Allen Dizon more nervous about local award-giving bodies than international filmfests

Allen Dizon on winning seven awards for Magkakabaung: “Ang sarap nun! Pero kumbaga, ’di ko ini-expect talaga. During that time na ginagawa namin ang Magkakabaung, wala kaming ini-expect na kahit anong award, kahit na filmfest sa abroad. Dumating ito ng right timing, nakalaban ako’t umangat sa Harlem [filmfest], sa Hanoi, sa Ireland. Tapos sa Pilipinas naman, nagkataon na nagustuhan din ng mga award-giving bodies, so n


Napapangiti na lang si Allen Dizon kapag may nagsasabi sa kanyang ka-level na niya ang iba pang award-winning actors tulad nina Christopher de Leon, Coco Martin, at John Lloyd Cruz.

Ito ay matapos niyang umani ng maraming parangal dito sa ating bansa at maging sa abroad para sa indie movie niyang Magkakabaung.

Pito na ang Best Actor awards na napanalunan ni Allen para sa pelikulang ito; ang pinakahuli ay sa 2015 Gawad Urian.

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa taping ng Wish Ko Lang Presents: Doble Kara noong June 26, ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol dito.

Saad niya, “Yung kay Coco, yung pattern ng career niya, halos pareho lang ang pinagdaanan namin.

“Nag-indie film, nag-mainstream, 'tapos heto, nakikilala bilang isang tunay na aktor, siyempre sobrang saya ko.

“Sobrang galing din ni John Lloyd; at si Christopher de Leon, institusyon na ‘yan.

“Siguro nakukumpara dahil sa awards na natatanggap ko, pero iba sila, iba rin siyempre ako.

“Pero nasa iisang mundo lang kami, masaya din na...

“Ang sarap nun! Pero kumbaga, 'di ko ini-expect talaga.

“During that time na ginagawa namin ang Magkakabaung, wala kaming ini-expect na kahit anong award, kahit na filmfest sa abroad.

“Dumating ito ng right timing, nakalaban ako’t umangat sa Harlem [filmfest], sa Hanoi, sa Ireland.

“Tapos sa Pilipinas naman, nagkataon na nagustuhan din ng mga award-giving bodies, so nasa right timing talaga ang lahat.”


INDIE MOVIES. Dahil daw sa indie movies na ginagawa niya kung kaya siya nakilala bilang isang mahusay na aktor.

Ibig bang sabihin nito ay iiwanan na niya ang paggawa ng mainstream movies?

Saad ni Allen, “Indie o mainstream movies, pareho lang ‘yan.

“Nagkataon lang na ang opportunities ko ay nasa indie movies, pero pareho kong mahal ‘yan.

“Kung may offer, lalo na maganda sa mainstream, gagawin ko pa rin, kahit support, basta alam kong maganda, okey lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ngayon, dito sa TV, iba ring mundo ito.

“Masaya na katulad dito sa Wish Ko Lang, kakaibang role naman ang ginagampanan ko.”

Isang pastor ang papel niya na bukod sa kanyang asawa ay nagkaroon ng ibang karelasyon sa katauhan ni Charee Pineda.

BEST ACTOR. Ibig bang sabihin ng pagtanggap niya ng acting awards ay malilimita na rin ang roles na gagampanan niya?

Kailangan bang dapat ay puro aktingan nang todo ang mga tatanggapin niya dahil malaki ang pressure sa kanya ng pagiging best actor?

Natatawang saad ng 37-year-old actor, “Hindi naman, hindi naman!

“Mahirap ang usapan tungkol sa mga project, sa paggawa ng pelikula, kasi alam naman natin na ito ang passion natin.

“Ganun pa rin naman. Kumbaga, wala namang mababago dun, e.

“Nagkataon lang na siguro, masasabi nang isa na akong aktor, 'di ba? Yun lang naman ang gusto kong marating.

“At least, nandiyan na. Kumbaga, kailangan ko lang i-maintain kung ano ang aking mga nagawa.

“Yung mga maganda, siyempre dapat lang na ituloy ko, 'di ba?"

Masasabing espesyal ang mga parangal na natatanggap ni Allen dahil bukod sa abroad ay kinilala rin siya locally.

Hindi lahat ng mga aktor na kinilala sa ibang bansa ay ganito ang naging kapalaran sa ating bansa.

Parang namalik-matang reaksiyon ni Allen, "Oo nga, ano?

“Suwerte ko lang siguro, dahil nabigyan ako ng ganitong talent, pati nabigyan ako ng magandang istorya at magaling na direktor.

“Pero sabi ko nga sa mga kaibigan ko, mas kinakabahan ako kapag dito sa ating bayan, kasi mas gusto ko na rito maa-appreciate ang mga ginagawa ko, e.

“Mas kinakabahan ako dahil alam kong mas maraming talented at magagaling na Pilipino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN