Herbert Bautista to guest on Kris Aquino’s morning talk show

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng comedienne na si K Brosas na magiging guest sa Kris TV si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Dati nang na-link sina Mayor Herbert at Kris Aquino, subalit naunsyami ito bago pa man nabuo ang isang relasyon.


Magkakaroon ng guest appearance ang actor-politician na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa daily morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Kris TV.

Ito ang ibinunyag ni K Brosas, na isa sa guest co-host ni Kris sa nasabing programa, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong Huwebes ng gabi, July 2.

Nag-post ng photo collage ng nasabing taping si K, kasama sina Kris at Herbert.

Ayon sa caption ng post ng komedyana: “Kris TV taping.. Tom na start nito .... Ang masaya at pasabog na mga episodes na sa unang pagkakataon guest po c mayor HB! Wag palagpasin ang KRISTEK!! Hihi.. Dahil ako na official founder ng love team!! Ganneerrnn! Lablablab!!”

Matatandaang na-link noon sina Kris at Herbert subalit naunsiyami ito.

Samantala, nakatakda namang gumawa ng pelikula sina Kris at Herbert na may working title na Mr. and Mrs. Split, na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN