Sandino Martin has no problem doing gay love scene again: "Kaya naman, e! I did it in three films already."

His roles have always been controversial involving gay scenes and frontal nudity, but Sandino Martin considers his latest project his most significant, "I’m doing a film Larawan... it’s a musical film na parang Les Miserables. I think our film will create history because we are creating a film of a national artist, si Rolando Tinio. Parang ako, I’m doing it for the love of a national artist.”


Baguhang aktor pa lang si Sandino Martin, ngunit agad na napansin ang kanyang kakayahan sa pag-arte sa pelikulang Espit de Corps kung saan nanalo siyang Best Actor sa Cinema One Originals oong 2014.

Ilang best actor nominations pa ang nakuha niya para rito, at ang pinakahuli ay sa katatapos na Gawad Urian kung saan si Allen Dizon ang nanalo para sa pelikula nitong Magkakabaung.

Hindi man daw nanalo ulit ng acting trophy si Sandino, masaya siyang napasama sa hilera ng iba pang nominado na pawang magagaling din: sina Robert Arevalo (Hari Ng Tondo), Noni Buencamino (Dagitab), JM de Guzman (That Thing Called Tadhana), Robin Padilla (Bonifacio: Ang Unang Pangulo), at Arnold Reyes (Kasal).

Bukod sa Esprit de Corps, nakasama rin si Sandino sa cast ng indie films na Unfriend at Dagitab.

Balita pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ngayon, I’m doing a film Larawan with Loy Arcenas.

“I’m with Joanna Ampil, Rachel Alejandro, Noni Buencamino, and Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a musical film na parang Les Miserables, so abangan n’yo po ito.”

Magagaling na artista ang kasama niya sa cast ng Larawan, hindi ba ito intimidating for him?

Sagot ni Sandino, “Actually, I’m very intimidated with Joanna, that’s why I’m doing voice lessons.

“Si Paulo naman, masarap siyang kaeksena, napaka-giving niya as an actor.

“Parang isa siya sa mga artista na parang ang sarap ibarkada.

“Ang sarap ka-collaborate sa isang project, napaka-open niya sa possibilities… gustung-gusto ko siyang katrabaho.”

MUSICAL FILM. Mas mahirap daw ang gumawa ng isang musical film. Malaking challenge umano na sa eksena ay umaarte ang aktor habang sinasabayan ng pagkanta.

“Oo, ibang elements ‘yon.

“Like, recently nag-recording kami, naririnig ko talaga ang sarili ko.

“Tapos si Mr. C [Ryan Cayabyab] pa yug sa music namin… iba talaga.

“And si Paulo, masu-surprise kayo sa kanya.”

Hindi ba sila nangangamba na hindi pa masyadong tanggap ng Pinoy audience ang musical films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sandino, “Well, I think, kagatin man o hindi ng mga moviegoers yung pelikula naming Larawan, I think our film will create history.

"Because we are creating a film of a National Artist, si Rolando Tinio.

“So, yun pa lang, solved na, e.

"Parang ako, I’m doing it for the love of a National Artist."


SINGAPORE FILM. Bukod sa mahusay na naging pagganap ni Sandino sa Esprit de Corps, pinag-usapan at tumatak din sa marami ang isang eksenang nagkaroon siya ng frontal nudity.

At posibleng mangyari na naman ito sa isang international film na gagawin niya.

“I’m doing a Singaporean film and it’s gonna be daring again.”

Gaano ito ka-daring?

“Well, the concept of it is really daring already, it’s about prostitution in Singapore.

“My director in this film is Edward Gunawan of Indonesia.

"Pinoy callboy ang role ko. So, iyon na siguro ang… doon na ako kakaba-kaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malamang na magkaroon siya ng kissing scene or love scene with another actor?


“E… kaya naman, e! I did it in three films already.”

Kapag ganung kaselang eksena sa isang kapwa-lalaki, alin ang mas kumportable sa pakiramdam niya—kapag totoong bading o totoong lalaki na gumaganap lang na bading ang kaeksena niya?

Sagot ni Sandino, “Ako, sa kahit na sino.

"Kasi I’m doing a role, hindi siya personal, e.

"Parang I trust him as an actor so regarding his sexuality or whatever.

"Basta gawin namin yung trabaho at maging effective kami dun sa role, okey na ‘yon.”

Kung daring scenes ang pag-uusapan, ano ang nai-set niyang limitations?

“Hindi ko pa alam, basta titingnan ko muna…

"Ako kasi, maarte ako, e. Before I did Esprit de Corps, I asked my director and my cinematographer, 'Ano ang framing natin dito? Bakit natin gagawin itong eksena na ‘to?'

"If the scene is really very relevant, then I might do it kahit may nudity na naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit frontal nudity pa ulit?

“Tingnan natin, kung talagang kailangan na kailangan.

“Basta ako, if the project is really good, if the project is really relevant, if it will create an impact, then why not?”

PHOTOGRAPHY. Aside from acting, photography raw ang isa pang pinagkakaabalahan ni Sandino ngayon.

“I’m busy with photography. I love photography!

“And may plano akong magkaroon ng exhibit, baka soon.”

Ano ang favorite subject niya?

“Tao, because I’m an actor, so I like capturing the moments in their expressions.”

Pinaka-interesting na pangarap daw niyang maging subject sa kanyang photography ay ang Superstar na si Nora Aunor.

Saad ni Sandino, “Kasi alam kong marami siyang maibibigay sa akin na elements na magugustuhan ko.

“Na sa mga close-up shots pa lang sa kanya, sa mga mata at bibig niya, magandang elements na ‘yon, e.”

CRUSH ON ALESSANDRA. Single daw si Sandino ngayon.

“Less than a year na akong walang girlfriend,” banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinong aktres ang crush na crush niya?

“Si Alessandra de Rossi.”

Pareho silang single ni Alessandra ngayon, so kung magkakasama sila sa isang project, puwedeng mangyari na ligawan niya ito?

“Hindi ko pa alam... siguro puwede akong dumiskarte!” natawang sabi ni Sandino.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close