Mr. Pogi 2012 Edric Ulang denies tampo with Eat Bulaga; joins GMA’s To The Top

Wala raw naramdamang panghihinayang si Mr. Pogi 2012 Edric Ulang na hindi masyadong naging matagumpay ang unang sabak niya sa showbiz. Baka hindi pa raw ito ang kanyang panahon, pero naniniwala naman daw siyang may kanya-kanyang panahon ang bawat isa sa industriya.


Muling nagbabalik sa sirkulasyon ang Mr. Pogi 2012 winner ng Eat Bulaga! na si John Edric Ulang.

Si Edric ang isa sa 18 contestants sa bagong reality-based boyband search ng GMA Network na To The Top.

Anong pakiramdam na parang second wind na ito ng kanyang career?

Tugon ni Edric, “Sobrang sarap sa pakiramdam kasi ang laking blessing po nito para sa akin.”

Pamilya pa rin daw ang nasa isip ni Edric sa muling pagsabak sa panibagong hamon sa kanyang buhay bilang contestant ng To The Top.

“Dahil po sa pamilya ko. Kasi gusto ko po talagang makatulong.

"Gusto ko, habang bata ako, nakakatulong ako sa kanila, para tuluy-tuloy din lang yung income," saad ng 25-year-old aspiring singer.

Bukod pa rito, gusto rin daw niyang may mapatunayan pa pagdating sa kanyang mga talento.

“Kaya po ako sumali dito sa To The Top dahil gusto ko pa po ipagpursige ang talent ko, hindi lamang po sa singing kundi sa dancing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edric sa grand presscon ng To The Top, sa Studio 7 ng GMA Network Center, Miyerkules ng gabi, July 1.

Ang To The Top ang kauna-unahang reality-based boyband search ng GMA News and Public Affairs na magsisimula na sa July 18, Sabado, 7:30 ng gabi.


“GO LANG…” Pagkatapos manalo ni Edric bilang Mr. Pogi sa Eat Bulaga! noong 2012 ay hindi nakaalagwa ang kanyang career.

May panghihinayang ba sa kanya?

Sagot niya, “Well, hindi naman po, kasi ganun naman po talaga, e.

"Hindi naman po natin masasabi kung ano yung mangyayari sa buhay natin.

“Go and go lang, push lang, tiwala lang sa sarili. Diretso lang.”

Hindi ba siya napagod maghintay ng break?

“Hindi naman po kasi nagkakaroon din naman po ako ng mga raket, mall shows.

"Parang hinihintay ko lang din yung break ko na, siguro kung talagang para sa 'yo ‘to, para sa ‘yo ‘to,” pahayag ni Edric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga kumakalat naman noong intriga na diumano'y may tampo ang kanilang kampo dahil hindi masyadong naalagaan ng Eat Bulaga! ang kanyang career. Totoo ba ito?

Tanggi ni Edric, “Hindi po, hindi po.

"Actually, ang laki po ng nabigay sa akin ng Eat Bulaga!

"Sobrang ang laki po ng nakuha ko sa Eat Bulaga!

“Kumbaga, thankful po ako dahil dun po ako nagsimula.

"Tapos ngayon, nabigyan pa ako ng break dito sa To The Top."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN