Enchong Dee makes a deal with Kuya to delay his entry to PBB house

Enchong Dee on girlfriend Samantha Lewis: "Super supportive and I’m so happy kasi iniintindi niya ako nang sobra-sobra, na minsan, ako, nagi-guilty na ako. Pero siya, sobra niya akong naiintindihan. Hindi problema ang oras."


Inamin ni Enchong Dee na ayaw niya talagang pumasok sa Pinoy Big Brother 737 house dahil sa dami ng inaasikaso niya ngayon.

May upcoming concert siya, ang Deetour: The Chinito Live In Concert, na gaganapin sa July 3 and 10 sa Music Museum.

Maliban dito, mayroon din siyang ipinapalabas na TV series ngayon, ang Wansapantaym: My Kung-Fu Chinito.

Kuwento ng Kapamilya actor, “Nakiusap ako nang taimtim kay Kuya and may ipinagawa siyang tatlong tasks sa akin.

“Nagawa ko yung tatlong tasks na yun so, sabi niya, ‘Sige, sa takdang panahon.’

“Tatapusin ko muna yung dapat kong tapusin dito, focus muna ako.

“Pero nagpapasalamat ako kay Kuya kasi hinayaan niya muna na mag-focus ako sa concert ko.”

Pag-amin pa ni Enchong, “Personally, hindi ko gusto talaga ang pumasok.

“Pero alam ko, pag gusto mong maging host ng Pinoy Big Brother, kaakibat nito ay kailangan mong ma-experience kung ano ang pinagdadaanan ng housemates.

“Sabi ko, I’m ready to take the challenge, I’m open to challenge.

“Ito yung isang bagay na bukas ako sa idea kung ano yung saloobin ng mga housemates, mas makikilala mo sila, mas makikilala mo ang sarili mo.

“Kaya sabi ko, game.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa rehearsal niya para sa Deetour.

HOMEBOY NI KUYA. Sa ngayon ay napapanood si Enchong bilang “Homeboy ni Kuya” at pinayagan siyang huwag munang pumasok sa Bahay ni Kuya at mag-focus muna sa paparating niyang concert.

Inamin din ni Enchong na marami siyang alalahanin nang bigla siyang pinull-out noon ng i-announce na papasok siya sa PBB house.

“You really have to be mentally prepared and emotionally prepared kapag pumasok ka.

“Nung nandun ako kasi, pinull out nila ako, hindi ko alam.

“Right after ng performance ko sa ASAP, bigla akong pinull out, e.

“Akala ko, after pa ng closing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, kailangang mag-rehearse, may video shoot ako, tapos ang dami kong kailangan gawin right after ng ASAP na ‘di ko nagawa because of the pull out.

“Kinakabahan ako, how can I handle that?

“And then, I realized, when you are inside, you really have no connection to the outside world.

“Kaya nga yung ibang tao, natatawa ako, kasi ang bilis nilang mag-react na parang, ‘Akala ko ba nasa loob ka ng Bahay ni Kuya, bakit ka online?’

“Kailangan nilang panoorin yung episode ng Pinoy Big Brother every day para malaman ninyo, hindi yung nagre-react sila agad.”

Ano naman ang masasabi niya sa teen housemates ng PBB 737?

Ayon kay Enchong, “Nag-a-adjust sila, malaking adjustment para sa kanila.

“Mga bata, sanay sila na kasama nila ang magulang nila, then all of a sudden, ang kasama nila ay yung mga kaedad nila.

“Iba’t ibang paniniwala, iba’t ibang pinanggalingan, pamilya.”

SUPPORTIVE GIRLFRIEND. Samantala, nagpapasalamat nang sobra si Enchong sa pagiging supportive at maunawain ng kasintahan niyang si Samantha Lewis.

“Sobra siyang supportive!” bulalas niya.

“Sinabi ko sa kanya na, ‘I’m doing PBB, I’m doing My Kung-Fu Chinito, I’m doing a concert, I hope you understand.’

“Super supportive and I’m so happy kasi iniintindi niya ako nang sobra-sobra, na minsan, ako, nagi-guilty na ako.

“Pero siya, sobra niya akong naiintindihan. Hindi problema ang oras.

“Like, the day before Father’s Day, magkasama kami and talagang whole day kaming magkasama.

“Sobra, ang laking luwag sa kalooban, kasi parang alam ng tao na mayroon akong special someone, pero nirerespeto nila yung privacy.”

ERICH GONZALES. Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Enchong sa pagkumpirma nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga ng kanilang relasyon.

Matalik na kaibigan at dating ka-loveteam ni Enchong si Erich.

Sabi ni Enchong, “Oo, natutuwa ako, magge-guest siya sa concert ko and concert din niya… may concert din pala siya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nagulat kasi nakikita ko sa Kris TV dati, mayroon na silang chemistry.

“Na-meet ko na rin si Daniel, Pinoy na Pinoy, very Pinoy yung sensitivity niya, pagkamagalang niya.

“At mahal nila ang isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN