako.

“Masaya naman po ako. I’m happy po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REGRETS.” Pinagsisisihan ba ni Aljur ang kanyang ginawa last year na naging dahilan ng kanyang pagiging “frozen delight” sa GMA-7?

Marami nga kasing opportunities sa kanyang career ang nawala dahil sa kanyang ginawang pagrerebelde noon sa GMA-7.

“May konting pagsisisi... pero no regrets po,” mabilis na sagot niya.

FILM PROJECTS. Habang wala ngang pinagkaabalahan na TV show si Aljur, nakatapos naman siya ng isang indie film with Rocco Nacino titled Mabalasik na mula sa direksyon ni Ato Bautista.

May sisimulan naman siyang isang historial film na isa sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival 2015. Ito ay ang proyekto na Hermano Puli mula naman sa direksyon ni Gil Portes.

Kuwento niy Aljur, “Nagulat nga po kami na nakasama sa MMFF ang movie namin. Kaya ngayon ay inaayos na nila yung shooting schedules.

“Sa gagampanan kong role sa movie, kailangan mag-aral akong magsalita ng Kastila at Latin.

“May pagka-religious din po ang Hermano Puli. May conflict kasi sa story tungkol sa pagiging isang Katoliko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaking project po ito kaya excited na rin po ako na simulan siya.”

SINGLE BUT DATING. Wala nga raw girlfriend ngayon si Aljur at pa-date-date lang daw siya ngayon.

“Mga non-showbiz girls ang minsang dine-date ko.

“Wala munang serious na ligawan. Mas gusto ko munang asikasuhin ang lahat ng trabaho ko.

“Single muna tayo ngayon,” diin pa niya.

NO COMMUNICATION WITH KYLIE. Single na rin ulit ang ex-girlfriend niyang si Kylie Padilla dahil nakipag-break ito kelan lang sa boyfriend nitong si Matt Henares. Balak pa niyang balikan si Kylie?

“Hindi po... magkaibigan na lang kami ni Kylie.

“Thankful ako na sa mga nangyari sa amin, nanatili pa rin kaming magkaibigan.

“Matagal na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. I hope na happy siya,” pagtapos pa ni Aljur Abrenica.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close