Carla Abellana not worried about Tom Rodriguez’s team-up with Megan Young in Marimar

Inilarawan ni Carla Abellana ang relasyon niya kay Tom Rodriguez na “very steady” at idinagdag na nagkakaroon pa rin sila ng oras sa isa’t isa dahil sa pagsu-shoot ng kanilang pelikula at nagkakasama pa sa workout.


Hindi raw nangangamba ang Kapuso actress na si Carla Abellana na may bagong kapareha ang nali-link sa kanya ngayong si Tom Rodriguez.

Makakatambal ni Tom sa gagawing remake ng hit Mexican telenovela na Marimar ang Miss World 2013 na si Megan Young.

Hindi ba nangangamba si Carla sa bagong katambal ni Tom?

Tugon ng actress-TV host, “Hindi naman.

"Ako, I’m very happy for Megan, kasi bagay sa kanya yung role.

“It’s about time na mabigyan siya ng chance na makapag-act ulit.

“Magandang role ang napunta sa kanya."

Tinatanong nga raw siya ni Tom kung ano ang tingin niya sa pagtatambal nila ni Megan.

Sagot ni Carla, “Bagay naman sa kanya, sabi kong ganyan.

“So, okay ‘yan. At least, nabigyan siya ng chance.

"Makikita natin, diyan siya matsi-challenge.

“Feeling ko naman, kayang-kaya naman niya 'yon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Carla sa press conference ng hinu-host niyang Del Monte Kitchenomics, nitong Miyerkules, July 1.


BONDING WITH TOM. “Mas steady” kung ilarawan naman ni Carla ang closeness nila ni Tom ngayon.

Nagkatrabaho sina Carla at Tom sa mga teleseryeng My Husband’s Lover (2013) at My Destiny (2014), at sa pelikulang So It’s You (2014).

Kasalukuyan din silang nagsu-shooting ng pelikulang No Boyfriend Since Birth para sa Regal Entertainment.

Ayon kay Carla, “Medyo ratsada kami sa shooting, tinatapos na namin yung movie.

"So, at least, more time to spend together.

“Tapos, parang iisa lang ang gym na pinupuntahan namin, iisa lang ang trainer namin, at least may time kaming mag-work out together.”

Mas lumalim na ang pagkakamabutihan nila?

Sagot niya, “Hindi naman mas lumalalim. Mas steady siya… parang ganun definitely.

“Halos two years, three years na kaming magkakilala, magkatrabaho.

"At least, tight na kami. Talagang kilala na namin ang isa't isa, mas steady.”

Ayaw rin sabihin ng Kapuso actress na nililigawan siya ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Sabi ko, hindi na ako naniniwala sa ligaw.

“Kapag ligaw, best foot forward yung tao. Ayoko ng ganun.

“Gusto ko yung totoo lang and walang kailangan front, walang kailangang mask na isuot.

“Yung totoo lang talaga, walang pretending.”

So, ano ang status ng kanilang “relasyon?”

Sagot ni Carla, “Very steady siya.

"Very grateful ako na, at least, we get to spend time together.

“Patuloy pa rin yung pagtatrabaho namin together; may movie kami, tapos nagba-bonding kami sa gym.

"Napu-push namin ang isa't isa, so okay [kami]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN