Ruru Madrid on talks he is outpacing Protégé winner Jeric Gonzales: "Wala po sa aming competition... Maraming katangian si Jeric na wala rin ako.”

Ruru Madrid will not entertain the idea that he is the envy of his Protégé batchmates, stressing, “Hindi ko po masabi na ganun kasi may kanya-kanya po kaming forte."


May ibang mga fans ang tila inuudyukan sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, via social media, na lumipat sa ABS-CBN.

Pero sa panayam ni Ruru sa media nitong June sa taping ng Let The Love Begin sa GMA Annex Building, sinabi ng binata na masaya raw siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.

“Para sa akin po, since Protégé talaga, kaya nga po dito po ako nag-audition sa reality show ng GMA.

“Kasi ramdam ko po talaga yung pagmamahal ng bawat isa, sobrang babait ng lahat ng staff.

“‘Tapos alam mo yung bini-baby ka nila, alagang-alaga ka nila?

“So parang ang hirap na umalis, ang hirap dahil ang tindi ng pagmamahal na binibigay sa akin ng network.

"Susuklian ko na lang po yung pagmamahal na ginagawa po nila sa akin.”

Nakabili na si Ruru ng bagong sasakyan, isang Chevrolet Trailblazer na kulay itim, mula sa kinita niya sa showbiz.

Favorite color daw ni Ruru ang black.

“Talagang pinangarap ko po yun kasi siyempre before po ako mag-artista wala naman po kaming sasakyan.

“Pinangarap ko po talaga na sana makabili po ako ng sasakyan na gusto ko.

“Van po dapat gusto ko, Grandia po sana, kaya lang inisip ko po paano ko po siya mada-drive?

“Pagka kunyari aalis ako, ako lang mag-isa, parang hindi bagay, e.

“Parang mas malakas yung porma pagka SUV,” at tumawa si Ruru.

“At the same time, magagamit ko pa siya sa taping dahil malaki rin po.”

Naisakay na raw niya si Gabbi Garcia sa sasakyan niya nang pinagmaneho ang aktres sa taping nito para sa MARS.

Bahay ang susunod na planong ipundar ni Ruru.



COMPETITION. Narinig na ba niya yung intrigang kinaiinggitan daw siya ng ibang male stars ng GMA?

Isa kasi siya sa itinuturing na prinsipe ng Kapuso network.

“Sa akin po, dahil sa binibigay ng network sa akin na projects, masaya po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro yung inggit, wala naman po sa akin yun, e, like yung mga teen stars dito, karamihan po sobrang ka-close ko.”

Napag-iwanan na niya si Jeric Gonzales na Protégé winner samantalang runner-up lamang si Ruru sa naturang artista search.

“Hindi naman po, kami po ni Jeric, magkaibigan po, sobrang close po.

"Since Protégé parang kami na yung mag-bestfriend pati si Mikoy [Morales].

“So ayun, parang wala naman po sa aming competition, e.”

Ayon sa iba, mas mahusay raw kasing umarte si Ruru kaysa kay Jeric.

“Hindi ko po masabi na ganun kasi may kanya-kanya po kaming forte.

“Like si Jeric magaling po siyang kumanta, guwapings si Jeric.”

Magaling rin naman siyang kumanta at guwapo rin naman.

Tumawa muna si Ruru bago nagpatuloy, "Marami pong katangian si Jeric siguro na wala rin ako.”



STUDIES. Samantala, nais ni Ruru na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo, kung saan filmmaking ang kursong gusto niyang tapusin.

Lahad niya, “Sa UP or Benilde [De La Salle College of Saint Benilde] po, kasi si direk Maryo po, gusto niya po ako mag-aral sa UP.”

Manager ni Ruru ang direktor na si Maryo J. delos Reyes.

May limang taong exclusive contract si Ruru sa GMA.

Lunes hanggang Linggo, puwera lamang kapag Sabado ay regular na napapanood si Ruru Madrid sa telebisyon.

Weeknights kasi ay nasa Let The Love Begin si Ruru at tuwing Linggo naman ay sa Sunday All Stars at sa InstaDAD.

Minsan, kapag Sabado ay guest naman siya sa Eat Bulaga.


Biniro namin siya, "Hindi ka naman masyadong busy ano..."



Aniya, “Siyempre po masaya, kasi pinangarap ko lang po ito, e.

“Na siyempre magkaroon ng maraming trabaho.

“Talagang every day nananalangin ako, 'Sana po lalo niyo po akong bigyan ng trabaho at the same time ingatan niyo po ako.'"





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN