Mike Tan unaffected by StarStruck alumni leaving GMA Network

Mike Tan on Steven Silva’s with GMA: "Kung anuman yung naging desisyon ni Steven, tingin ko, naging masaya rin siya sa sarili niya. Ang masasabi ko lang, network pa rin namin ang GMA. Si GMA pa rin ang nagbibigay sa amin ng trabaho at empleyado pa rin kami. Si GMA ang magde-decide kung gusto niya kaming i-renew o hindi.”


Bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck batch 2, hiningan ng reaksiyon si Mike Tan kaugnay ng naging hinaing ng StarStruck V Ultimale Male Survivor na si Steven Silva sa GMA Network.

Ayon kay Steven, hindi siya nabigyan ng sapat na oportunidad upang ipakita ang kanyang potensiyal at kakayahan sa loob ng limang taong kontrata niya sa Kapuso network.

Ngayon ay wala na sa bakuran ng GMA Artist Center si Steven.

Pahayag ni Mike tungkol dito, “Kung anuman yung mga nangyari kay Steven, tulad lang din ng sinasabi ko sa sarili ko, kung anuman yung naging desisyon ng network sa kanya at kung anuman ang naging desisyon niya, laging dapat isipin niya na may pagkukulang ba siya sa sarili niya.

“At siguro, kung anuman yung naging desisyon ni Steven, tingin ko, naging masaya rin siya sa sarili niya.

“Ang masasabi ko lang, network pa rin namin ang GMA.

“Si GMA pa rin ang nagbibigay sa amin ng trabaho at empleyado pa rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si GMA ang magde-decide kung gusto niya kaming i-renew o hindi.”

Nalulungkot ba siya kapag may StarStruck alumni na lumilipat ng network?

Sagot ni Mike, “Honestly, hindi.

“Kasi desisyon nila yun, career move nila yun.

“Mga artista kami, mga empleyado.

“Kung saan kami makakita ng trabaho, doon kami pupunta.

“Kung sa tingin nila wala na silang growth dito, option na nila yun.

“Ako naman, parang mas kailangan kong isipin ang sarili ko kesa mas malungkot sa kanila.”

Sa kaso niya, bakit siya nananatiling loyal Kapuso?

Tugon ni Mike, “Siguro kuntento lang ako. Steady lang ako.

"Hindi naman ako masyadong naghahangad ng mas mataas. Pero kung ibibigay, e, di sige.

“Ang sa akin, trabaho ay trabaho.

"Kung anuman ang ibigay sa ‘yo, pagbutihin mo, huwag lang lalaki ang ulo mo.”

Kung sakaling pagkatapos ng The Rich Man’s Daughter, hindi pa rin siya mabigyan ng leading-man role, magiging kuntento pa rin kaya siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapuso actor, “Basta ako, masaya ako. Hindi na ako naghahangad ng mas malaki.

“Kung bigyan man ako ng pagiging leading man, okay, gagawin ko ang trabaho ko.

"Pero kung hindi, kung ano ang ibibigay sa akin, gagawin ko pa rin ang hundred percent ko.

“Gusto kong maging actor at hindi ko gustong maging sikat na artista.”

Nagulat naman si Mike nang may magsabi sa kanyang kinaiinggitan daw siya ng ibang Kapuso stars.

“Ako? Bakit?!” natatawang niyang sabi.

Pero seryoso niyang dagdag, “Tingin ko, blessed din ako, kasi most of the time na naibibigay sa aking role, hindi siya typical.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close