Claudine Barretto says she and estranged husband Raymart Santiago are now friends

Dahil daw sa tulong ng Judicial Dispute Resolution (JDR) ng korte, unti-unti nang nanunumbalik ang pagkakaibigan ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.


“Yes!”

Ito ang diretsong sagot ni Claudine Barretto sa tanong kung magkaibigan na ba sila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.

Sa live interview nina Kris Aquino at Boy Abunda kay Claudine sa Aquino and Abunda Tonight ngayong Lunes, June 29, sinabi ng aktres na ipinadala muna niya kay Raymart ang mga tanong sa kanya ng show bago siya sumalang.

Tumawag pa raw si Claudine sa nakahiwalayang asawa at tinanong kung ano ang isasagot niya kung sakaling matanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Tanong daw ni Claudine kay Raymart: “Teka, question lang, Mart, friends ba tayo?’

Patuloy niyang kuwento, “Tawa siya nang tawa. And sabi niya, ‘Oo, friends na.’

“'Hindi ko kasi alam ang isasagot ko kung civil ba o friends na tayo.'

"Friends na daw... okay, so friends.”

Saad pa ni Claudine, ngayong taon lang unti-unting naging maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa ni Raymart.

Ito ay dahil na rin sa isinagawang Judicial Dispute Resolution (JDR) ng Marikina Regional Trial Court sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are so blessed kasi sa Branch 192 ng Marikina ni Judge Macaraeg… Geraldine Fiel Macaraeg, alam mo, they both acknowledge... both kay Raymart at sa akin, na talagang inupo niya kami at pinaintindi na, 'Hindi tama ‘tong ginagawa ninyo. You have to stop it.'

"Dun sa JDR, inano talaga kami... and yun.

"After that, our relationship is better, okay."

Ayon kay Claudine, ginawa rin nila ito para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

“Yeah, pinag-usapan namin and wala kaming ibang magagawa, we have to start our relationship for our children.”

Nitong lamang June 19, nagkasama ang buong pamilya nina Claudine at Raymart para sa ika-11 kaarawan ng panganay nilang si Sabina.

Read: Claudine Barretto and Raymart Santiago set aside differences for daughter Sabina’s 11th birthday


A COMEBACK. Samantala, magbabalik sa pelikula si Claudine sa pamamagitan ng Etiquette for Mistresses.

Makakasama niya sa pelikulang ito sina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang magsisilbing comeback vehicle ni Claudine mula noong 2011.

Pero paglilinaw ng aktres, hindi naman daw talaga siya nagpahinga kundi mas pinili niyang alagaan ang kanyang dalawang anak pagkatapos nilang maghiwalay ni Raymart.

Sabi pa ng 35-year-old actress, “It was really a choice. It was a very painful choice.

“If Raymart and I did not separate, di sana hindi ako kailangan tumutok sa mga anak ko.

"But kasi, kailangan may isang parent talaga na consistent na nandun to cater to all their needs.”

Pagdating sa relasyon niya ngayon sa ABS-CBN, na siyang home network ni Claudine, sinabi ng aktres na "okay na okay" naman ito.

Dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Claudine sa kanyang personal na buhay, tinanong siya ni Boy kung ano ang tama at hindi tama niyang nagawa at ano ang tama at hindi tamang nagawa sa kanya.

Sagot ng aktres, “Siguro, yung I allowed myself talaga to be taken advantage of.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang siguro yung I gave too much sa mga taong who supposed to matter talaga in my life.

“And then, yung I think yung mga hindi tama, yung betrayal, yung lahat ng pasakit na nagawa ng lahat ng mga nakasakit sa akin, pati pamilya ko.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN