Angel Locsin attacked for defending LGBT community, supporting same-sex marriage

Angel Locsin on same-sex marriage: “Wala namang mention ito about marriage, pero personally, I’m not going to deny my LGBT friends the ‘protection’ that ‘straight’ people get kapag kasal. Think of insurances, healthcare, kahit bantay sa ICU, etc & not just sexual acts."


Nanindigan si Angel Locsin na karapatan ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transgenders) community na ipaglaban ang kanilang karapatan, partikular na sa usaping same-sex message.

Ito ay matapos makatanggap si Angel ng pambabatikos dahil sa kanyang ibinahaging Instagram post noong Linggo, June 29.

Dito ay sinang-ayunan ni Angel ang pahayag ng isang Jesuit priest na si Fr. James Martin Jr. na dapat mas maging bukas ang Simbahang Katoliko sa pagpapalaganap ng wastong Katekismo: “that we should treat our LGBT brothers and sisters with ‘respect, sensitivity, and compassion.’”

"Respect, sensitivity, and compassion"❤️ repost from @chitomirandajr

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onJun 27, 2015 at 9:10pm PDT

Bagamat walang direktang binanggit ang Jesuit priest tungkol sa same-sex marriage, may ilang Instagram followers si Angel ang nagpahayag ng kanilang disgusto sa naturang konsepto.

Lalo pa’t nito lang nakaraang linggo ay naging mainit na usapin ang desisyon ng U.S. Supreme Court na gawing legal ang same-sex marriage maging sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ito noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malinaw na hindi nagustuhan ni Angel ang ilang comments ng kanyang Instagram followers, na nagsasabing “act of immorality” at taliwas sa turo ng “biblical laws” ang konsepto ng same-sex marriage.

Ayon kay Angel, hindi niya maatim na basta na lang husgahan ang LGBT community lalo pa’t mayroon siyang “LGBT friends” na maganda ang disposisyon at maayos makitungo sa ibang tao.

Kung siya raw ang tatanungin ay pabor siya sa same-sex marriage, dahil ito ang magiging daan upang mabigyan ng equal rights ang LGBT community tulad ng mga karapatang awtomatikong natatanggap ng “straight” na mga lalaki at babaeng nagpapakasal.

Narito ang kabuuang pahayag ni Angel, bilang sagot sa kanyang Instagram followers na hindi tanggap ang mga ipinaglalabang karapatan ng LGBT community:

“Kung magiging insensitive, rude, and self righteous ho tayo, ‘wag na ho natin idamay ang Diyos.

“That's very ungodly and a huge turn off.

"The statement says we should show respect, sensitivity, & compassion to one another at naniniwala ho akong ‘yan ang gusto ng Diyos. ‘Yan ang tama. :)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At hindi naman ho tayo Diyos para mang-husga.

“Wala namang mention ito about marriage, pero personally, I’m not going to deny my LGBT friends the ‘protection’ that ‘straight’ people get kapag kasal.

“Think of insurances, healthcare, kahit bantay sa ICU, etc & not just sexual acts.

“Tama naman ho na may pinaniniwalaan kayo, pero careful lang sa kung paano sabihin.

“I have LGBT friends na sobrang bait, at ako ho ang nababastos para sa kanila.

“’Wag ho tayo mag-away-away.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit pa ni Angel, walang saysay ang pagbahagi ng biblical verses kung gagamitin lang ito upang basta na lang husgahan ang LGBT community.

“Gosh. Guys, tama naman to share the word of the Lord, but if we are sharing without showing compassion and love towards sa LGBT community, parang minemorize lang natin ang mga verses and not to mention, sounding self righteous :(

“Love first. Then let God handle your worries.

“I’m sure alam naman ng LGBT ang mga sinasabi n’yo. :)

“Pero who are we to judge, ‘di ba? Yun lang po,” sagot ni Angel sa isa pa niyang hiwalay na komento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nito ay nagbahagi rin si Angel ng ilang biblical passages bilang suporta sa kanyang posisyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close