Kathryn Bernardo renews contract with Star Cinema; slated to do another movie with Daniel Padilla

Muling pumirma ng kontrata si Kathryn Bernardo sa Star Cinema, at kabilang sa mga gagawing niyang pelikula ay ang muli nilang pagtatambal ni Daniel Padilla sa big screen. In this photo: Mommy Min Bernardo, Star Cinema Managing Director Malou N. Santos, Kathryn Bernardo, and Star Magic Head Johnny Manahan


Nag-renew ng kontrata ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa Star Cinema ngayong Martes, June 30.

Kabilang sa bagong kontratang pinirmahan ni Kathryn sa film arm ng ABS-CBN ang muli nilang pagtatambal ng kanyang perennial leading man na si Daniel Padilla sa big screen.

Ang nasabing pelikula ay nakatakdang gawin pagkatapos ng ongoing primetime teleserye nilang Pangako Sa ‘Yo.

Present sa ginanap na contract signing sina Star Cinema Managing Director Malou N. Santos, Star Magic Head Johnny Manahan, at ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo.

#Repost @starcinema: Kathryn Bernardo renews her multi-picture contract with us!

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) onJun 30, 2015 at 5:46am PDT

Sinabi rin ni Kathryn na bukas siya sa posibilidad na maipareha sila ni Daniel sa iba.

"Open naman kami na ma-loveteam sa iba, pero hindi pa naman po mawawala ang 'Kathniel,’” sabi ni Kathryn, ayon sa report ng mychos.com

Sinabi rin ni Kathryn na kung siya ang masusunod, gusto niyang gumawa ng proyektong kakaiba sa mga nagawa na niya.

"Ibang materyal. Hindi malapit sa mga nagawa ko,” sabi ng Teen Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat naman ang young actress sa lahat ng tagasuporta nila ni Daniel dahil sa tagumpay ng kanilang primetime series.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close