Gabbi Garcia says closeness to Ruru Madrid will remain even after their projects together

Gabbi Garcia recalls how Ruru Madrid, "being a gentleman," drove her to a taping location and waited hours until she finished her work. About his "kakulitan," she is very forgiving, "Hindi siya si Ruru kung hindi siya makulit... iyon din yung paglalambing niya.”


“Of course malulungkot ako,” ang sinabi ni Gabbi Garcia nang tanungin namin kung ano ang mararamdaman niya halimbawang pagkatapos ng Let The Love Begin at InstaDAD ay paghiwalayin muna ng GMA ang loveteam nila ni Ruru Madrid.

“Siyempre malulungkot ako, ang dami rin naming pinagsamahan ni Ruru dahil halos one year na rin kaming magka-loveteam and very close kami.

“Pero siguro yung pagiging loveteam on-cam hindi naman natin maiiwasan yung pag-e-experiment sa iba. Kasi sa showbiz, you get to try different partners.

"Pero off-cam naman, close pa rin naman kami.

"I’m sure kahit mag-switch kami ng partners, i-try man kami sa iba, hindi po maaapektuhan yung off-cam closeness namin.

“Kasi kumbaga, yung families din po namin close na rin, sisters niya, sister ko close na rin.

"So kumbaga may foundation na talaga yung pagiging close,” ang mahabang pahayag ni Gabbi nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Let The Love Begin sa GMA Annex Building last month.


Marami ang naniniwala na may relasyon na sila ni Ruru pero inililihim lang nila.

“Ay, wala po! Sa ngayon wala po talaga. Sobrang close po talaga kami.”

May terms of endearment ba sila bilang magkaibigan?

“Wala ano, Ru, Gab.”

Hindi babe?

“Ah, wala, wala pong ganun!”

Nasabihan na ba siya ni Ruru ng, "I love you?"

“Tanong niyo siya,” at tumawa ang Kapuso female teenstar, “tanong niyo siya... hindi, joke lang!

"Hindi, basta kami, close friends.”

May mga pagkakataon na kahit may taping si Gabbi na hindi kasali si Ruru ay nagbabantay si Ruru sa set.

“Ay, ganun? Ano lang,” ang putol na sagot ni Gabbi.

GENTLEMAN. May pagkakataon pa nga raw na ginawa niyang driver si Ruru sa taping niya?

“Ay, hindi ko ginawang driver si Ruru, napakaguwapong driver naman niya!

“Hindi, kasi nung time na yun, galing kami sa rehearsal ng isang regional [show].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos may call time ako sa MARS ng 4 p.m. yata ‘tapos na-adjust ng 7 p.m.

“E, yung location namin is Marikina e ang lapit lang ng bahay niya sa Marikina, as in taga-Marikina siya.

“So tumambay muna ako sa house niya kasi biglang nabago yung call time, e, taga-Pasay ako, taga-South ako.

“‘Tapos since yung fathers nga namin e close so nag-stay na dun yung dad ko.

“Ang ginawa ni Ruru, nagprisinta siya bilang gentleman, na siya na lang daw ang magda-drive sa akin papunta dun sa location.

“Talagang in fairness sa kanya, nag-intay siya ng mga tatlong oras o dalawang oras habang nagte-taping ako.”

Naguguwapuhan si Gabbi kay Ruru.

“Oo naman, hindi ko na ide-deny yun. Guwapo si Ruru, oo naman.”

Aminado rin si Gabbi na makulit ang binata.

“Personality niya talaga pagiging makulit, kumbaga, hindi siya si Ruru kung hindi siya makulit.”

Hindi naman raw nakakainis ang kakulitan ng kanyang ka-loveteam.

“Kasi yung pagiging makulit niya parang magiging malambing din niya, ganun.

“Yung pagkukulit niya parang iyon din yung paglalambing niya.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN