Shalani Soleded and Cong. Roman Romulo willing to try artificial ways to have a baby

Pasig City Representative Roman Romulo on wife Shalani Soledad’s negative trait: “Sabi nga ni Shalani, dapat intindihin lang na ang babae, iba talaga. Kasi ang lalaki, madaling magbihis, madaling mag-prepare. Pag babae, minsan it will take some time talaga. If ever meron, yun na ‘yon.”


Nagpunta sa Catanduanes noong Mayo si Shalani Soledad at ang kanyang mister na si Pasig City Representative Roman Romulo kaya hindi natuloy ang plano nilang sumali sila sa Obando Fertility Dance, na ginaganap tuwing kapistahan ng bayan ng Obando, Bulacan (May 17 to 19).

Ito ay para matupad ang panalangin nina Shalani at Roman na biyayaan ng Diyos ang kanilang tatlo at kalahating taong pagsasama ng isang anak.

Ikinasal sina Shalani at Roman noong January 22, 2012.

Hindi itinatago ng mag-asawa ang kagustuhan nilang magkaroon na ng anak kaya handa silang subukan ang lahat ng mga paraan.

Sabi ni Shalani sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang fiesta sa Obando is month of May.

“This year, hindi kami nakapunta, so hopefully, by next year, sana makapunta kami.

“Ang alam ko, every fiesta yung pagsasayaw.

“Hindi ko alam kung hindi na fiesta, may nagsasayaw [pa rin].”

Kung sakali ba ay bukas din sila na mag-ampon.

Sagot ng dating konsehala ng Valenzuela City, “Hindi pa namin nadi-discuss yung adoption.

“Of course, tina-try pa namin. We want it yung natural way.

“If this year wala pa, we’re open yung advance steps, like IVF [In Vitro Fertilization].”

Dagdag naman ni Roman, “Ang sabi nila, kapag stressful ang ginagawa, baka ‘yon ang rason. Pero all in God’s time.”


LAST TERM. Huling term na ni Roman bilang congressman ng Pasig City, pero hindi pa niya makumpirma kung kakandidato siya bilang senador sa 2016 elections.

Saad ng kongresista, “Ang importante, kung gusto mo magsilbi, walang problema.

“Ang kailangan mong tingnan, kailangan mo rin pulsuhan yung taumbayan.

“Sa parte ko, 100 percent, gusto ko magpatuloy ang serbisyo ko.

“Pero siyempre, kailangan ko na pulsuhan yung taumbayan.

“Kailangan talaga na magtrabaho. Kailangan makita ng ating bayan kung ano ang ating ginagawa.”

Kung anuman ang magiging desisyon ni Roman, suportado naman daw ito ni Shalani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POISITVE & NEGATIVE TRAITS. Para kay Shalani—na “dakilang maybahay” ang pakilala sa sarili ngayon—normal na asawa si Roman dahil hindi ito seloso at walang mga ini-impose na dos and don’ts

Para naman kay Roman, mas marami ang positive traits ni Shalani kesa negative traits.

Aniya, “Sa totoo lang, positive marami naman talaga.

“Kapag mag-asawa kayo, magkasama kayo araw-araw.

“Ang isa talaga na pagmumulan ng argumento ay yung scheduling.

“Pag bigla na lang may kailangan ka na gawin, minsan mahaba ang oras mo dahil may mga kausap.

“Kapag hindi nakakaintindi ang asawa mo, siguradong magiging source ng away ‘yon.

“Sa parte ko, suwerte ko lang dahil si Shalani, nasa public service noon.

“In fact, humihingi rin ako ng tulong kay Shalani kasi, since nasa pulitika siya, marunong din siya na makipag-usap.

“Minsan, nagkakadalawa o tatlong schedule.

“Minsan, si Shalani nga ang nauuna pa sa akin sa ibang schedule para, at least, may nakikipag-usap na dun sa mga dapat kausapin."

Dagdag ni Roman, “Sa negative, siguro yung mga pangkaraniwan.

“Sabi nga ni Shalani, dapat intindihin lang na ang babae, iba talaga.

"Kasi ang lalaki, madaling magbihis, madaling mag-prepare.

“Pag babae, minsan it will take some time talaga.

“If ever meron, yun na ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN