Kris Bernal: “I’m not sick, I’m not anorexic, I don’t have eating disorder.”

Kris Bernal: “I’m sick of constantly defending myself about my figure. It’s pretty obvious that the answer is: GENETICS.”


Naglabas ng kanyang saloobin si Kris Bernal tungkol sa pangungutya at hindi magagandang komento ng ibang tao tungkol sa kanyang kapayatan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng maiksing video kung saan makikita siyang kumakain, kalakip ang caption para ipagtanggol ang sarili laban sa kanyang mga kritiko.

Ayon sa Kapuso star, pagod na siya sa pagtatanggol sa sarili laban sa mga bumabatikos sa kanyang payat na pangangatawan.

Narinig na rin daw niya ang lahat ng pambabatikos.

“I’m sick of constantly defending myself about my figure,” bahagi ng pahayag ni Kris sa social media.

Sabi pa ni Kris, “Most people think having a naturally small build is a gift, others think it's sickening, or serious conditions like anorexia.

“Trust me when I say I've heard it all! Most comments are really snide!

“I know I don't need to prove anything to anyone. Besides, this is just one video.

“And like you, I'm sick of constantly defending myself about my figure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In this industry, everyone is just body obsessed.

“Sweethearts, being small doesn't necessarily equate to having an eating disorder or being anorexic!

"It's pretty obvious that the answer is: GENETICS.”

Samantala, sa live guesting nila ng ka-loveteam na si Aljur Abrenica sa StarTalk nitong Sabado, June 27, sinagot din ni Kris ang pagkukuwestiyon sa estado ng kanyang kalusugan dahil sa kanyang slim figure.

“I’m not sick, I’m not anorexic, I don’t have eating disorder,” sabi ni Kris hinggil sa isyu.

Pumapayat daw si Kris ngayon dahil nagwu-workout siya sa gym at mahilig din siya sa physical activities, gaya ng pole dancing at pagsasayaw.

Related article: LOOK: Kris Bernal shed tears of joy on her birthday

Sinabi rin ni Kris na gusto lang niyang patunayan sa mga tao na kaya niyang maging mature, maging sexy, at magpakita ng katawan.

Bahagi raw ito ng kanyang intensiyong makakuha ng mas mature at mas malalim na roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comment section ng kanyang Instagram post, sinang-ayunan ng aktres na si Iza Calzado si Kris dahil dating nagkaroon ng weight issue si Iza dahil sa mabigat na timbang.

Pinayuhan din ni Iza si Kris na meron at merong sasabihin ang ibang tao kaya’t huwag na lang daw niya itong dibdibin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close