Wenn Deramas questions psychologist’s analysis on #Kenley bromance in PBB

"Doc Randy, Hindi pa rin ba senyales ito ng Kabaklaan???” says director Wenn Deramas about the extra closeness of Pinoy Big Brother 737 teen housemates Bailey Thomas May (left) and Kenzo Gutierrez.


“Hindi pa rin ba senyales ito ng Kabaklaan???”

Ito ang pabirong tanong ng direktor na si Wenn Deramas sa naging pahayag ng Pinoy Big Brother resident psychologist na si Dr. Randy Dellosa tungkol sa namumuong “bromance” sa housemates na sina Bailey Thomas May, 12, at Kenzo Gutierrez, 18.

Sa kanyang Facebook post noong Lunes, June 29, ipinahayag ni Direk Wenn na hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Dr. Dellosa.

Aniya, "Doc Randy, Hindi pa rin ba senyales ito ng Kabaklaan??? Hahaha eh ako ngang Pag Uha palang alam na ng Doctor na nagpaanak sa akin na Tukling akong lalaki hindi ko naranasan ang ganitong eksena hangga't hindi ako nag kinse años eh! Hay naku!"

Kasama ng post na ito ang video nina Bailey at Kenzo na aktong maghahalikan.

Doc Randy, Hindi pa rin ba senyales ito ng Kabaklaan??? Hahaha eh ako ngang Pag Uha palang alam na ng Doctor na...

Posted by Wenn Deramas on Sunday, June 28, 2015

Noong Biyernes, June 27, ipinaliwanag ni Dr. Dellosa ang pagiging malapit nina Bailey at Kenzo.

Aniya, "It's more about brotherly love, a deep friendship between two males.

“Yung mga housemates, they get lonely and they want to get the affection from each other para masuportahan nila ang isa't isa.

"So that's one reason why they become touchy and emotional."

Dagdag ni Dr. Dellosa, “This is one way to educate na nagbabago ang gender expectations at gender roles sa culture natin ngayon.

“Kung dati, e, ang lalaki dapat tough, rough at emotionless, ngayon we have to be in touch with both our male and female sides."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN