Chef Boy Logro dreams of building his own culinary university

Chef Boy Logro plans to retire in his 50-hectare property in Davao del Norte, the site of his enterprises—a water purifying business, a culinary school, and a mini-hotel. He advocates organic farming for healthy feeding of families.


Ngayong araw, June 29, ang mismong ika-59 kaarawan ng celebrity chef na si Chef Pablo 'Boy' Logro.

Dahil sa dami na ng kanyang accomplishments sa buhay, hindi na raw pansarili ang wini-wish ni Chef Boy para sa kanyang birthday.

Ayon sa Idol Sa Kusina host, ang birthday wish niya ay mapalaki pa ang eskuwelahan niya sa Davao.

"Actually, July 8 magsisimula na ako ng aking first batch.

“And my dream is to have a culinary university.

"Yun talaga ang dream ko na hindi mo na kailangang mag-aral ng napakataas.

"Na kung gusto mong maging chef, mag-masteral ka sa eskuwelahan ko.

"So, parang afterwards, nag-master ka ng culinary sa school ko."

Bukod sa kanyang culinary school sa GMA, Cavite, malapit nang matapos ang malaking eskuwelahan niya sa Laak, Compostela Valley (Davao del Norte) kung saan nakatayo ito sa kanyang 50-hectare property doon.

Bukod sa naturang school, mayroon din daw siyang ipinapatayong maliit na hotel, organic vegetable garden, purified drinking water business, at linya ng pampasaherong bus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw kasi niyang sa Davao mag-retire kapag tapos na ang mga ipinagawa niyang establishments.

Mag-aalaga rin daw sila ng mga baboy, manok, at baka—na organic ang ipapakain—para sa kanilang restaurant na bubuksan doon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Chef Boy sa birthday celebration nito na ginanap sa Chef Logro’s Institute of Culinary and Kitchen Services (CLICKS) sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, kaninang tanghali, June 29.


COOK-OFF CHALLENGE. Sa ginawang birthday celebration, nagkaroon ng cook-off challenge sa school niya kasama ang apat na estudyante ng Cavite State University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Chef Boy with Cavite State University students. Photo by Arniel Serato.)

Bakit nga ba ito ang naisip niyang selebrasyon para sa kanyang kaarawan?

Kuwento ni Chef Boy, “Isang maganda, unang-una... of course na binigyan ng Panginoon na kung ano pa yung dapat kong gampanan sa ating bansa o sa buong mundo o sa Pilipinas.

“Ito’y magandang layunin din natin, lalo na sa GMA, na binigyan ako ng break talaga...

"To enlighten all Filipino kung ano ba yung nagawa ko sa buhay.

"Kung ano yung maliit kong nalalaman, gusto ko talaga yung maliliit na Pilipino, umunlad naman.

"Dahil ang pag-aaral ng pagluluto ay hindi naman kailangan na may degree ka, kung hindi yung panlasa, magaan magluto.

“Ito ay ginawa para ma-inspire sila, ‘no, kasi kung gusto mo talaga mag-aral at matuto, pumunta ka sa school ko.

"Nagbibigay naman ako ng scholarship. Every six months, isa o dalawa 'yan."

Ang nanalo ay nabigyan ng anim na buwang scholarship sa bread and pastry baking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa rito, sinorpresa rin si Chef Boy ng mga estudyante ng CLICKS kung saan nagbigay pa ito ng cakes sa kanya at mensahe ng pasasalamat.

(Chef Boy with some of his student in CLICKS. Photo by Arniel Serato.)

Sabi pa niya tungkol sa kanyang mga estudyante, “Sa awa ng Diyos, marami sila dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo ba yung mga estudyante ko, malalayo? Meron pang galing Palawan, Davao, Pangasinan, Bicol.

"At maganda, kasi nga, siguro nai-inspire sila sa ginagawa ko.

“Siguro nga napapanood nila ako sa TV, and layunin ko talaga yun.

"Na may matutunan ang mga kabataan na may gustong gayahin yung aking galawa at ginagawa."

Isa sa mga namataan ng PEP na estudyante ni Chef Boy ay ang dating indie actor na si Raymond Cabral.


ACTING? Very successful TV host na siya ngayon at may mga naipundar ng negosyo. Kung sakali bang may offer sa pag-arte sa pelikula or telebisyon, tatanggapin niya?

Natatawang sagot ni Chef Boy, “Minsan sumasagi sa isip ko, kung kailangan, ‘di ba?

"Bakit hindi, another income.

"Of course, habang buhay pa puwedeng gawin para matugunan yung mga Pilipinong may gusto pa sa akin."

Tungkol naman sa genre, ang sabi nito, “Naku, magpatawa siguro, kasi mahirap akong umiyak kasi masayahin akong tao, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close