Luis Alandy not rushing love anymore: “Parang dati kasi palagi kong pinipilit, hindi nagwu-work, e.”

Luis Alandy narrates how he used to be a martyr for the sake of love: “Ang dami na, you go the distance. You do things na hindi mo naman normally ginagawa sa isang relasyon. Tinatanggap mo ang mga bagay na alam mong wala nang pag-asa, pero pinu-push mo pa rin. Ayoko nang mag-go into details. Marami na rin akong relationships na pinagdaanan, pero ganun naman talaga, e.”


Sa takbo ngayon ng istorya ng GMA primetime series na The Rich Man's Daughter, lumalabas ang pagka-martir ng karakter na ginagampanan ni Luis Alandy bilang David.

Sa kabila kasi ng pagkakaroon ng relasyon sa kapwa-babae ng fiancée niyang si Jade (played by Rhian Ramos) ay nagawa pa rin niyang tanggapin ito at pumayag siyang gamitin nito.

Bakit parang ang bilis naman yatang nag-move on ng karakter niya?

Saad ni Luis, “Noong nalaman ko, sobrang hurt.

"Pero in-explain sa akin ni Direk [Dominic Zapata] na noong bumalik ka, nalaman ko na may ibinigay na prize si Direk Al Tantay.

“At may eksena kami ni Rhian na, 'Bakit kailangan mo pang mag-hire? Ako, gagawin ko yun for free [pakasalan] para lang to save your family.'"


WILL THE MARTYR TRIUMPH? Sa totoong buhay, may ganun ba talagang lalaki na sobrang martir?

“Meron,” nakangiting sagot ni Luis.

“For a time din, alam ko rin yung ganung feeling, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako, pero naramdaman ko yung ganung feeling na you want to prove your worth, you want to prove that you’re more than that.

“Feeling mo, parang sobrang martyr na yata ang ginagawa ko, pero ganun, e.”

Sa The Rich Man's Daughter, na-realize daw talaga ng karakter niya na gusto niyang mabawi si Jade.

“As David, mahal niya talaga si Jade and siguro, he wants to win her back.

“Yun na siguro yung mag-instigate ng competition between David and Althea [Glaiza de Castro].

"Kasi noong una, wala, e. Nalaman ko na lang bigla.

“Pero makikita rin nila na hindi ko naman talaga pinipilit ang sarili ko.”

Kung siya ang papipiliin, kanino siya papanig na team—Team Althea o Team David—na dapat makatuluyan o pakasalan ni Jade.

Sabi ni Luis, “Sa akin lang, kung hindi pa namin alam ang flow ng story at kung malalaman lang talaga ni Jade kung sino talaga ang mahal niya, and that may side pa rin sa kanya na gusto niya yung guy, pero mahal niya si Althea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung mari-realize ni Jade na mahal niya talaga si Althea, dapat tanggapin na yun ni David.

"Pero siyempre, kung ako ang tatanungin, sa akin dapat mapunta.

"Competition kami, e!" natawa niyang sabi.


NOT WILLING TO BE A MARTYR FOR LOVE. Sa totoong buhay, kaya ba niyang magpaka-martir para sa isang babae?

Sagot ni Luis, “Hindi masyado… realist siguro. Noong bata-bata ako, oo siguro.”

Paano siya naging martyr noon?

“Ang dami na... you go the distance.

“You do things na hindi mo naman normally ginagawa sa isang relasyon.

“Tinatanggap mo ang mga bagay na alam mong wala nang pag-asa, pero pinu-push mo pa rin.

“Ayoko nang mag-go into details...

"Marami na rin akong relationships na pinagdaanan, pero ganun naman talaga, e.”

Hindi naman itinatanggi ni Luis na nagkaroon na siya ng relasyon noon sa isang babae, na nagkaroon din ng relasyon sa kapwa nito babae.

Hindi isyu sa kanya kung ang babaeng mamahalin niya ay nagkarelasyon sa kapwa nito babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Luis, “A, oo, kasi person din naman yun.

“Hindi naman siya... I don’t see it na very taboo or very vulgar kind.

"They fell in love with that person, it’s just that nagkataon na same sex.

“Sa akin, wala namang kaso yun. Very open-minded naman ako.”

Kahit pumatol ang isang babae sa kapwa niya babae, posible pa ring maging “straight” ito?

“Oo, oo... marami akong kilalang ganun. Sobra akong maraming kilalang ganun.”

Kahit lalaki na pumatol noon sa kapwa-lalaki?

“Meron talagang ganun, pero siyempre hindi ko naman alam ang nangyayari at the back of everything.

"Pero may nangyayari talagang ganun.

"They turned down kung ano ang past nila," sabi ni Luis.


SAVING FOR NEW ZEALAND TRIP. Walang lovelife ngayon si Luis at okay lang daw ito dahil talagang naka-focus siya sa kanyang career ngayon.

Nag-iipon din daw siya para makapunta ng New Zealand.

“Yung pamangkin ko kasi, may sakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang inspiration ko is to earn as much para I can travel and see them.

"Kasi yung mga kapatid ko, wala rin dito. Yung iba nasa U.S. at galing lang din ako dun.

“Kami lang ng sister ko ang nandito.”

Isasantabi niya muna ang lovelife?

Sabi ni Luis, “Darating yun.

Parang dati kasi, palagi kong pinipilit, hindi nagwu-work, e. Kahit yung if I go out with someone.

“Malalaman at malalaman ko yun eventually kung right person.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close