Lou Veloso gets backlash from KathNiel fans for his role in Pangako Sa ’Yo: "May nagre-react sa ginagawa ko doon."

Lou Veloso on his role in Pangako Sa ’Yo: “Bigla kong naisip iyong Ratatouille, iyong cartoon na ang nagluluto ay daga. Mayroon doong critic na kailangang i-taste niya yung food na nakataas pa ang kilay niya. Iyon ang nasa utak ko noon, iyon ang parang naging peg ko.”


Inamin ng beteranong aktor na si Lou Velos na may ilang fans ni Kathryn Bernardo ang nag-react sa ginagawa niyang pagtataray sa karakter ng Teen Queen bilang si Yna Macaspac sa ABS-CBN primetime series na Pangako Sa ‘Yo.

“Ay, oo! May nagre-react sa ginagawa ko doon.

"Sabi, ‘Huwag naman ho kayong masyadong masungit kay Kathryn!’

“May mga ganoon, e!

“Of course, ang kinatatakutan ko, baka magalit sa akin ang fans nina Kathryn at Daniel.”

Magkatulong sina Lou as Chef Tony at Pamu Pamorada as Kim sa pang-aapi kay Yna.

Si Daniel Padilla naman bilang si Angelo Buenavista ay pinahihirapan si Yna upang mapilitang mag-resign ang dalaga sa resort na pag-aari ng pamilya ng binata na kanyang pinamamahalaan.

Ipinaliwanag ni Lou na light ang treatment nila sa pang-aapi kay Kathryn sa naturang teleserye ng Kapamilya network.

“The director and the production wanted it to be light.

“Siyempre, iba na ang generation ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na sila tulad noon na masyadong dramatic ang pang-aapi na tulad ng panahon kay Bella Flores.

“Iba na ang mga bata ngayon, e.

“Ang mga bata kasi ngayon, kumbaga, even sa bahay natin, pagalitan mo…

“Sa mga gadgets na lang nila ang ano, bawal silang humawak muna niyan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lou sa pocket presscon ng pelikulang Da Dog Show na ginanap sa The Frazzled Cook sa Scout Gandia, Quezon City last June 27.


PEG. Sinabi pa ng dating konsehal ng Maynila na ang naging peg niya sa kanyang papel na chef sa Pangako Sa ‘Yo ay ang food critic sa animation movie na Ratatouille.

“Bigla kong naisip iyong Ratatouille, iyong cartoon na ang nagluluto ay daga.

“Mayroon doong critic na kailangang i-taste niya yung food na nakataas pa ang kilay niya.

“Iyon ang nasa utak ko noon, iyon ang parang naging peg ko,” saad ni Lou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bandang huli ba ay magiging mabait din siya rito kay Yna?

“Sana nga sa bandang huli ay maging mabait ang karakter ko roon.

“Para tumagal ako sa show at huwag nila akong palayasin!” tawa niya.

KATHNIEL. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Lou na mapabilang sa Pangako Sa ‘Yo.

“Oh, yes, natuwa ako na makasali rito…alam mo naman ang dalawang iyan.

“Sila ngayon ang number one loveteam, e.”

Hanga rin daw ang 70-year-old actor sa galing at pagiging professional nina Kathryn at Daniel.

“Ah, yes, magagaling talaga yung mga bata.

“Sabi ko nga one time kay Direk Rory [Quintos], ‘Direk, iba na talaga yung kabataan ngayon, ‘no?’

“Hindi na talaga mahiyain.

“Ibig sabihin, gusto talaga nilang i-explore iyong sarili nila, iba na talaga.”

Pero kapag off-cam ba, sweet din sina Kathryn at Daniel?

Pagkumpirma ni Lou, “Yeah, sweet sila.

"Lagi silang… minsan magkahawak ng kamay, akbayan, mga ganoon."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close