Miguel Tanfelix downplays rivalry with friend Ruru Madrid

Miguel Tanfelix on pursuing a college degree despite his acting career: "Di ba, sinasabi nila pag artista, dapat… hindi naman ‘yan habambuhay. So, kailangan mo ng backup. It’s either mag-aral ka ng trabaho mo, kunyari pilot, and mag-business ka. So, ako, gusto kong mag-business, gusto ko rin pong maging pilot."


Matalik na magkaibigan sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid.

Bukod sa pareho silang ginu-groom ngayon ng GMA network bilang leading man, iisa lang din ang manager nila—ang batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Sabi ni Miguel tungkol kay Ruru, “Lagi kaming magkasama sa Sunday All Stars, magka-dressing room kami.

"Yung handler pa namin, parehas pa."

Ano ang masasabi ni Miguel na sila ni Ruru ang pinagtatapat o ginagawang rivals?

Aniya, “Okay naman sa akin kasi, ayun po, parang hindi naman talaga mawawala na pagkumparahin kayo ng mga tao na nakapaligid sa inyo.

“Pero sinisigurado kong kami, sa amin ni Ruru, friends talaga kami.

“Walang inggitan na mangyayari, walang kunyari baka mang-backstab yung isa sa isa.

“So, iyon, friends kami, ‘magkapatid’ kami.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na mas magaling siyang umarte kesa kay Ruru?

“Siguro ano, kung sinasabi nila, baka hindi pa lang nila nakikita si Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi si Ruru, alam ko na magaling din ‘yan, nakikita ko siya sa workshop.

“Ewan ko po… siguro based na rin yun kung paano tingnan ng mga tao yung acting ng isang artista.

“Pero para sa akin, pantay lang.

“May kanya-kanya lang po talagang genre yung mga artista. Parang singer, kanya-kanyang genre.”

Biggest investment ni Ruru ay ang bagong kotse nito; si Miguel ay sasakyan din ang nabili niya from his showbiz earnings.

Bago magsimula ang Once Upon A Kiss ay nakabili si Miguel ng Starex Gold. Bukod dito ay may dalawa pa siyang sasakyang nabili dati pa.

Biniro namin si Miguel na mas mayaman pala siya kaysa kay Ruru.

“Hindi po!” ang tumatawang tanggi ng binata.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa acting workshop para sa GMA Artist Center talents, na pinamahalaan ng director-actress na si Laurice Guillen, noong Sabado, June 27, sa GMA Annex Building.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COLLEGE STUDENT. Dalawa ang regular shows ni Miguel ngayon sa GMA Network—ang weekly comedy series na Ismol Family at ang weekly musical-variety show na Sunday All Stars, na parehong napapanood tuwing Linggo.

Huli naman niyang drama series ang Once Upon A Kiss, pero wala pa raw sinasabi sa kanya ang GMA na follow-up teleserye niya.

“Pero sana meron na po ulit. Sana ngayong third or fourth quarter,” asam ng Kapuso teen actor.

Bagamat abala siya sa kanyang showbiz career, hindi pa rin pinababayaan ni Miguel ang kanyang pag-aaral.

First year college student na siya ngayon sa De La Salle University, kung saan kumukuha siya ng kursong Entrepreneurship.

Nais daw ni Miguel maging isa businessman balang-araw.

“Gusto ko yun, e.

“Kumbaga, parang di ba sinasabi nila pag artista, dapat… hindi naman ‘yan habambuhay.

“So, kailangan mo ng backup.

“It’s either mag-aral ka ng trabaho mo, kunyari pilot, and mag-business ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ako, gusto kong mag-business, gusto ko rin pong maging pilot.”

Food business ang gustong pasukin ni Miguel.

“Siguro star muna ako sa madali, food business muna ‘tsaka natin susundan ng kumplikado pag mas marunong na po ako.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close