Vhong Navarro reacts to court’s confirmation of Cedric Lee, Deniece Cornejo bail petition

Vhong Navarro on court’s decision to validate Cedric Lee, Deniece Cornejo, and Zimmer Raz’s bail petition: “Para sa akin, siyempre nakakalungkot dahil doon naman sa ebidensiyang sinasabi nila ay ibinigay naming lahat."


“Wala akong sinabing hindi totoo, sinabi ko naman lahat.”

Ito ang pahayag ni Vhong Navarro tungkol sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court na kumpirmahin ang unang resolusyon kung saan pinayagang makapagpiyansa sina Cedric Lee, Zimmer Raz, at Deniece Cornejo.

Ito ay sa kabila ng kasong serious illegal detention na kinahaharap ng tatlong akusado, dahil sa insidenteng pambubugbog kay Vhong sa Forbeswood Heights Condominium, Taguig City, noong January 22, 2014.

Pahayag pa ng comedian-TV host sa panayam sa kanya ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBNNews.com ngayong Huwebes, July 2, “Para sa akin, siyempre nakakalungkot dahil doon naman sa ebidensiyang sinasabi nila ay ibinigay naming lahat.

“Kung ano yung mga sinabi ko, may mga ebidensiya tayo ng CCTV [closed circuit television].

“Mayroon tayong mga nag-witness sa atin at nagpapatunay na ito ang ginawa sa akin.”

Nauna nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa desisyon ni Judge Mariam Bien ng Taguig RTC na i-validate ang bail petition nina Cedric, Zimmer, at Deniece.

Read: Vhong Navarro camp dismayed by Cedric Lee, Deniece Cornejo's freedom amid serious illegal detention case

Matatandaang nauna nang pinayagang makapagpiyansa ang tatlong akusado base sa desisyon ni Judge Esperanza Paz Cortes noong September 12, 2014.

Dito ay nakasaad na hindi sapat ang ebidensiyang inihain ng prosekusyon upang mapatunayan ang alegasyong serious illegal detention laban sa grupo ni Cedric.

Read: Taguig court grants bail petition of Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz due to lack of "strong evidence"

Sa patuloy na panayam kay Vhong, tinanong ang actor/TV host kung nawalan siya ng tiwala sa justice system sa bansa.

Ngunit iginiit ni Vhong na hindi siya nawawalan ng pag-asa na makamit ang hustisya matapos ang karahasang tinamo niya mula sa grupo ni Cedric.

“Hindi naman ibig sabihin na hindi na ako nagtitiwala.

“Sana lang, itong ongoing naming kaso ay maganda sana ang kalabasan, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, wala akong itinago dito, sinabi ko lahat.

“Yung ebidensiyang sinasabi nilang kulang, hindi ko alam pa dun sa mga taong paano kung wala talagang ipapakitang ebidensiya. Kawawa naman. Ayun lang.”

Sa ngayon, nilinaw ni Vhong na tuloy pa rin ang pagdinig sa kasong serious illegal detention na isinampa niya laban kina Cedric, Zimmer, at Deniece.

At sa kabila ng pagsubok na kanyang pinagdadaanan, nagpapasalamat si Vhong sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang pamilya, mga malapit na kaibigan, at pati na rin sa kanyang fans.

“Ngayon, siguro para sa akin na lang siguro, bahala na ang Panginoon sa akin kung anong sa tingin [Niya] kung anong makakabuti para sa akin.

“Ang akin lang naman, ginagawa ko ‘to dahil ayokong magawa ito sa iba.

“Siguro hanggang nandiyan ang madlang people, hanggang nandiyan ang mga taong naniniwala sa atin, dun ako kumakapit ngayon.

“At ang hustisya sa atin, tingnan natin kung anong mangyayari.

“Hindi pa naman tapos ang kaso namin.”

Kahapon, July 1, inihayag ng kampo ni Deniece Cornejo na natuwa ito nang malaman ang tungkol sa desisyon ng korte na payagan siyang makalaya sa kabila ng kinahaharap na kasong serious illegal detention.

Read: Deniece Cornejo elated over court's validation of her bail petition in Vhong Navarro serious illegal detention case

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ng kampo ni Vhong at kampo nina Cedric, Deniece, at Zimmer hinggil sa kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN