Polo Ravales undergoes surgery to repair a slipped disc

Actor Polo Ravales thanks his family, friends, and fans for all the prayers and support as he undergoes a surgery to repair his herniated disc. He says, “Sa lahat, maraming salamat… sa lahat ng comments and nag-PM [private messaging] sa ‘kin sa FB… sa mga dumalaw sa ‘kin dito sa UST Hospital, kasama ko sa emergency room nung birthday ko, thank you.”


Sumailalim sa isang maselang operasyon ngayong araw, June 30, ang aktor na si Polo Ravales upang ayusin ang kanyang slipped disc.

Base sa kanyang Facebook posts, hindi inilihim ni Polo ang nararamdaman niyang pangamba dahil sa operasyon.

Ibinahagi rin ng aktor sa kanyang Facebook friends ang matinding sakit na nararamdaman dahil dito, at naiibsan lamang daw ito kapag binibigyan siya ng pain killers.

Isinugod si Polo sa UST Hospital noong Sabado ng gabi, June 27, na mismong ika-33 kaarawan niya.

Noong gabi ring iyon ginanap ang premiere ng kanyang indie film na Of Sinners and Saints, na isa sa official entries ng Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival 2015.

Pero hindi nga nakarating si Polo sa premiere night dahil nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang lower back at kinailangang itakbo sa hospital.

Ito ang Facebook post ni Polo noong madaling-araw ng June 28, Linggo:

“To all my friends who I invited to my premiere night, something happend to me..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sorry for the hassle. I’m in severe pain. I hope it’s not slipped disc.

“It’s my birthday and I know God has a purpose.”

Nang maobserbahan na ng mga doktor si Polo, na-diagnose siya with herniated disc o slipped disc at kailangan niyang maoperahan agad.

Sabi ni Polo sa kanyang FB post noong June 28:

“I’m so hurt and sad… doctors told me that they need to put titanium in my lumbar and it cost a lot.

“Lord, please help me.

“I will have an operation on Tuesday, please pray for me...

“Timing birthday ko pa, pero I still thank god for everything.”

Dagdag pa niya, “I’m scared for my operation in my lumbar… first time to have an operation.

“Can’t walk😢 I’m just wondrin’ bakit sa birthday ko pa?

“But Lord, I know 'di Mo ako pababayaan. I know You have a purpose. I know You are talking to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Trying to be strong for tomorrow… I’m scared.

“Pag nakita ko na operating room, baka ‘di pa nilalagay pampatulog ko, himatayin na ako e.”

PRAYERS FOR POLO. Dumagsa naman ang mga panalangin at get-well-soon greetings para kay Polo mula sa kanyang pamilya, kamag-anak, kaibigan, at fans.

Lahat sila ay ipinagdarasal na maging maayos ang kanyang operasyon at bumalik sa normal ang kanyang pakiramdam.

Nagpasalamat naman si Polo sa suportang natatanggap.

“Thank you for the all the prayers and support that you guys gave me.

“Sa lahat, maraming salamat… sa lahat ng comments and nag-PM [private messaging] sa ‘kin sa FB… sa mga dumalaw sa ‘kin dito sa UST Hospital, kasama ko sa emergency room nung birthday ko, thank you.”

Nabanggit din ni Polo sa kanyang FB post noong June 29 kung anong klaseng operasyon ang isasagawa sa kanya.

“My operation is L4 Possible L5 laminotomy for microdiscectomy sa lumbar ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very constant excrutiating pain. I can’t straight my right leg.

“Masuwerte pala tayo na nakakalakad tayo nang normal.

“Three days pa lang ako ganito, pero nahihirapan na ako.

“Yung mga ‘di makalakad, sila ang naiisip ko, yung mga mas malala kesa sa ‘kin.

“Somehow mahal pa rin ako ni Lord. He talked to me and made me realize a lot of things… in a hard way, para mas makinig ako sa Kanya.

“Please pray for me tonight again kahit few minutes lang and to have strength for tomorrow’s operation.

“Getting groggy already because of the pain killer… thank you again.”

Bago ipasok sa Operating Room si Polo ngayong araw ay nakapag-post pa siya ng ganitong mensahe: “Game time! Pray 4 me...”

Kadalasan, ang downtime sa ganitong klaseng operasyon ay umaabot ng one month and a half.

Daraan din ang pasyente sa ilang series of rehabilitation at physical therapy para maging normal muli ang movements nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang usual cause ng herniated slipped disc ay ang pagbuhat ng mga mabibigat na bagay at pagsasagawa ng strenuous physical activities.

Sa kaso ni Polo, malamang ay may kinalaman ang kanyang pagbubuhat ng weights sa gym at ang kanyang pagiging aktibo sa iba’t ibang sports.

Ngayong July sana magsisimula si Polo ng kanyang unang teleserye sa ABS-CBN 2.

Pero dahil sa kanyang kalagayan, hindi na muna siya puwedeng magtrabaho agad pagkatapos ng kanyang surgery.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close