Sarah Lahbati on being asked about her own wedding: “Darating din tayo diyan in God’s time.”

During the wedding of Elvis Gutierrez and Alexa Uichico, Sarah Lahbati was asked if she could already imagine her own wedding in the near future. She said, “Well, honestly, right now, I just want to be at the moment. I don’t want to think about the future or how my wedding will look like because this is Alexa and Elvis’s day. I think, we should focus on them.”


Bilang isa sa maids of honor, naging abala rin daw si Sarah Lahbati sa preparasyon para sa kasal ng kapatid ni Richard Gutierrez na si Elvis Gutierrez at ng longtime girlfriend nitong si Alexa Uichico.

Ikinasal sina Elvis at Alexa noong Biyernes, June 26, sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

FIRST LOOK: Elvis Gutierrez and Alexa Uichico wedding

Pahayag ni Sarah, “I’m super happy, excited, and nervous for them.

"Parang yung feeling nila ngayon, nararamdaman ko ang pagkakaba noong makita ko kung gaano kapuno ang church.

“But, you know, I’m so excited for them.

"They’ve been together for such a long time and, I think, now is the perfect time for them to tie the knot.

“And I’m happy to see this and I wish nothing but the best for them.”


ON ALEXA. Nakausap niya ba si Alexa bago ang kasal? Kumusta naman ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sarah, “You know what, Alexa is super relaxed.

"Of course, may mga minor things that she needed to take care of, but she was relaxed.

"I think, she’s excited to walk na and she looks beautiful."

Ano ang wish niya sa dalawa?

“Of course, aside from more babies, alam ko na mas lalo silang tatagal.

"Even if they’ve been together for such a long time, I wish them happiness, good health, and more babies!” natawa niyang sabi.

Ano ang pagkakakilala niya kay Alexa?

Sabi ni Sarah, “Alexa has always been very relaxed, very easygoing.

"Kumbaga, kahit saan mo siya ilagay, nakaka-adjust siya.

“Nice and very easygoing kaya naman nagkakasundo talaga sila ni Elvis who’s also very chill, easy to talk to, friendly.

“Hindi mapagkakaila na bagay na bagay talaga sila.”


CLOSE BROTHERS. Ayon kay Sarah, ang malapit daw sa magkakapatid na Gutierrez ay sina Richard at Elvis, lalo pa nga’t malapit lang ang pagitan ng edad ni Elvis sa kambal na sina Richard at Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nakita niyang pagkakaiba ng dalawa?

“Siguro sa aspect ng pagkahilig sa sports.

"Pero, I think, sa lahat ng magkakapatid, sila yung alike.

“Hindi different sa isa’t isa kasi sila yung pinaka-close.

"Si Chard at saka si Elvis, palaging magkasama.

“When they need to talk about something important, yun nga, sina Chard at Elvis ang palaging magkasama.

"They know each other so much and very well so, I think, the Best Man talaga [si Richard]."


SARAH THE BRIDE? Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah kung hindi ba sumagi sa isip niya na magpakasal na rin habang nakikita niya ang preparasyon sa naging kasalan nina Elvis at Alexa.

Natawa ito saka sinabing, “Well, honestly, right now, I just want to be at the moment.

“I don’t want to think about the future or how my wedding will look like because this is Alexa and Elvis’s day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, we should focus on them.

"Pero darating din tayo diyan in God’s time."

Siyam na taon ang naging relasyon nina Elvis at Alexa bago sila nagpakasal. Noon isang taon lang ay biniyayaan sila ng sariling anak.

Si Sarah naman ay matagal-tagal na rin ang relasyon sa boyfriend niyang si Richard, at may anak na rin sila.

Sa palagay ba ni Sarah ay may advantage din ang matagal na pagsasama bago magpakasal?

“Of course, si Elvis and Alexa siguro yung thinking na we have in common, we’ve been through a lot.

"Nag-long-distance relationship din sila.

“E, di ba, when I was in Switzerland, I had to go through that also.

"It was hard but it made our relationship stronger and you end up loving your partner even more.

“So, I think, lahat ng hirap na pinagdaanan nila, ito na yung moment that they will finally tie the knot because they’re meant for each other,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro namin kay Sarah, hindi naman siguro aabutin ng siyam na taon ang relasyon nila ni Richard bago sila magpakasal?

“Oo naman, positive,” sambit niya.


NEW MANAGEMENT CONTRACT. Sa kabilang banda, kakapirma lang ni Sarah ng management contract sa Viva Artists Agency.

May updates na ba sa kanya ngayon?

Sabi ng dating Kapuso artist, “Will be very busy next week.

"Abangan niyo na lang po kung ano ang mga darating na project.

"I’m just very grateful for the past and the present, I ‘m thankful to God."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close