Boots Anson-Roa says she will support Sen. Grace Poe if she runs for President in 2016: “I believe in what she will be fighting for.”

Boots Anson-Roa says she won’t think twice about supporting Senator Grace Poe-Llamanzares if ever she decides to run for President: “I’ve known Grace noong bata pa siya. And I will not be surprised if she does run for President dahil I can feel how passionate she is sa posisyon niya ngayon as senator. Grace deserves every attention, admiration and compliment that she gets. She is worthy of that. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. If ever s


Nag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary ang veteran actress na si Boots Anson-Roa at ang mister niyang si Atty. Francisco “King” Rodrigo noong nakaraang June 14.

Isang buwan daw silang nagbakasyon sa U.S. at hanggang ngayon daw ay nasa “honeymoon” stage pa sila.

“Everything is good. Salamat sa Diyos dahil hanggang ngayon ay nasa honeymoon stage pa kami ni King.

“Ganito yata talaga when two people are sharing their love especially if they are both in the autumn of their lives.

“Kumbaga ito na ang September ng aming buhay.

“We had a very great celebration. As much as we want to prolong the celebration, kailangan ay makabalik kami dahil may mga trabaho kami.

“Kaya back to reality tayo. I have my shows and King also has his full-time job,” pahayag pa ni Tita Boots nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng LolaBasyang.com ng TV5 sa Vera-Perez Gardens sa Valencia Street, Quezon City last June 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa na nga lang daw si Tita Boots kapag binibiro siya ng kanilang mga kaibigan kung kelan na raw sila magkakaroon ng sarili nilang baby.

“As if naman puwede pa, ‘di ba?” sabay tawa niya.

“Our friends kasi are always teasing us kung kelan na ang baby? Kami naman ni King, natatawa na lang kami. How we wish na puwede pa, ‘di ba?

“Both of us naman are happy with our own kids na and our grandchildren. I have nine grandkids at siya naman ay walo. So all in all ay 17 ang mga apo namin.

“Doon na lang ay ang saya-saya na namin,” ngiti pa niya.

LAGARE QUEEN.” Hindi nga inakala ni Tita Boots na at the age of 70 ay magiging busy pa siya sa kanyang career at naglalagare pa siya sa tatlong TV networks.

Pagpapasalamat ng veteran actress, “These are all blessings from the Lord. I am thankful na sa edad kong ito, I am still busy. Who would have thought, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aside from playing Lola B here sa LolaBasyang.com for TV5, I also have a teleserye with ABS-CBN. Pero hanggang third week lang ang character ko doon. Then I will also start with a new teleserye with GMA-7.

“I am so thankful sa TV5 because lagi naman nila akong kinukuha basta available ako.

“Like sa The Baker King, naging part din ako ng show na iyon for a few weeks. Short lang naman talaga ang role ko doon talaga and then they offered me this show where I play a modern-day lola.”

HIGH-TECH LOLA BASYANG. Updated version nga ng classic na Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino Reyes ang LolaBasyang.com.

“Nakakatuwa kasi high-tech na si Lola Basyang. Imbes na nagbabasa si Lola B from a book, sa iPad niya ito binabasa.

“'Tapos she has three grandkids. One is with her sa bahay at yung dalawa ay nasa ibang bansa. Lola B communicates with them via video chat,” kuwento pa ni Tita Boots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOSTALGIA. Nagte-taping nga si Tita Boots sa pamosong Vera-Perez ancestral house na matatagpuan sa loob ng Sampaguita Compound kunsaan kinunan ang unang pagsasapelikula ng Mga Kuwento ni Lola Basyang starring Rosa Mia in 1958.

Ayon pa kay Tita Boots ay maraming fond memories sa kanya ang naturang location.

Pagbabalik-tanaw niya, “Vera-Perez Gardens is very memorable to me because my father, Oscar Moreno, was a contract star of Sampaguita Pictures.

“Kaya bata pa lang ako, naglalaro na ako sa bahay nila Doc Perez at Doña Nene. Kalaro ko ang mga anak nilang sila Manay Ichu, Pepito and Gina. Kaya itong lugar na pinagte-taping-an namin brings back good memories.”

ON SENATOR GRACE POE. Tinanong nga rin namin si Tita Boots tungkol sa politics at hiningan namin siya ng comment sa pagtakbo ni Sen. Grace Poe-Llamanzares for president in 2016.

Sabi niya, “I’ve known Grace noong bata pa siya. And I will not be surprised if she does run for President dahil I can feel how passionate she is sa posisyon niya ngayon as senator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grace deserves every attention, admiration and compliment that she gets. She is worthy of that. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.

“If ever she does run, I will definitely support her.

“Not because I have this long-running friendship with her parents Susan Roces and the late FPJ [Fernando Poe, Jr.] but I believe in what she will be fighting for at alam kong marami siyang matutulungan pa if she is in a higher position.”

NOT INTERESTED IN POLITICS. May offer pa rin ba siyang tumakbo for a position in government?

Ayon kay Tita Boots, “Parati naman, e. That was the time when both Erap [Joseph Estrada] and FPJ were really involved sa politics noon.

“Pero lagi kong tinatanggihan ang mga offers na ganyan kasi I know so little about politics sa bansa natin.

“Masaya na ako knowing the situation of our fellow actors and other workers in the industry through MOWELFUND [Movie Workers Welfare Fund] where I still hold the position as trustee and president.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya wala akong plans to run in any position in 2016.

“I am happy with what’s happening with my acting career and I want to devote lots of quality time with my husband King.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close