Toni Gonzaga takes pride in keeping her virginity until wedding night

Toni Gonzaga admits being emotional on her first few weeks as a married woman: “Nagiging emotional ako. Naiiyak ako. Katulad niyan, nung isang beses, okey na, kumain na kami, tapos biglang aalis na siya papuntang trabaho. Tapos, nalulungkot ako, mag-isa na lang ako, gusto kong umuwi sa bahay namin, ‘Ang lungkot naman dito…’”


“I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko.”

Ito ang pahayag ni Toni Gonzaga nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang na-realize niya pagkatapos ng unang gabi nila bilang mag-asawa ng mister niyang si Paul Soriano.

Hindi naman kaila sa marami na si Paul lang ang nag-iisang lalaking minahal at dumaan sa buhay ni Toni bago sila ikasal.

At sa mahabang panahong naging magkasintahan sila ay napanatili ni Toni ang kanyang virginity, dahil na rin sa intact niyang moral values at malakas na pananampalataya.

Sabi pa ni Toni, “Parang bigla akong tumingin kay Paul, ‘Oy, grabe, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko.

“'Puwede kang maglakad kahit saan, ‘Ako lang ang nakaano sa asawa ko.’”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Paul nang tingnan niya ito noong unang gabi nila?

“Wala naman. Parang tagumpay siya. Napagtagumpayan niya.”

Proud naman ito?

Sagot ni Toni, “Oo naman.

“Nakita ko naman kung paano niya ako nirespeto, kung paano ka niya alagaan.

“Saka hinintay talaga niya yung ano…”

Pagkatapos ng first night nila, nagsabihan ba sila ng “thank you” o nagyakapan sila?

“Wala naman, pinag-usapan lang namin yung nangyari.

“Nag-look back kami ng wedding, first time naming nagdi-date, yung mga bawal siya dating pumanhik sa second floor [ng bahay nina Toni].

“Yung mga bawal na pagta-travel…

“Parang na-realize lang namin na parang everything is God’s timing na mas maganda.”

Humarap sa entertainment press si Toni para sa isang get-together na ginanap Huwebes ng gabi, July 2, sa Packo’s Grill restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

ADJUSTMENTS. Mag-iisang buwan pa lang sa July 12 na kasal sina Toni at Paul, kaya naman naninibago pa rin ang 31-year-old Kapamilya TV host-actress sa buhay niya ngayon bilang maybahay.

Saad niya, “Maraming pagbabago…

“Naninibago ako ngayon kasi ako na yung gumigising sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na ako ginigising ng mommy, ni Daddy.

“Kasi tandem ‘yan, e, it’s either yung daddy ang gigising o kaya si Mommy.

“Ngayon naman, kung hindi ako gigising, mali-late ako.

“Kasi hindi naman laging nandoon si Paul, kasi maaga siyang umaalis para sa trabaho.

“Minsan nandun siya, pero kadalasan maaga siyang umaalis for work.

“Gaya kanina, gumising ako nang mas maaga.

“Actually, maaga rin siyang gumising, pero mas maaga akong tumayo, kasi ako yung naghanda ng lunch.

“More on brunch kami, e.”

Nahirapan ba siya nung umpisa ng pagsasama nila bilang mag-asawa?

Saad ni Toni, “Nung first week, nanibago ako.

“Nagiging emotional ako. Naiiyak ako.

“Katulad niyan, nung isang beses, okey na, kumain na kami, tapos biglang aalis na siya papuntang trabaho.

“Tapos, nalulungkot ako, mag-isa na lang ako, gusto kong umuwi sa bahay namin, ‘Ang lungkot naman dito…’”

Kasalukuyang nakatira sina Toni at Paul sa isang condo unit sa Taguig City na pag-ari ng direktor.

Ito raw ang regalo ni Paul kay Toni bago sila ikasal.

Pero nasa plano na raw nila ang magpagawa ng sarili nilang bahay na matatawag nilang “dream house.”

Ano naman ang adjustments ni Direk Paul sa kanya?

“Mas iniintindi niya ako dahil first time kong umalis sa bahay.

“Mas marami akong hindi pa alam masyado sa bahay.

“At least, sanay ako na ang mommy ko ang nagmamando sa bahay.

“Pag ikaw pala, ikaw na ang nagmamando.

“Although, tinutulungan niya ako.”

NEW DSCOVERIES. Ano ang nadiskubre ni Direk Paul sa kanya?

“Na masarap akong magluto,” mabilis na sagot ni Toni.

“Hindi… kasi pag nandun siya sa bahay namin, gusto niya yung pininyahang manok.

“Gusto niya yung spaghetti ng mommy ko, gusto niya nung tinola.

“Ang ginawa ko, inaral ko… tinanong ko yung mommy ko kung paano niya ginagawa.

“So, pagka-lunch, ako na yung nagluluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katulad kanina, gusto niya nung spaghetti ng mommy ko, nagawa ko.”

Mabuti naman at may oras siya sa kabila ng pagiging abala pa rin niya sa kanyang showbiz career?

“Actually, PBB pa naman, e,” sagot niya.

Ano naman ang nadiskubre niya kay Paul?

Lahad ni Toni, “Maagang matulog. Yun ang hindi ako sanay.

“Paghiga niya, nakakatulog na siya, kasi nga morning person siya.

“E, kami ni Alex [Gonzaga, Toni's sister], night person.

“So, naninibago ako na wala akong kausap sa gabi.

“Gagawin ko, sisipain ko siya, gigisingin ko siya para may makausap ako!

“Pag tulog na, nagbabasa… the usual.

“O kaya pag bored na bored na ako, gigisingin ko, sasabunutan ko!”

Nakapag-adjust na ba siyang matulog na hindi ang kapatid na si Alex ang katabi niya?

Pag-amin ni Toni, “Medyo hindi pa masyado.

“Nawi-weirdan pa ako minsan, ‘Ano ba ‘yan? Iba na ang katabi ko.’

“Pero masaya naman.”

Kumusta naman ang romantic moments nila ni Paul? Mas marami bang yakapan ngayon?

Ayon sa Kapamilya star, “Ang pinaka… actually, shinare yun ni Bianca [Gonzalez], na ang pinakamasarap na feeling 'pag may asawa, pagod na pagod ka, uuwi ka tapos may sasalubong sa iyo, may magtatanong sa iyo, ‘Kumusta na ang araw mo?’

“Dati naman, sanay na ako sa ganun sa mommy at daddy. Iba lang yung sa asawa.”

Malambing ba si Paul sa kanya?

“Oo, mas malambing siya kaysa sa akin. Mahilig siyang mag-baby,” sabi ni Toni.

Nailabas na ba niya ang kanyang ‘maldita side’ kay Paul?

“Naku, sa eight years [naming relasyon], nailabas ko na yun!” sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN